Hannah Angeles's
Nawala ang atensyon ko sa pagsusulat sa aking notebook nang marinig ko ang malakas, nakakarindi at nakabibinging tilian ng mga estudyante sa labas ng room.
Halos manakit ang tainga ko dahil sa lakas ng mga sigawan at tilian nila, lalo na ang mga kababaihan na parang mga nakalunok ng ultra mega phone. Kulang na lang ay mabasag ang eardrums ko dahil doon.
Tumingin ako sa labas ng bintana habang magkasalubong ang aking kilay. Bakit naman kaya may nagtitilian sa labas? May zombie kaya? Bigla na lang ba nagkaroon ng apocalypse dito sa school? Ay ewan! Kung ano-ano na ang pinag-iisip ko. Palibhasa kasi ay mahilig akong manood ng mga palabas tungkol sa mga zombie na 'yan.
Malaki ang pasasalamat ko na nakabukas ang mga bintana rito sa room namin at hindi rin nakaharang ang mga kurtina kaya malaya kong nakikita 'yong mga babaeng estudyante pati na rin ang mga feeling babae na tumatakbo sa corridor.
Kasama pa nila 'yung mga lalaking chismoso at halata kong nagmamadali. Ang iba ay nagtutulukan pa para lang mauna silang makatakbo.
Ano kayang meron? Bakit sila nagkakagulo at nagtatakbuhan sa corridor? May dumating ba na gwapong artista sa school namin? O baka naman may nagaganap na namang away?
Wala namang bago kung sakaling may nag-aaway na naman dito sa school namin. Hindi ba sila nababahala? Sa katatakbo nilang lahat at nag-uunahan pa ay baka magkaroon ng stampede. Pasalamat sila na hindi sila nasita ng mga titser namin dahil nasa meeting sila ngayon.
Pati tuloy ang mga kaklase ko ay nabulabog sa ingay ng ibang estudyante sa labas at nagsimula na rin silang makiusyo sa kung ano ba ang nangyayari. At dahil wala kaming titser ngayon kaya malaya rin silang nakakalabas ng room upang tingnan o alamin kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante sa labas.
"Paparating na ang Hellion Triplets!" Masaya at tila kinikilig na sigaw ng isang estudyanteng babae upang ipabalita sa iba kung sino nga ang parating.
Napangiwi pa ako dahil nang marinig iyon ng iba kong mga kaklaseng babae ay nagsitilian na rin sila at nag-uunahang tumakbo palabas ng room namin. Ang iba nga ay kanya-kanya pang dala ng mga pang-paganda nila sa kanilang mukha. Napansin ko pa nga ang isa kong kaklase na nag-pulbo, naglagay ng makapal na lipstick at nagpabango pa talaga!
Jusko! Nag-aaksaya lang sila ng panahon at sila lang din ang mapapagod sa ginagawa nila dahil hindi rin naman sila papansinin nung mga lalaking tinitilian nila! Akala ko pa naman ay may poging artista ang biglaang napadpad dito sa school namin kaya nagkakagulo sa labas, ang Hellion Triplets lang pala.
"Oh shit! Ang Hellion Triplets daw yung mga dumating, mga baklaaa!" kinikilig na sigaw nung isa kong kaibigan na bakla at nakitili rin sila tulad nung mga babaeng tumitili rin sa labas.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18