Edited
Rence’s POV
SHIT! Hindi ko matanggap na ganun na lang kabilis na namatay si Luke! Shit!
Binurol si Luke sa chapel kung saan rin binurol si Gino. Si Ate Ivannah at Kuya Gian ay nakaupo lang at walang imik. Hindi na sila makausap simula nung mamatay si Luke. Parehas silang walang tulog, at hindi nagsisikain. Nag-aalala na nga si Mommy at Daddy para sakanila.
“Ate, Kuya, kumain na muna kayo.” Sabi ko habang inaabot sakanila ang sopas pero hindi sila nagsalita at hindi sumagot. Nakatingin lang sila sa kabaong ni Luke. I can sense pain in their eyes.
“Please, kumain kayo. Magkakasakit kayo sa ginagawa niyo eh.” Pagpupumilit ko pa sakanila. Hindi nila ako sinasagot kaya umalis na ako sa harap nila. Kahit naman ako nasasaktan sa nangyayari. Masakit mawalan ng pamangkin. Lalo na kung halos sabay lang silang nawala. Ang hirap hirap tanggapin.
Pati nga ang pagpopropose ko kay Thea ay naantala din. Alangan namang magsaya ako habang ang buong pamilya ko, nagluluksa.
Nagulat ako ng lumabas si Kuya Gian sa chapel. Sinundan ko naman kaagad siya. Nakita kong bumili siya ng sigarilyo sa labas at humithit habang nakaupo sa damuhan.
“Kuya” Sabi ko sakanya. Hindi siya tumingin sa akin kaya umupo ako sa tabi niya. “Kuya, makakasama sayo yang paninigarilyo mo.”
“Please, leave me alone for now Rence”
“Alam ko masakit, alam ko mahirap tanggapin, alam ko mahirap magmove-on pero kailangan Kuya. Kailangan niyo ni Ate Ivannah ang isa’t isa. Diba sabi mo sa akin na magiging matatag ka para sa pamilya mo? Kuya, snap out. Ate Ivannah needs you. She really needs you.” Napansin kong nasira niya sigarilyong hawak niya.
“Rence..” Napalingon ako sakanya. “Just.. Just leave me alone.” Sabi ni Kuya. Napansin ko ang pagtulo ng luha ni Kuya Gian. Hinagod ko ang likuran niya saka siya iniwan na dun ng mag-isa.
Sana lang ay magawa rin nilang lagpasan ang sakit na nararamdaman nila ngayon.
----
Lauren’s POV
Napaka-sakit na makita ang anak mo habang yakap yakap ang walang buhay niyang anak. Triple ang sakit na nararamdaman ko sa twing nakikita ko si Ivannah at Gian na nagkakaganyan. Alam ko ring masyadong masasakit ang mga pinagdaanan nila ngayon.
TATLONG araw lang ang burol ni Luke. Ngayon ay ang libing niya. Napagkasunduan naming pamilya na sa tabi ni Gino ililibing si Luke.
Habang naglalakad kami papunta sa libingan ay nanatili pa ring walang kaimik-imik ang mag-asawa. I tried talking to the both of them but still, hindi sila nagsasalita.
“In behalf of Cristobal Family, we are sending our deepest thanks for grieving with us through the most painful chapter in our lives. Luke, God bless you and we will miss you so much. We love you baby.” Sabi ko sa mic sabay itsa ng white roses sa kabaong ni Luke.
“LUKE! DON’T LEAVE NANAY! I’M HERE! COME BACK TO US LUKE.. LUKE!” Inalalayan nila Renz si Ivannah ng magtangka itong buhatin ang kabaong ni Luke. Habang si Gian naman ay nakayakap lang sa kabaong habang walang humpay ang pag-iyak.
It is a very heartbreaking scene.
“Ivannah! Hush..” Pag-aalo ko sa anak ko. Niyakap lang ako ni Ivannah.
“Bakit sa amin nangyayari ‘to mommy? Ang sakit sakit!” Umiiyak na sabi ni Ivannah. “Mommy, why do I need to feel this? Bakit kailangang mawala ng mga anak ko.. Why? Bakit sila?!”
“Everything happens for a reason Ivannah. Just.. Just be strong.” I didn’t get a reply from her at ang tanging naririnig ko lang ay ang tuloy-tuloy na hikbi niya. It’s so hard seeing her like this. It’s hard to see your daughter hurting..
-----------
Narrator’s POV
It was half a month since Luke died. Bihirang mag-usap si Ivannah at Gian, kadalasan, si Ivannah, palaging tulog lang o kaya naman tulala lang at walang imik, si Gian naman palagi namang lasing.
Kumakain sila Ivannah at Gian. Napansin ni Gian na hindi ginagalaw ni Ivannah ang pagkain niya.
“Kumain ka Van.” Sabi ni Gian. Hindi naman nagsasalita si Ivannah at wala pa rin siyang ginagalaw sa pagkain niya.
“I’m not hungry.” Pagmamatigas ni Ivannah.
“Not hungry? Hindi ka nga kumakain eh.”
Ivannah just looked at Gian. “I said, I’m not hungry.” Gian lost her patience.
“Ivannah, wag ka na ngang makulit. Kumain ka na!” Pagpupumilit pa rin ni Gian.
“I said I’m not hungry! Mahirap bang intindihin yun?!” Mataas ang boses ni Ivannah kaya tuluyang nainis si Gian at napatayo.
“PAPATAYIN MO BA ANG SARILI MO HA?!” Sigaw ni Gian kay Ivannah. Halata namang nagulat si Ivannah ng sigawan siya ni Gian. Unang beses siyang pagtaasan ng boses ng asawa niya. “Nawala na si Gino! Nawala na si Luke! Gusto mo bang pati ikaw mawala na rin ha?!”
“IVANNAH, IKAW NA LANG ANG MERON AKO! PAHALAGAHAN MO NAMAN ANG SARILI MO!” Tuluyan ng umalis si Gian sa hapagkainan at naiwan si Ivannah. Dumbfounded. Umiiyak siya ngayon at hindi makapaniwala sa mga nangyari.
Ano na bang nangyayari sa pamilya niya? Sa isip ni Ivannah.
Hindi naman ito ang pinangarap niya..
------
[A/N] Get ready for Gian’s change.
COMMENT PLEASE!
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
Любовные романыHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?