KABANATA 37

17.6K 593 193
                                    

KABANATA 37:

HANNAH'S POV

Hindi ko ine-expect na ang pinirmahan kong marriage contract nung araw na yun ay hindi pala peke. Totoo palang marriage contract iyon at mismong si Priamos na ang umamin sa akin tungkol doon. So ibig sabihin, totoo ang kasal namin ni Priamos kahit pa na walang naganap na seremonya sa simbahan o kahit pa sa huwes. Totoong kasal ako sa kanya at katulad nga ng sabi niya, hinding-hindi na ako makakawala pa sa kanya kahit pa anong gawin ko.

Nung una ay nagalit pa ako sa kanya dahil hindi niya agad sinabi sa akin na totoong marriage contract ang pinirmahan ko. Pero kalaunan ay natanggap ko rin dahil mahal ko siya. Natawa pa nga ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang dinouble check yung marriage contract kung peke ba talaga yun o hindi. Masyado akong nagtiwala kay Priamos that time at hindi ako nag-iisip, basta na lang akong pumipirma sa isang dokumento. Ayun tuloy, totoong nakatali na ako kay Priamos.

"Ba't ang tagal ni Devina? Magsisimula na yung basketball sa gymnasium eh!" ani Harley sa amin.

Oo nga pala, ngayon na ang competition ng mga basketball players namin at mismong sa school namin magaganap ang laban ngayong araw. Isa na ang Hellion Triplets sa pinakamagaling naming basketball players kaya naman pupunta sila Priamos sa school namin para manood ng laro. For sure ay pupunta din ang ilan sa mga kaibigan nila lalong-lalo na sila Thorn.

"Let's go, nakuha ko na yung placard ko." turan ni Devina na may hawak-hawak na placard.

Nandito na kasi kami ngayon sa labas ng school gate namin at si Devina na lang ang hinihintay namin. Bumalik pa kasi siya sa dormitory para kuhanin yung placard na nakalimutan niya. Yung placard na siya mismo ang gumawa at nakasulat roon ang pangalan nung sinusuportahan niyang basketball player. Buti na lang nakarating na siya dahil baka mawalan kami ng upuan sa gymnasium. Ang dami pa namang manonood ng laro ngayon lalo pa't marami ding mga taga-ibang school ang dumayo pa dito sa Osiris Hellion Academy para lamang manood ng finals. Napadaan pa nga sa gilid namin ang mga taga-Nepseth pati na rin ang Lothaire University which is sila ang makakalaban ng mga basketball players namin.

"Tara, tara! Baka madami ng tao sa gym!" tila excited namang sambit ni Carla at pinaghahatak na niya kami para makapasok na kami sa loob ng school. Sumunod naman kami agad sa kanya pero nagulat na lang ako nang biglang nagsitilian yung mga babaeng estudyante at lahat sila ay nakatingin sa likod namin.

Dahil sa curious ay napalingon tuloy kami at doon naman namin nakita na may tatlong mamahaling sports car ang dumating at pumasok dito sa loob ng eskwelahan namin. Kahit hindi ko nakikita ang taong nasa loob ng sasakyan ay alam ko na agad kung sino ang nagmamaneho ng mga sports car na yun. Ang Hellion Triplets. Kaya ganito na lamang magsitilian ang mga babae at kulang na lang ay maglumpasay sila sa sahig. Hindi na lang namin sila pinansin pa at dumiretso na kami sa gymnasium kaysa mawalan kami ng mauupuan.

Pagdating namin sa loob ng gymnasium ay sobrang dami ng tao. I'm glad na malaki at malawak itong gymnasium namin. At mabuti na lang din ay hindi pa halos okupado ng mga tao yung mga bench dito kaya dali-dali kaming naghanap ng mauupuan. Nireserved na rin namin ng upuan sila Priamos, malelate lang daw sila ng dating pero makakarating pa rin naman siguro sila para manood ng laro.

"Sobrang daming mga estudyante ngayon 'no? Kumpara last year, grabe ang dami palang mga gwapo sa kabilang mga school!" bulong ni Harley sa akin kaya mahina ko siyang siniko dahil ang lakas ng boses niya.

Napatingin pa nga sa amin yung mga taga-Southern na kapwa mga nakaupo sa unahan namin at sa tingin ko ay narinig nila ang sinabi nitong bakla kong kaibigan. Ilang saglit pa, pagpatak ng alas-diyes ay saka nagsimula ang laro. Isa-isang pinakilala ang mga manlalaro kaya naman halos mabingi ako dahil sa lakas ng tilian nung mga tao especially yung mga girls na tila mga nakalunok ng mga ultra mega phone.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon