KABANATA 26:
HANNAH'S POV
Hapon palang ay marami-rami nang mga taong nagpupunta sa Mansyon namin. Naging maingay na sa paligid ko dahil sa mga taong masasayang nagkukwentuhan maski sa mga batang naglalaro ng habulan. Napuno rin ng tawanan ang buong Mansyon dahil sa parami ng parami ang mga taong dumarating.
Hindi ko rin talaga expected na darating sila Harley dito kasama sila Thorn para magbakasyon dito sa Subic, Ilaya kahit mga ilang araw lang. Wala namang problema dahil tatlong araw naman pala kaming walang pasok dahil nag-announce ang school namin na three days kaming wala munang pasok. Marahil ay dahil sa nalalapit na ang laban ng mga basketball players namin o di kaya ay pinaghahandaan na nila ang graduation namin sa susunod na buwan.
"Ang saya pala dito sa inyo, beshy! Lahat ng mga tao binabati kami at nginingitian, para tuloy kaming mga artistang magaganda dito sa baryo niyo." nakangiting wika ni Devina sa akin kaya natawa ako ng mahina.
"Ganito talaga dito sa amin, friendly ang mga tao at palangiti pa." sambit ko sa kanya.
Kanina pa kasi sila binabati nung mga taong nakakasalubong nila, ang iba ay pala-kaibigan pa. Pero ang mas higit talagang takaw-atensyon dito ay sila Priamos maski ang mga kaibigan niyang sila Thorn. Halos hindi naman magkamayaw ang mga tao lalong-lalo na ang mga kababaihan sa kakangiti sa kanila.
Halos para na nga silang nasa job interview dahil panay ang tanong nung mga babae kung ano ang pangalan nila, kesyo kung may girlfriend na ba sila at anong klaseng sabon ang ginagamit nila kaya sila mapuputi. Palibhasa kasi ay kahit lalaki itong sila Priamos ay kapwa mga mapuputi at makikinis din ang kanilang mga balat. Mahahalatang kutis mayaman sila.
Napapailing na lang tuloy ako ng ulo sa tuwing may mga babaeng teenager ang nagpapa-picture sa kanila at panay ang pagpapa-cute sa kanila. Ito namang si Zeev ay tuwang-tuwang at dinaig pa ang gwapong artista sa telebisyon. Syempre itong si Priamos ay palaging nakabuntot sa akin kahit saan man ako magpunta. Kung nasaan ako ay naroon din siya. Para pa nga siyang lintang nakakapit sa akin, ultimo kahit may kausap lang ako ay kailangan nakapulupot pa ang braso niya sa beywang ko lalo na kapag lalaki ang kumakausap sa akin.
Ewan ko ba sa lalaking 'to, bigla na lang siyang naging clingy sa akin. Well, kahit sabihin pa naming nagpapanggap lang kaming mag-asawa ay hindi naman siya ganito sobrang kadikit sa akin. Hindi rin naman niya pinapansin yung mga kababaihan na panay ang pagpapa-cute sa kanya. Maybe because he's gay? I dunno. Siguro iyon nga ang dahilan niya kung bakit siya nakabuntot sa akin, marahil ay may mga lalaki akong nakakausap lalo na kapag gwapo at hindi rin niya pinapansin yung mga kababaihan na kinikilig sa angkin niyang kagwapuhan dahil hindi sila talo.
"Hannah, iha!"
Mabilis namang napunta ang buo kong atensyon kay Aling Minda na siyang malakas na tumawag sa pangalan ko at kasalukuyan siyang nagmamadali sa paglapit sa gawi namin ni Priamos. Napansin ko rin kung sino ang mga nakasunod sa kanya at kahit ilang taon ko silang hindi nakita ay kabisado at pamilyar pa rin sa akin ang kanilang mukha. Hinding-hindi ko makakalimutan ang dalawang taong minsan nang sumira sa binigay kong tiwala sa kanila.
"Is she the one you talked to yesterday? Yung nagtitinda nung mga kakanin?" mahinang tanong ni Priamos sa akin na nakatayo sa likod ko habang ang kamay niya ay nananatiling nakalingkis pa rin sa aking beywang.
"Yup," tipid kong sagot bago ko matamis na nginitian si Aling Minda nang tuluyan siyang nakalapit sa akin.
"Ala eh mabuti at nakaabot kami. Nabalitaan namin na lahat daw ng mga taga-rito sa baryo natin ay imbitado dito sa Mansyon ng lolo mo. Welcome party daw iyon para sa inyong dalawa nitong asawa mo kaya napasugod kami agad dito kung totoo ba," nakangiting turan ni Aling Minda at bakas sa kanya ang pagiging excited.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18