[V]

1.2K 28 3
                                    


Lara

INAYOS ko ang gamit ko pagkatapos ng board meeting. Papalabas na sana ako nang hilahin ni Christa ang braso ko. I looked at her and removed her hand.

"Tell me, Ivannah. What's our intention?" Inayos ko ang damit ko and smiled sweetly at Christa.

"What are you talking about, Ms. Faderon?"

"Why are you back?" I smirked.

"Hindi ba't parang common sense lang naman ang sagot diyan? I am the inheritor of this company so here I am."

"Don't act so innocent, Ivannah! You knew your company might go on a crisis so you never signed those annulment papers. Why? Dahil hinahabol mo ang pera ni Gian and you know that it'll help the company!"

Napangiti lang ako sakanya. "Ano, Ivannah? Magsalita ka! Kung pera lang din ang habol mo kay Gian, name your price! Ibibigay ko, pirmahan mo lang ang annulment papers. Bitawan mo na siya dahil akin na siya!"

Tiningnan ko ang relo ko tsaka ibinalik ang tingin sakanya. "Are you done with your stupidity, Ms. Faderon?"

"What?!" Sasampalin na sana ako ni Christa pero pinigilan ko yun atsaka ko binalibag sa ere.

"I can't believe it. Papalitan na nga lang ako ni Gian, sa isang palengkera pa. This is so not his type." Inayos ko ang gamit ko. "Baka nakakalimutan mo kung saan ka lumulugar, Ms. Faderon? I am the CEO of the sister company of your husband, oh wait. Hindi nga pala kayo kasal." I laughed pathetically. "Napalago ko ang company ni Gian with my father's money. In just a snap, kaya kong pabagsakin ang kumpanya niyo ni Gian at para sabihin ko sayo. I have all the money I need to rebuild this company and I don't need Gian's money. It's all yours. I wasn't born a gold digger. So, sa susunod na mangyari to, Ms. Faderon, I'll fire the both of you. Matuto kang lumugar."

Tinalikuran ko si Christa tsaka naglakad papunta sa may pintuan pero bago ako lumabas muli ko siyang tiningnan.

"Just a friendly reminder gaya nga ng sabi ko, nagsimula kang kabit.. Mamamatay kang kabit. And please call me Miss Lara because I'm not Ivannah anymore."

Muli akong tumalikod tsaka lumabas ng kwartong iyon. Nagmadali akong pumunta sa opisina ko at nang masiguro ko nang wala ng ibang tao sa paligid ay nanghihina akong napaupo sa sahig.

Napahilamos ako sa mukha ko. Alam ko sa sarili kong matapang ako pero hindi ko maintindihan kung bakit ba nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko si Christa.

"Lara... what's wrong?" Napatingin ako at nakita ko si Cloud na may dalang pagkain sa supot. Tumingin ako sa relo ko. Lunch time na pala.

"Nothing. Headache I guess?"

"Kumain na muna tayo." Inihanda ni Cloud ang pagkain at lihim naman akong napangiwi nang makita ko ang sunog na pagkain. I guess he tried cooking again.

Mukhang napansin iyon ni Cloud dahil napakamot siya sa batok niya. "Well, I guess this belongs to the trash, right?"

"No Cloud, it's okay. Let's eat this." Akmang kukuhanin ko na ang pagkain pero pinigilan ako ni Cloud tsaka tinapon ang pagkain.

"I won't let you eat trash. Tara, sa restaurant na lang tayo." Napatawa nalang ako sa inasal ni Cloud kaya nagpatangay nalang ako sakanya.

Paglabas namin ay pinagtinginan kami ng mga empleyado. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

AFTER my lunch with Cloud, I went back to work. Maraming papeles ang kailangan kong harapin ngayon. I need to settle five deals para mas maging stable ang finances ng company.

Habang nagrereview ako ng files may biglang kumatok. "Come in."

Pagtingin ko ay si Gian iyon. Ibinalik ko na lang kaagad sa mga papeles ang tingin ko. "What is it, Mr. Cristobal?"

"The board of directors want to have another meeting this evening."

Tumango ako. "Pwede namang ipasabi mo nalang sa secretary ko yan."

He laughed. "You haven't hired a secretary yet dear." Napahinto ako saglit at binalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa mga papeles.

Napahiya ako don!

"Oh that. Yeah. It totally slipped my mind." Sabi ko nalang.

Habang nagbo-browse ako sa files ay biglang nagring ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Kei kaya nagmamadali akong sagutin iyon.

"Baby! Napatawag ka?"

"When are you coming home? I miss you. Tito Cloud said you have a lot of work. Are you alright?" I smiled.

"Yes baby. I'm okay and I miss you too. I promise I'll be home as soon as I finish these papers. Okay?"

Maya maya ay si Kio naman ang narinig kong nagsalita. "Mom. Can you please go home now? I can't stand seeing this Cloud inside our house. Make him go away!"

"Stop nagging. Uuwi rin ako baby okay? Sige na. I have a lot of work. Be home soon. I love you."

"Bye mom. I love you too." Saka ibinaba ng kambal ang phone.

"Who was that?" Nagulat ako nang may magsalita sa harapan ko. Pagtingin ko ay nakita ko si Gian na nakatayo pa rin. Akala ko nakalabas na siya!

"Why are you still here?"

"Who was that?" Inirapan ko lang siya at bumalik na sa ginagawa ko.

"Wala kang pakialam. You better get out now. Baka kung ano pa ang isipin ng ibang employees."

Imbis na lumabas ay lumapit pa si Gian at inilagay ang dalawang kamay niya sa desk ko.

Napatayo lang ako at tiningnan siya ng masama.

"What the hell is your problem Mr. Cristobal?!"

"Who were you talking to, Ivannah?"

"Ano bang pakialam mo? Pwede ba! Hwag mo akong guluhin. Marami pa akong trabaho!"

"You are my wife. Remember, you never signed those annulment papers." Nandilim ang paningin ko at sinampal ko si Gian.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin ngayon yan! Yes, I never signed those fucking annulment papers but that doesn't mean I'm still yours! Remember, you stopped being my husband three years ago when you decided to fuck with that whore."

Inayos ko ang sarili ko at hinarap si Gian. "You should get out. Or else I'll call security. Get out, Mr. Cristobal. Get out of my office now."

Napasabunot lang sa buhok niya si Gian atsaka lumabas ng office ko.

Pagkalabas niya ay bigla kong naramdaman ang paghina ng mga tuhod ko. Napaupo ako sa swivel chair ko at dun lumabas ang luha ko.

Why?

After all these years..

Why does my heart still bleed, because of him?

xxxxxx

AN: sorry po sabaw, bawi ako sa susunod na mga chapter! mwahugs. 💕

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon