[Gian’s POV]
“Tatay.. When will I go out?”
“Why? Ayaw mo na ba dito?” Umiling si Luke.
“Ayoko na po. Gusto ko na po sa bahay. I wanna play in my room. I miss my room tay..” Hinagod ko ang ulo ni Luke.
“Gising na pala ang baby ko.” nakita kong pumasok sa kwarto ni Ivannah dala dala ang mga pagkain ni Luke. “O, what do you want baby?” Tanong ni Ivannah kay Luke tsaka hinalikan ang noo ni Luke.
“Nanay, i want to go home.” Napatingin sa akin si Ivannah at napangiti lang ako ng impit at tumango.
“We are going to ask your doctor if you can go home ha?” Tumango naman si Luke tsaka yumakap kay Ivannah.
----
Lumabas kami ng kwarto ni Luke para kausapin ang doctor niya. My child wants to go home and I want to bring him home, kung saan sasaya ang anak ko.
“Are you sure Mr. Cristobal? I'uuwi niyo ang anak mo? Mas makakabuti kasi sakanya kung nandito siya sa hospital.” I saw Ivannah looked at me. I just held her hands. I nodded.
“Sisiguraduhin naming ligtas si Luke sa bahay. Sa ngayon, gusto lang naming maiuwi ang anak namin. Ayaw naming dito mamulat si Luke.” Nakangiting tumango sa amin ang doctor niya. Niyakap ko naman si Vannie.
“Let’s go and fetch Luke.” Sabi ko tsaka nagpunta sa kwarto ni Luke.
-----
NARRATOR’S POV:
Pagpasok ng kwarto ng mag-asawa ay napalingon sakanila si Luke. Nakangiti lang ang bata habang sinasabi ni Gian na iuuwi na nila ito. Masayang masaya si Luke kahit na nanghihina 'to.
May nararamdamang makirot sa dibdib niya si Luke na hindi niya sinasabi sa mga magulang niya dahil natatakot siyang mas tumagal pa ang pag-iistay nila sa hospital kaya pinilit niyang itago ‘yun.
“Luke are you alright? Dito na muna tayo sa hospital—” Mabilis na umiling si Luke sa sinabi ni Ivannah. Buhat buhat ng mag-asawa si Luke habang naglalakad papuntang parking lot.
“Nanay I can’t wait to go home!!” Masiglang sabi ni Luke. Ngumiti naman si Ivannah sa anak niya saka sumakay ng kotse. Pinaandar ni Gian ang kotse habang nakakandong naman kay Ivannah si Luke. Mabigat ang paghinga nito at mukhang nahihirapan.
“Luke, are you alright? You’re pale.. Let’s bring you back to the doctor alright?” Pero umiling si Luke.
“Nanay, just the inhaler please..” Luke pleaded so Ivannah get Luke’s inhaler tsaka pinagamit sa anak niya. After a few inhaling, Luke smiled and dozed off to sleep.
----
HINDI rin naman nagtagal at nakauwi na sila sa bahay. Luke was energized and run to his bedroom.
“I guess this is all he ever wanted.” Gian said while arranging their things at the bedroom. Ivannah smiled bitterly.
“Even though I see Luke smiling, hindi ko pa rin maalis na matakot para sakanya. I know he’s suffering inside. Alam kong nasasaktan siya sa nangyayari sakanya and mas lalo pa akong nasasaktan knowing I can’t do anything for my son.” Bakas sa tono ng pananalita ni Ivannah ang sakit at pangamba sa anak niya. Hindi naman natin siya masisisi dahil minsan na siyang nawalan ng anak at hindi na niya kakayanin kung mawawala pa ulit si Luke.
“All we have to do know is pray, let’s just pray for our son Ivannah.” Yan na lamang ang nasabi ni Gian sa asawa niya dahil kahit siya, nawawalan na rin ng pag-asa para sa anak niya. Pero alam niyang hindi dapat dahil siya ang ama, siya dapat ang maging sandigan ng mag-ina niya kaya hindi siya pwedeng magpakita ng kahit anong kahinaan sakanila.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?