[W]

1.3K 26 3
                                    


Lara

Dumaan ang ilang araw. Hindi ko magawang malingon man lang si Gian pagkatapos ng nangyari. How could he say that? Hindi ba siya kinikilabutan sa mga sinasabi niya?

"Good morning Miss Lara." Bati sa akin ng isa sa employees. Tinanguan ko naman sila at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa opisina ko.

Pagpasok ko ay tumambad kaagad ang kabundok na mga papeles na kailangan kong harapin ngayon.

Umupo ako sa swivel chair ko tsaka nagbasa ng mga notes. 17 clients ang pending ngayon dahil unsure sila. Gusto nilang masigurado muna ang finances ng company bago sila mag-invest at para maging stable ay kailangang ma-close ko ang deal kay Mr. Yano Nakamura ng Nakamura Group and Co. Kaya ni Mr. Nakamura na mag-invest ng 185 million sa company. Yun ang sabi ni Daddy.

May kumatok sa pintuan ko. "Come in."

Tiningnan ko ang pumasok at nagulat ako nang makita ko si Gian. A week passed nang hindi ko siya napapansin sa company. Binalik ko nalang ulit ang focus ko sa mga paper works ko.

"What do you need, Mr. Cristobal?"

Tuluy-tuloy siyang naglakad papunta sa desk ko at nagbaba ng envelopes. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang logo ng Nakamura Group and Co.

"Bakit nasa iyo to?"

"That's the deal from Nakamura Group. They can invest 185 million pesos if we close the deal. That deal was made a year ago." Tiningnan ko pa ang loob ng envelope at nakita ko ang pictures ni Mr. Nakamura.

"A year ago? Kung last year pa itong deal, bakit hanggang ngayon hindi pa rin makuha? Aren't you supposed to be processing this by now?"

"Pinag-aralan ko yang deal na yan ng halos isang taon. I just can't make them talk to me all by myself."

"And why is that?" I asked still not looking at him.

"Yano Nakamura is a hopeless romantic. He loves reading romantic novels and so whatever that is related to romance."

"So? Ano ang importance niyang info na yan?"

"He called me. He said he wanted to talk to someone who has a beautiful lovelife that will inspire him to continue in investing."

"Go on. I'm listening."

"He asked me if I have a wife." Saglit akong napatingin sakanya. "I said yes. He also said that he'll just talk to me, if I am with my wife."

"Then.. Bakit hindi mo isama si Christa?" I said while trying to make myself busy by scanning some papers.

"Because she is not my wife." Napatigil ako at napatingin sakanya. "Ivannah, you are my wife. Legally. You are still a Cristobal—"

"Diretsuhin mo ako, Gian. Anong gusto ni Mr. Nakamura?"

"May cancer si Mr. Nakamura at sabi ng anak niya, hindi na masyadong nanunuod ng news at nagbabasa ng papers ito. As his final wish, gusto niyang mag-invest sa isang kumpanya kung saan maganda ang relationship status ng CEO. Now that you are the CEO, I think kailangan muna nating magpanggap na isang maayos na mag-asawa sa harap niya kung gusto nating ma-close ang deal."

"You mean kailangang magpanggap tayong happily in love with each other? Oh please, Gian. What a plan!"

"That's our only hope. That's the only thing we need to close so that this company may regain it's finances."

"At paano kung mabuking tayo? Kalat sa business field ang paghihiwalay natin."

"Sabi ng anak ni Mr. Nakamura, wala daw itong alam. Ang anak nya ang umaattend ng business seminars at hindi na niya binanggit ito dito."

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon