Gian’s Point Of View:
It’s been 5 years since mawala si Ivannah. Tita Lauren and Tito Ivan went to the States at dinala nila doon si Ivannah para ipagpatuloy ang paggagamot sakanya.
Oo. Buhay pa si Vannie. I know she’s still fighting for her life. Naniniwala rin ako dun kahit na idineklara na ng doctor na “Brain Dead” na siya. The doctor even said that we just need to hope for a miracle. At eto ako ngayon. Still hoping she’ll come back and I can feel her warm hug again.
“Gian! Pasign!” Napalingon naman ako sa babae sa likod ko. Pinirmahan ko naman ang dala dala niyang libro. Oo, isa na akong writer ngayon at lahat halos ng librong ginawa ko ay pinapublish. Pero ang pinakanagpasikat sa akin ay ang libro kong may title na “A Miracle Relationship.” Kwento ito tungkol sa isang lalaking patuloy paring nagmamahal at umaasa na magigising ang taong mahal niya mula sa matagal na pagkakatulog. Siguro kaya rin tinangkilik ito ay dahil sa may pinanghuhugutan ako ng ginawa ko yun.
Naglakad na ako palabas ng mall. May book signing kasi ako ngayon sa isang school na napakahalaga saken. Ang Alma Mater ko. Ang school kung saan kami nagkakilala ni Vannie. Kung saan kami nagmahalan. Ang school na yun ang naging saksi.
Sumakay ako sa van at mabilis na tinahak nun ang daan. Tinext ko si Tita Lauren.
“Tita, kamusta na? Okay ba kayo jan?” Saka ko sinend. Kahit wala sila dito ay nangangamusta ako. Hindi ako tumitigil sa pagmamahal sakanila dahil nakabuo sila ng katulad ni Ivannah.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa university ko. Ibang atmosphere ang naramdaman ko. Magkahalong lungkot, saya, lahat.
“Gian Rafael. Ang laki mo na!” Ngumiti naman ako ng batiin ako ng dati kong professor. Nagmano ako dito saka niyakap ito. Pumasok naman agad kami sa loob at sa covered court ako umupo.
Sunod na dun ay ang pagdagsa ng mga students. Patuloy naman ako sa pagsasign. “Sir Gian. Tayo na lang po please. Ang gwapo gwapo niyo po!!”
Ngumiti naman ako sa dalagang estudyanteng nasa harap ko. “Thank you sa compliment pero di pwedeng maging tayo. May hinihintay pa kasi ako. At mahal na mahal ko yun.” Ngumiti naman yung dalaga saka nagbow sakin.
May nag-abot sa akin ulit ng libro pero nagulat ako dahil ang hawak niya ay ang A Miracle Relationship na a year ago pa naipublish.
“Kahit kailan, napakaheartbreaker mo.” Napatigil naman ako pero hindi ako tumitingin sa nagsasalita. Nakatingin ako sa kamay niya at alam ko kung kanino to. Hindi ako pwedeng magkamali. “Ano Gian, are you just gonna stare at my hand the whole day?” Shit! That sarcasm. It’s her. It’s gonna be her.
And I’m right.
Standing in front of me is Ivannah. With her red dress. Humaba ang buhok niya at pumuti siya. Pumayat siya but it didn’t affect her looks. Gising siya. And she’s talking to me now.
“I—Ivannah... Va—Vannie.. Ikaw ba talaga yan? Pinch me, I must be dreaming.” Hinawakan ko ang pisngi ni Ivannah. She smiled and kissed me on my lips.
“Ayan. Para pa din bang panaginip?” Nakangiting tanong niya. Hindi nako nagdalawang isip at niyakap ko siya. I felt her hugged back. Naririnig ko naman ang maingay na sigaw ng crowd. Kahit lalaki ako ay napaiyak rin ako. She is my everything. She is my princess, my queen. And now she’s here, back in my arms, completing me. There’s no other way people could separate us again.
“Nay..” Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ni Vannie. Isang batang lalaking, kamukhang kamukha ko?
Binuhat to ni Vannie. “Suprised? Say hello to baby Gino. Our handsome son.” Nagulat ako sa sinabing yun ni Vannie. Mukhang 4 years old na si Gino. I was looking at him and he was looking at me to. Tss. It’s as if I was looking at the mirror. Hinawakan ni Gino ang mukha ko. I almost cried when he called me. “Tay!” I carried him. He is so cute. He is like an angel to me.
![](https://img.wattpad.com/cover/11360973-288-k213905.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?