KABANATA 10

18.3K 640 200
                                    

KABANATA 10:

HANNAH'S POV

Halos minu-minuto na lang akong kinukulit nila Harley, Carla at Devina tungkol kay Priamos. Ang mga bakla kong kaibigan ay pinipilit ako na magkuwento kung papaano ko daw ba nakilala si Priamos at kung saan ko daw siya na-meet para naman daw may mahanap rin daw silang gwapong katulad ni Priamos. Ilang beses ko na ring nasabi sa kanila na sa Idle Desire ko lang talaga nakilala si Priamos pero ang mga bakla ay ayaw nila akong paniwalaan.

Pag-uwi pa nga lang nila kagabi ay diretso sila agad sa kwarto ko para maki-usisa. Syempre hindi naman ako madamot kaya nagkwento ako. Hindi ko naman na kasalanan kung ayaw nila ako paniniwalaan. Basta ako ay nagsasabi ako ng totoo.

Wala kaming pasok ngayon kaya naman naisipan na lang namin ngayon na maglinis dito sa dormitoryo. Sobrang alikabok na rin dito sa tinutuluyan namin, hindi naman namin kami agad makapaglinis dahil hindi namin maharap dulot na rin sa busy kami sa school.

"Hay kapagod!" bulalas ni Carla na kakatapos lang magbunot ng sahig. Hinihingal pa siyang naupo sa sofa katabi ko na kakatapos lang ding maglinis. Kaya heto, malinis at kumikintab ang sahig namin na gawa sa kahoy dahil sa floor wax na ginamit niya.

"Oh s'ya, malapit-lapit nang matapos itong niluluto ko kaya makakakain na tayo ng tanghalian." salita ni Harley na siyang tagaluto namin. Marunong din naman kaming magluto, nagkataon lang talaga na si Harley ang pinaka-masarap magluto sa amin.

"Bibili lang ako ng soft drinks kina Ate Maribel," paalam naman ni Devina kaya tinanguan lang namin siya.

Kapag kasi si Carla ang bumili sa tindahan ay paniguradong matatagalan pa siyang makabalik. Kung hindi siya nakipag-tsismisan sa mga kapitbahay namin sa labas ay paniguradong hinarangan na naman siya ng manliligaw niyang lasinggero na si Efren. Kaya madalas si Devina ang bumibili sa tindahan at ayaw na ring lumabas ng dorm itong si Carla. Ang haba-haba kasi ng hair niya. Halos magulat naman kami ni Carla nang makita namin si Devina na bumalik dito sa dorm at halatang tumakbo siya para lang makarating agad dito.

"Oh bakit, anyare? Anong meron? Bakit ang bilis mong makarating?" pag-usisa si Carla sa kanya.

"Ah, nasa baba si Ate Galadriel. Hinahanap si Hannah," aniya na ipinagtaka ko naman. Nandito si Ate Galadriel at hinahanap ako? Bakit naman kaya niya ako hinahanap? Tumayo ako at sakto namang pumasok dito sa loob si Ate Galadriel na nakasuot pa ng shades sa mata.

"Ate Galadriel, naparito ka yata?" bungad kong tanong sa kanya bago ako lumapit sa kanya para makipag-beso.

Ganun lang din ang ginawa nila Carla pati si Harley na kakalabas lang galing sa kusina at halatang nagulat siya nang makita niyang nandito si Ate Galadriel. Kahit nga ako ay nagulat rin kung bakit bigla siyang nagpunta rito sa dorm namin. Hindi naman siya pupunta dito kung hindi importante kaya nakakasiguro ako na may mahalaga siyang kailangan o sasahihin sa amin.

"Ah kasi, may gusto lang akong sabihin sayo Hannah. Yung tungkol sa naghahanap ka ng bakla na magpapanggap na asawa mo?" ani Ate Galadriel.

"Wait, mamaya na ako bibili ng soft drinks." pagsabat ni Devina.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay hinatak ko lang si Ate Galadriel para paupuin siya sa sofa namin. Naupo naman ako sa tabi niya habang yung tatlong bakla ay nag-unahan pang makaupo sa tabi namin.

"Bakit, Ate? Anong meron dun sa naghahanap ako ng baklang magpapanggap na asawa ko?" curious kong tanong sa kanya.

Don't tell me na may nahanap na siya?

"Actually, may nahanap na akong bakla na pwedeng magpanggap na asawa mo." wika niya kaya nagkatinginan kami nila Harley sa isa't-isa. Ang bilis naman niyang makahanap ng bakla na kayang magpanggap na asawa ko! Pero syempre natuwa naman ako.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon