[Gian’s POV]
Weeks and months passed at ganito lang ang sitwasyon namin nila Ivannah. We are happy and contented but still, parang may kulang dahil wala na si Gino.
Luke has been growing fast, at habang lumalaki ang bunso namin ay kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari.
“Good morning Sir Gian!” Bati sa akin ng isa sa staffs ng kumpanya. I just smiled at her tsaka sumakay sa elevator. Habang nasa elevator ako ay dinial ko ang number ni Kian.
“Hello, bro? Ba’t napatawag? May problema?”
“Wala naman.. May itatanong lang sana ako.. Yung, kaibigan ni Papa na doctor, nakauwi na ba galing ng Hongkong? Kailangan ko na kasi siyang makausap.”
“Bakit bro? Umaatake nanaman ba ang sakit ni Luke?”
“Palagi siyang nilalagnat at hinihika ngayon, Kian. Kinakabahan na ako para sa anak ko. Alam kong mahina ang baga ni Luke ng ipinanganak siya ni Ivannah. Kian, I lost Gino, I can’t afford to lose Luke next.” Bumukas ang elevator at naglakad ako papunta sa office ko habang kausap ko pa rin si Kian.
“I know Kuya, just stay calm. Malapit na sigurong umuwi yun. Hintay hintay na lang. O pano, tawag na lang ako mamaya Kuya, susunduin ko pa si Jill eh.”
“Ikaw bata ka, 17 ka pa lang baka mamaya mabuntis mo ‘yang si Jill sige ka sundalo tatay niyan.” Pabirong sabi ko kay Kian.
“Huu, ikaw nga 19 mo lang nabuntis si ate Ivannah nu!”
“Gago ka talaga Kian. Sige na. Ibaba mo na. Bye.” Inilapag ko ang gamit ko at ang phone ko pagkatapos ay hinubad ang coat ko.
“Sir schedule niyo po for today..” Napalingon ako ng pumasok ang secretary ko atsaka binigay ang sched ko. Pinirmahan ko yun tsaka siya lumabas.
Nahagip ng mata ko ang picture naming pamilya sa desk ko. Ako, si Gino, Ivannah at si Luke. Kumpleto pa kami, napabuntong-hininga na lang ako ng maalala ko ulit si Gino. How I miss this little boy.
*ring! ring!*
Biglang nagring ang phone ko at nakita kong nagflash sa screen ang pangalan ni Ivannah. I answered it right away. “Hello, mahal ko? Anong problema?”
“Gian! Si Luke! Inaapoy ng lagnat at hindi na makahinga! Gian! Hindi ko alam ang gagawin ko!” Biglang nanghina ang tuhod ko sa narinig ko.
“Isugod niyo na si Luke sa pinakamalapit na ospital, Ivannah! I’ll be there right away!” Binaba ko ang tawag tsaka nagmadaling lumabas ng office ko.
“Sir! Saan po kayo pupunta? May importanteng meeting po kayo sa—”
“My family is more important than that fucking meeting!!” Huling sabi ko sa secretary ko saka ako sumakay sa kotse ko. Sinend naman sa akin ni Ivannah ang address ng hospital at pinaharurot ko na ng takbo ang kotse.
“FUCK! TRAFFIC PA! SHIT!” Napahampas ako sa manibela ng kotse ko. Na-stuck pa ako sa heavy traffic na‘to!
Kinakabahan na ako, kung ano man ang mangyari kay Luke. Kinakabahan ako para sa anak ko. Alam kong nahihirapan siya sa kalagayan niya.
Kulang na lang ay paliparin ko ang kotse ko para lang makarating na kaagad sa hospital. Pero salamat sa Diyos at nawala ang pagiging traffic at lumuwang na ang daan.
Ilang sandali pa ay nakarating ako sa hospital. Tumakbo ako hanggang sa makita ko si Ivannah na umiiyak. “Ivannah!” Napalingon siya sa akin at kaagad akong niyakap.
“Gian.. Natatakot ako! Si Luke.. Si—”
“Sshh..” Naramdaman ko ring tumulo ang luha ko. Nakita ko si Luke habang nasa OR siya, maraming tubong nakapasak sa kanya at alam kong nahihirapan siya sa kalagayan niya dahil ako mismo noong bata ako naranasan ko ang mga bagay na yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/11360973-288-k213905.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
Storie d'amoreHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?