KABANATA 15

17K 719 249
                                    

KABANATA 15:

HANNAH'S POV

Sumapit na ang Biyernes at ngayon na kami babiyahe ni Priamos papunta sa Subic, Ilaya. Mga halos tatlong oras din ang kailangan naming ibiyahe dahil malayo-layo rin ang Batangas mula dito sa Maynila kaya nagmamadali na akong ayusin ang mga gamit ko, baka kasi may makalimutan ako. Tapos nasa liblib na lugar pa naman yung baryo namin.

"Yan lang bang dadalhin mong bag? Wala ka na bang nakalimutang dalhin?" narinig kong tanong ni Priamos sa akin sabay nguso dun sa bag kong naglalaman ng mga importanteng gamit ko lalong-lalo na ang mga damit ko.

Marahan naman akong tumango sa kanya, "Yup, sinigurado ko talaga na wala akong makakalimutan na dalhin." sagot ko sa kanya bago ko isinara ang zipper nung isa kong dadalhin na bag na naglalaman ng mga pasalubong para kina Mommy lalo na ang mga paborito nilang mga pabango.

"Let's go, baka maabutan pa tayo ng traffic sa daan." aya ni Priamos sa akin sabay bitbit dun sa mga bag ko.

Lumabas naman kami agad sa kwarto ko at naabutan namin ang tatlong bakla na nasa sala. As usual, nanonood lang sila ng paborito nilang Korean drama habang naglalagay sila ng kung ano-anong klaseng skin care sa mukha nila tulad na lang ng cream. Nagmumukha na naman tuloy silang multo dahil sa puti ng pagmumukha nila.

"Aalis na kayo? Mag-ingat kayong dalawa sa biyahe. Tumawag ka sa amin, Hannah kapag naroon na kayo sa Subic, Ilaya." mahabang sabi ni Harley nang siya ang unang nakapansin sa presensya namin.

"Sige, mag-iingat kayo dito sa dorm. Just make sure na nakalock yung pinto bago kayo matulog. Baka bigla na lang kayong pasukan ng magnanakaw dito," paalala ko sa kanilang tatlo bago ako humalik sa mga pisngi nila. Ako kasi palagi ang nagla-lock ng pintuan namin at bago ako matulog ay sini-check ko talaga ang pinto at bintana namin kung nakasarado ba.

"Mag-iingat kayo," paalala ni Devina sa amin.

"Pasalubong namin ah! Baka makalimutan niyo!" pahabol pa ni Carla kaya mahina akong natawa at tinanguan lang siya. Syempre, makakalimutan ko ba yun? For sure pipilitin ako nila Mommy at lola na magdala ng pasalubong. Iyon naman palagi ang ginagawa nila kapag uuwi na ako sa Maynila pagtapos kong dumalaw sa baryo namin.

Lumabas na kami ni Priamos sa dormitory at nagtungo sa kotse niyang naghihintay sa labas. Sasakyan niya kasi ang gagamitin namin kaysa naman mag-commute pa kami, edi napamahal at napagastos pa kami ng pamasahe. May google map naman at kabisado ko pa rin naman ang daan papunta sa Batangas kaya hindi naman kami maliligaw nito.

Hindi ko na pinansin pa ang mga kapitbahay naming nakatingin na naman sa gawi ni Priamos. Grabe, takaw-pansin talaga ang kagwapuhan at katangkaran niya kaya halos lahat ng mga babaeng kapitbahay namin ay panay ang tingin sa kanya. Parang dinaig pa niya ang sikat na gwapong artista.

"Kaloka 'tong mga kapitbahay natin, parang ngayon lang sila nakakita ng gwapo." wika ni Carla. Hinatid kasi nila kami hanggang dito sa ibaba at mukhang napapansin na din nila yung mga kapitbahay naming nakatingin na rito.

"Sinabi mo pa, tingnan mo nga yung anak ni Aling Klaring, panay ang kuha ng picture kay Priamos!" turan naman ni Devina kaya mabilis ko namang hinanap kung nasaan yung anak ni Aling Klaring.

Tama nga si Devina, pagtingin ko dun sa anak ni Aling Klaring ay kinukuhanan niya nga ng litrato si Priamos na ngayon ay abala sa paglalagay nung mga gamit ko sa backseat nung sasakyan at wala man lang siyang pakialam kahit pa na pinagtitinginan na siya nung mga kapitbahay namin. Palibhasa kasi ay teenager itong anak ni Aling Klaring at alam na alam niya kung sino ang gwapo sa hindi. Maski nga yung mga bata ay nakatingin din kay Priamos. Yung naglalako nga lang na tinapa na napadaan lang ay literal pa siyang napatingin dun kay Priamos tapos lumingon pa siya para makita sa pangalawang pagkakataon si Priamos.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon