[Vannie's POV]
Pinatunayan ko ang sarili ko sa mama ni Gian. Lahat ginawa ko. Minsan dun na ako natutulog sakanila. Kahit na halos di na ako kausapin ni Mommy okay lang. Basta matanggap lang ako ng mama ni Gian.
“ANO BA YAN! KAY SIMPLENG BAGAY! DI MO MAGAWA!” Halos mabingi ako sa pagsigaw ng mama ni Gian.
“Pasensya na po. Di ko naman po —” Biglang hinigit ng mama ni Gian ang balikat ko at pinalapit sakanya.
“WALA KA TALAGANG KWENTA! TAPOS GUSTO MONG MAGING ASAWA NG ANAK KO? AMBISYOSA! Sumuko ka na lang! Dahil kahit anong gawin mo. Hinding hindi kita matatanggap. Itaga mo yan sa bato! Balik sa trabaho!” Hindi ko akalaing sa buong buhay ko ay makakaranas ako ng ganito. I live a wealthy life. Di ako marunong sa mga gawaing bahay dahil na rin sa gusto ni daddy na puro maids lang ang gumawa ng lahat ng gawaing bahay. Siguro kung alam lang ni Daddy ang mga pinaggagagawa ko dito, masasampal ako nun ng di oras.
Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa flooring ng bahay nila Gian. Namumula na nga ang mga kamay ko at daliri ko pero, I don't care. Hindi ko alam ang ginagawa ko pero mahal ko si Gian, mahal na mahal ko siya.
“Vannie? Anong ginagawa mo jan! Tumayo ka nga jan.” Umiling lang ako kay Gian pero pinilit niya akong itayo.
Humarap siya sa mama niya.
“Ano bang pinaggagagawa niyo ma? Hindi katulong dito si Vannie! Ang dami daming katulong jan!” Pilit kong inaawat si Gian pero hindi siya nakikinig.
“Siya ang nagprisinta. I told her na marami pang maids jan pero she insisted!”
Liar.
“Quit lying Christine.” Napalingon kami ng makita namin si Tito Daniel na pababa galing sa 2nd floor ng bahay nila.
“Whatever! Magsama-sama kayo!” Umalis ang mama ni Gian. Lumapit si Tito Daniel sa akin saka pinunasan ang mukha ko.
“Ija, wag mo namang gawin yan sa sarili mo. Paano nalang kapag nalaman ng mama mo na ginaganito ka dito? Hindi mo kailangang gawin to. Sige na, umuwi kana at baka hinihintay ka na sa inyo. Gian, ihatid mo na siya.” Tumango ako kay Tito Daniel saka kami lumabas ni Gian sa garahe nila. Humarap sa akin si Gian atsaka pinunasan ang mukha ko.
“Ano ka ba Vannie. Bakit mo ginagawa to? Wag mong ganituhin ang sarili mo.” Binitawan ko ang kamay ni Gian.
“Pinapakita ko lang na kaya kitang ipaglaban. Tanga na kung tanga pero mahal talaga kita Gian.”
“Vannie, handa rin akong magpakatanga sayo dahil mahal na mahal rin kita pero wag mong alilain ang sarili mo. Kung pwede wag ka munang babalik sa bahay namin, ako naman ang gagawa ng paraan para matanggap ng mga magulang mo.” Sumakay kami sa kotse ni Gian.
Dumiretso kami sa bahay namin at doon namin nakita si Daddy na nakatingin sa amin. Lumapit ako kay Daddy at niyakap niya lang ako.
“Good afternoon po, sir.” Nagbow si Gian kay daddy at tinap lang ni daddy ang balikat ni Gian.
“Tito Ivan.” Sabi ni daddy habang nakangiti. Napangiti rin ako at ganun din si Gian. Pumasok kami sa bahay at doon nakita ko si mommy. Lalapit na sana ako sakanya pero umiwas lang siya saka umakyat sa kwarto nila ni daddy.
Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil ayokong makita akong ganun ni Gian at pati na rin ni Daddy.
“Uhm, tito. Gusto ko lang po ipaalam na hindi ko po siya susukuan. Kahit po tutol kayo sa amin, kahit na ayaw niyo ako sakanya. I'll prove myself to you.”
Tumango lang si daddy tsaka tinapik ang balikat ni Gian. Umakyat si Ivan at doon naiwang mag'isa ang dalawa.
“Parang di ko na kaya Gian.” Nanlulumong sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko.
“Ako din naman Vannie, parang di ko na rin kaya.” Tumulo ang mga luha ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.“I can conquer the world with one hand, as long as you are holding the other one..”
He held me in his arms and planted a soft kiss on my cheek and on my forehead. Paano nga ba? Sa tuwing nagkakaproblema ako palaging nandiyan si mom para saken pero wala siya ngayon. Unfortunately, tutol siya sa relationship namin ni Gian.
“Mommy.” Sabi ko habang nakatingin kay mom. Natutulog siya sa sofa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko gising naman siya at naririnig niya ako alam ko.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro nga mali pero paano ko itatama? Mahal ko si Gian. Pero mahal ko rin kayo nila daddy pero mom, di ko na alam ang gagawin ko.” Isa isa nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
-
[Lauren’s POV]
Hindi ko na makayang makitang nagkakaganyan ang anak ko. Kung nasasaktan siya, mas doble ang sakit na nararamdaman ko. Dahil syempre, ako ang mommy niya. Ako dapat ang nagtatanggol sakanya. Ako dapat ang gumagawa ng paraan para maging masaya siya pero anong ginagawa ko? Ako pa ang nananakit sa damdamin niya. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos na to. Ako ang nagsimula ng gulong ito. Kailangang ako rin ang tumapos nito.
“Hello. Christine? Si Lauren to. I need to have a word with you.” I started the engine of my car and went to the address I said to Christine.
I was not long before I got to the place. Seeing Christine wearing her red velvet dress sitting beside the window.
I locked the door of my car and went inside the cafe.
“Christine.”
“Ano bang kailangan mo sakin at kailangan mo akong abalahin?” I sat down saka tiningnan si Christine.
“May kailangan kang malaman.” Umiyak ako habang kausap siya. “Si Ivannah, hindi siya tunay na anak ni Ivan.” I saw Christine smirk at me.
“I know.”
“What.. Alam mo? So alam mo ang totoo? Bakit di mo sinasabi kay Daniel ang tungkol dito?” Nagsalubong ang kilay ni Christine at matalim akong tiningnan.
“Bakit kailangan niyang malaman? Ano bang papel niya sa buhay mo? Bakit siya ba ang tunay na ama ni Ivannah para malaman niya ha?!”
“So hindi mo alam alam ang buong kwento Christine.”
“Then tell me.”
“Hindi mo dapat na sinasaktan si Ivannah. Dahil anak siya ng asawa mo.” Sandaling napatigil si Christine.
“What?! Inaasahan mo bang sasabihin ko talaga kay Daniel yan!? Hindi! Gagawa ako ng paraan para hindi niya malaman yun. Talagang sakin mo sinabi to? Ginagago mo ba ako ha Lauren!?”
“Hindi! Sinasabi ko sayo to dahil ilalayo ko na ang anak ko. Lalayo na kami. Hindi niyo na kami makikita. Hindi pwedeng magpatuloy ang relasyon nila ni Gian dahil magkapatid sila. Gusto ko ring magsorry sa lahat ng sakit na nadulot ko sayo. Salamat dahil naging kaibigan kita. Paalam.” Tumayo ako saka lumabas ng coffee shop.
I made up my mind. Di na ako papayag na masaktan pa ulit ang anak ko.
Ilalayo ko na siya dito.
END.
AN: Pasensya na po kung ngayon lang nag update tas ganyan pa kaikli!!! Pahapyaw lang sa last chaptersss babawi ako sa susunod na chapter promiseeee ♥ VOTE AND FEEDBACKS. SALAMAT!
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?