KABANATA 17:
HANNAH'S POV
Paulit-ulit na sinisigaw ng utak ko na bakla siya, bakla itong si Priamos at pusong babae siya. Pilit ko ring kinumbinsi ang sarili ko na practice lang 'tong ginagawa naming halikan, na hindi ko ito dapat bigyan ng malisya o ibang kahulugan. Ngunit bakit ganito? The heck! He's a good kisser! Ang galing humalik ni Priamos, sa totoo lang! Nadadala niya ang bugso ng damdamin ko, para rin niya akong tinatangay dahil sa lambot ng labi niya. Banayad lamang ang halik niya, napakagaan at tila dinadala niya ako sa alapaap ngunit masarap na may halong pananabik at kapusukan.
Natagpuan ko na lang din ang sarili ko na nakakapit sa batok niya para mapalalim ang paghahalikan naming dalawa. He bit my lower lips lightly so my mouth was slightly open and his tongue went inside freely. His tongue teasingly traveled inside my mouth and it was as if he was looking for something there until his tongue found my tongue and he sucked it.
Para naman akong nawalan ng lakas dahil sa paraan ng halik ni Priamos sa akin. Hindi lang niya hinihigop ang dila ko, pati ang buo kong lakas ay tila parang hinihigop na rin niya. Kahit nakaupo ako sa passenger seat ay nagsimula pa ring manginig ang dalawa kong tuhod. I'm glad na nakaupo kami dahil kung nakatayo kaming dalawa, baka napasalampak na ako sa sahig.
Natigil lamang kami sa paghahalikan nang marinig namin ang malalakas na busina. Hinihingal pa kaming napatingin sa isa't-isa ni Priamos bago namin tinuon ang aming atensyon sa unahan ng sasakyan. Doon lang namin napagtantong umusad na pala ang traffic at nagsi-andaran na ang mga sasakyan sa unahan. Kaya pala binubusinahan kami ng mga kotse sa likod dahil hindi pa umaandar ang sasakyan namin.
Mabilis na kinantilan ni Priamos nang halik ang noo ko bago niya ulit suotin ang kanyang seatbelt na binaklas niya kanina at pinaandar na niya agas ang sasakyan para makausad na rin kami. Wala ni isa ang nagtangkang nagsalita sa amin, wala ni isa sa amin ang umimik. Nakatuon lang ang buo kong atensyon sa unahan ng sasakyan. Halos pigil ko na rin ang paghinga ko dahil sa nararamdaman kong pagkailang.
Gosh! We kissed! Naghalikan kaming dalawa ni Priamos na isang bakla! The heck! I can't believe it! Hindi ako lubos makapaniwala na naghalikan kaming dalawa. Feeling ko ay pulang-pula na ang buo kong pagmumukha. Pakiramdam ko din ay para akong lalagnatin dahil sa pag-init ng magkabila kong pisngi. Pati katawan ko ay bigla na lang ding uminit sa hindi ko malamang dahilan. Wala naman sigurong malisya 'tong ginawa namin diba? Shit, shit! Parang gusto ko tuloy iuntog ang sarili kong ulo sa pader! I can't believe na nasarapan ako sa halik ni Priamos! Na isa pang bakla! Ano na lang kaya iisipin nung tatlo kong mga baklang kaibigan once na malaman nila 'to? Mabuti na lang talaga ay hindi namin sila kasama.
"Go to sleep first, gigisingin na lang kita kapag malapit-lapit na tayo sa baryo niyo," narinig kong salita ni Priamos kaya naiilang akong tumingin sa kanya at tipid na ngumiti.
"M-mabuti pa nga. G-gisingin mo na lang ako k-kapag m-malapit na tayo," halos magkautal-utal kong sagot sa kanya.
Tinanguan lang niya ako kaya umayos na ako ng pagkakasandal sa headrest. Kulang na lang ay ibalot ko na rin sa buo kong katawan yung kumot para maitago ko lang kay Priamos itong mukha ko dahil sa labis na kahihiyan sa kanya. Ano kayang tumatakbo sa isipan niya ngayon? Ano na lang ang iisipin niya sa akin gayung tumugon at ginantihan ko ang kanyang halik? Bwisit! Hindi talaga ako nag-iisip kahit kailan!
Pinikit ko na lang ang dalawa kong mata at pinilit ko ang sarili ko na makaidlip kahit na mga isang oras lang. Paniguradong madaling araw na kami makakarating nito sa Subic, Ilaya dahil bukod sa na-stuck kami sa traffic kanina, baha pa ang kalsada kaya for sure maghahanap ng ibang ruta si Priamos na hindi masyadong mataas ang tubig-baha.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18