[2]

1K 21 3
                                    

Author

“Come on, Gian ba’t ba ayaw mong sumagot!” Napatili si Christa habang maka-ilang beses na pilit tawagan si Gian. Hindi siya sinasagot nito kaya naman sobrang frustrated siya.

Sumasabay pang umiiyak si Jake.

Lumapit dito si Christa at pinalo ito. “Ano ba, hindi ka ba tatahimik peste ka!” Lalo pang lumakas ang pag-iyak nito.

“SHUT UP! SHUT UP!!”

Kasalukuyan namang nasa labas si Cloud at rinig na rinig nito ang pagsigaw ni Christa kay Jake kaya nagmadali itong mag-doorbell.

“Sandali lang!” Iritableng sabi ni Christa saka binuksan ang pintuan. Bahagya itong napaatras nang makita niya si Cloud na tuluy-tuloy na pumasok at dumiretso sa direksyon ni Jake. Sandali nitong pinagmasdan ang bata na pagkatapos ng lahat ay ngayon lang niya nakita.

Binuhat nito ang bata atsaka napasuklay sa buhok niya si Christa.

“Ano sa tingin mong ginagawa mo dito Cloud?! Are you out of your senses?!”

“You were hurting Jake. Sinabi mo sakin na hindi mo siya sasaktan at aalagaan mo siya pero ano tong ginagawa mo ha, Christa?!”

“Wala kang pakialam kung paano ko gusto palakihin ang anak ko!”

Ibinaba ni Cloud mula sa pagkakahawak niya si Jake at hinablot ang braso ni Christa. “You bitch. Anak natin yan!”

Sinampal ni Christa si Cloud. “Shut up Cloud! Anak yan ni Gian!”

Nag-igting naman ang bagang ni Cloud at matalas na tiningnan si Christa, ”Alam nating dalawa kung kaninong anak si Jake, at alam mong hindi si Gian yon.”

"Bitawan mo ako Cloud! Ano ba!”

Binitawan nito si Christa at binuhat si Jake sa bisig niya. “Papakalmahin ko ang bata.” sabi ni Cloud tsaka mabilis na isinakay sa kotse si Jake.

“Anong ibig mong sabihin?! Ibalik mo si Jake dito! Cloud ano ba!!!” Pinaharurot ni Cloud ang kotse niya at dinala sa theme park ang tahimik na si Jake.

Binuksan nito ang pintuan ng kotse. “Jake, tara. Maglalaro tayo,”

Hindi kumibo ang bata at hindi rin gumalaw sa kinauupuan nito. Umupo naman si Cloud upang mapantayan yun.

“Jake, hindi ako masamang tao. Hindi kita sasaktan. All we have to do now is to play and have fun, ayaw mo ba nun?”

Maya-maya ay napansin ni Cloud ang mga pasa sa iba’t ibang parte ng katawan ni Jake.

“Where did you get these?”

“From my mom,” Sa wakas ay nagsalita rin si Jake pero kasabay nun ay umiyak rin ito. “She always pinch me or slap me whenever something goes wrong even if it's not my fault... She even told me that I'm just trash..”

Sa mga sinabing yun ni Jake ay kaagad napaiyak si Cloud. Pakiramdam niya sa sarili niya na kasalanan niya kung bakit ganun ang pinagdadaanan ng anak niya.

“shhh.. Tama na, tahan na..” Niyakap ni Cloud si Jake. Parang dinudurog ang puso niya sa pagkakita sa anak niya sa unang pagkakataon na ganito ang sitwasyon.

“I wish my dad’s here..” Mas lalo namang nasaktan si Cloud sa sinabing yun ni Jake.

If only you knew I am your true dad.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Lara

Kinabukasanng gabi ay umalis ulit kami para pumunta sa mga lugar na pagdadalan sa amin ni Mr. Nakamura.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon