KABANATA 28:
HANNAH'S POV
Sa wakas ay nagsimula na rin ang liga kaya isa-isa nang pinapakilala yung mga players sa bawat basketball team na unang maglalaban ngayon. Ang teammates nila Kuya Amir ang unang maglalaro at ang makakalaro nila ay ang katabi lang naming baryo. Pagtapos silang ipakilala ay agad rin namang nagsimula ang laro ng basketball. Kanya-kanya namang cheer yung mga tao kung sinong manlalaro ang pambato nila. Syempre dahil sa sikat ang mga Kuya ko sa lahat ng mga baryo ay pangalan nila ang sini-cheer nung mga tao lalo na yung mga babae. Mas nangingibabaw ang mga pangalan nila kaysa sa ibang mga players.
"Oh ito yung balato ko sa inyo," sulpot ni Harley at may mga dala-dala siyang mga pagkain na binili niya malapit lang dito sa court. Nanalo siya at ito daw ang balato niya sa amin sa pagkapanalo niya kanina. Agad niya kasing nakuha kanina yung premyong napanalunan niya.
"Ay salamat may softdrinks!" masayang sabi ni Zeev nang makita niyang may biniling sofdrinks si Harley na nakalagay sa plastik ng yelo na may straw na rin.
"Tubig pala yung binili ko para sayo, Hannah. Buti na lang naalala ko na bawal sa buntis na uminom ng softdrinks," ani Harley at lihim pa niya akong sinenyasan.
Na-gets ko rin naman kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. Narito si Edith at mahirap na kung mapansin niyang umiinom o kumakain ako ng pagkain na bawal sa mga buntis lalo na't alam na nilang may dinadala na akong bata dito sa sinapupunan ko. Ipinagkalat kasi nila lola kagabi sa party na nagdadalang-tao na ako kaya naman kalat na kalat na sa buong baryo namin yung mga kasinungalingan ko.
"Oo nga pala, Hannah. Buntis ka kaya mas mabuti kung magpapahilot ka. May kilala sila nanay na manghihilot," sabat naman bigla ni Edith sa usapan namin na ipinagtaka ko.
"Hilot? Safe ba yun?" tanong ni Carla.
Oo nga 'no? Safe bang gawin yun?
"Oo nga, safe ba na hilutin ang isang buntis?" this time ay si Devina naman ang nagtanong sa kanya.
Nakangiti namang tumango-tango si Edith sa kanila, "Syempre, ligtas ang paghihilot sa isang buntis. Ginawa rin sa akin yun nung nagbuntis ako kay Jayjay, dinala ako ni nanay sa manghihilot nung nag-apat na buwan na akong nagbubuntis. Tradisyon na daw na ginagawa yun dito sa Pilipinas lalo na sa mga ibang probinsya. Ginagawa yun para hindi manakit yung katawan nung buntis during her pregnancy especially kapag lumalaki na yung tiyan niya. Ginagawa rin yun para hindi pasukan ng lamig yung nagbubuntis at para na rin hindi malaglag yung batang nasa sinapupunan niya," mahabang pagpapaliwanag ni Edith sa kanila.
"Edi ganun pala ang gagawin natin kapag nagbuntis ka na pala, babe." wika ni Kuya Topher kay Ate Galadriel. Naghiyawan naman sila Harley nang makita namin kung paano pamulahan ng mukha itong si Ate Galadriel.
"Che! M-manahimik ka!" namumulang asik ni Ate Galadriel kaya natawa si Kuya Topher sa naging reaksyon niya.
"Tsk, magpakasal na kasi kayo ni Kuya Topher tapos bigyan niyo na rin ako ng pamangkin pero syempre dapat kamukha ni Kuya Topher," nakasimangot na turan ni Priamos sa ate niya kaya nagtawanan kami.
Well, ilang years na rin naman silang mag-boyfriend girlfriend. And besides, hindi rin naman sila nagkakaroon ng problema. Nag-aaway sila minsan dahil parte naman yun sa isang magka-relasyon pero never na nagkaroon ng third party sa relasyon nilang dalawa. Isa ako sa saksi sa relasyon nilang dalawa at nakikita ko naman na mahal na mahal nila ang isa't-isa.
"Wait, ilang buwan ka na palang nagdadalang-tao Hannah?" tanong ni Edith sa akin.
"A-ahm, mag-iisang buwan palang." pagsisinungaling ko sa kanya. Mabuti na lang ay tanda ko pa yung sinagot ko kay Mommy nung tinanong din niya ako kung ilang buwan na ba akong buntis.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18