KABANATA 19:
HANNAH'S POV
"Pasensya ka na, anak. Nakatulog na kasi kami ng Daddy mo kagabi kaya hindi ka na namin nahintay sa pagdating mo," hinging paumanhin sa akin ni Mommy habang inaayos niya ang mga plato't kutsara sa hapag-kainan. Sumapit na ang umaga, maliwanag na rin sa labas at heto gising na silang lahat lalo na sila Mommy na tuwang-tuwa nang makita nila akong nandito na.
"Ala eh hindi mo man lang din sinabi sa amin Hannah na may kasama ka, nakakahiya naman dito sa kaibigan mo dahil nakatulog na kami kagabi at hindi na rin namin kayo nagawang hintayin," ani lola na wagas kung makangiti. Katabi niya si lolo na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. As usual, ganito naman palagi ang routine ni lolo sa tuwing umaga.
Bumaling naman ang tingin ko sa apat kong Kuya, katulad kagabi ay masama pa rin ang tingin nila kay Priamos na kasalukuyan kong katabi. Tahimik lang din si Priamos at nakikiramdam sa paligid niya. Hindi pa ako makatiyempo para sabihin sa magulang ko at kina lolo kung sino si Priamos. Ang akala tuloy nila ay kaibigan ko siya.
"Sige na, anak. Kumain na kayo ng kaibigan mo. For sure namiss mo ang luto ng Mommy mo," wika ni Dad at matamis na ngumiti sa amin ni Priamos.
Tama siya, si Mommy talaga mismo ang nagluto nitong mga almusal namin para na daw sa akin. Nakahain lahat ng mga paborito kong mga pagkain, tulad na lamang nung sinangag na kanin na may bawang at ang tinapa. Meron ding itlog maalat, prinitong isda na may kamatis, kangkong at tuyo na meron pang sawsawan ng toyo at sili. Mayroon ding vegetable and fruit salad na mismong si Kuya Amir ang gumawa kaya nagsisimula na akong maglaway at matakam. Amoy palang ng mga pagkain ay nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. Pero may kailangan pa akong sabihin sa pamilya ko.
"Sige na iho, ala eh huwag kang mahiya. Kumain ka at masarap itong mga luto ko," nakangiting turan naman ni Mommy nang mapansin niyang hindi pa sumasandok ng makakain si Priamos.
Oh crap! Kamuntikan ko nang makalimutan, hindi nga pala kumakain ng mga ganitong pagkain si Priamos. Obvious naman dahil laki sa mayamang pamilya itong si Priamos. Well, kahit na lumaki rin naman akong may kaya sa buhay ay sinanay pa rin kami nila Mommy at Daddy na kumain ng mga ganito kaya alam na alam namin ang buhay ng mga mahihirap. At saka mas masarap pa nga ang mga ganitong klaseng pagkain kaysa sa mga pagkain na mabibili sa restaurant. Bukod sa hindi na mahal, makakatipid ka pa sa pera.
"I don’t know how to eat it. Are they eligible food?" bulong ni Priamos sa aking tenga at palihim pa niyang tinuro ang mga pagkain sa lamesa. Ang mga kasama naman namin sa hapag-kainan ay nagsisimula nang kumain at sila Kuya Amir naman ay nagkamay pa. Mas masarap kasing kumain kapag naka-kamay lang.
"Wait, ipaghihimay na muna kita ng isda." bulong ko rin sa kanya.
Pinagsandukan ko na muna siya ng sinangag na kanin sa plato niya bago ko sinimulan na ipaghimay siya ng isda. Maya-maya lang din ay kumain na rin si Priamos, buti na lang talaga ay hindi siya maarte pagdating sa pagkain. Nang mapansin kong nasarapan siya sa mga pagkain at nakakailang subo na siya ay saka na rin ako kumain. Wala ni isa ang nagsasalita sa amin, ganito talaga kami katahimik kapag nasa harapan kami ng pagkain. Utos na rin yun nila lolo dahil pagbigay galang namin yung sa hapag-kainan.
Panay pa ang nakaw-tingin ko kay lolo dahil seryoso at abala siya sa pagbabasa ng diyaryo habang sumisimsim ng kape. Nang tignan ko naman sila Kuya Miles ay sinenyasan pa nila ako na sabihin ko na kay lolo yung totoo pero sinenyasan ko naman sila na mamaya na lang. Kinakabahan tuloy ako, halos naririnig ko na rin ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba. Mukha pa namang wala sa mood si lolo dahil mula pa kanina ay seryoso na siya.
"Ahm guys," pagbasag ni Kuya Miles sa katahimikan kaya sabay-sabay na napatingin sa gawi niya ang mga kasama namin.
"Bakit, Miles? May sasabihin ka ba?" tanong ni Daddy sa kanya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18