KABANATA 44

17.4K 627 183
                                    

KABANATA 44:

HANNAH'S POV

Nagtungo rin kami ni Priamos sa sementeryo kung saan nakahimlay ang puntod ng kanyang magulang matapos naming magsikain sa restaurant. Sabay kaming bumaba sa sasakyan nang maiparada niya sa tabing gilid ang kotse niya habang pareho naming bitbit ang binili niyang mga bulaklak at kandila. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko na animo'y ayaw niya akong mawala sa lugar na ito kahit na kaming dalawa lang ang narito ngayon sa sementeryo.

May pagka-clingy kasi itong si Priamos. Gusto niyang palagi na hawak-hawak ang kamay ko, nakayapos o kahit na nakapulupot lang ang malaki niyang braso sa beywang ko. Pero gustong-gusto ko rin naman sa tuwing nakalingkis siya sa akin. Sumunod lang ako sa kanya dahil siya lang naman ang nakakaalam kung saan banda ang puntod ng Mommy at Daddy niya. Ilang sandali pa ay huminto kami sa isang puntod kung saan iisa lang ang lapida ngunit dalawang pangalan ang nakasulat roon.

'In Loving Memory of our beloved Gilbe Hiraya and Loreta Hiraya. Your memories remain in our hearts forever.' sa isip ko lang binasa ang naroon sa lapida. Nakalagay rin doon ang kanilang kaarawan at pati na rin ang araw ng kanilang kamatayan. Five years na pala ang nakakalipas mula nang mawala ang magulang nila. Limang taon na pala silang wala sa mundong ito.

"Hey, Mom, Dad." agad na bati ni Priamos sa magulang niya. Inilapag at inayos ko naman sa ibabaw ng lapida yung mga biniling bulaklak ni Priamos para sa magulang niya. Habang siya naman ang nagsindi at nagtirik ng mga kandila. Napansin ko pa na may nakapatong na bulaklak malapit sa lapida at natuyot na ang mga ito. Sa tingin ko ay dumalaw si Ate Galadriel sa magulang niya nitong nakaraang araw.

"It's been five years, isn't it?" muling sambit ni Priamos matapos niyang sindihan lahat yung mga kandila.

Dahil malinis at madamo naman dito ay mas pinili na lang naming dalawa na maupo sa damuhan habang muling magkahugpo ang aming mga kamay. Mabuti na lang ay may malapit na puno dito sa pwesto namin kaya nalilimliman kami nito. At kahit pa na mataas ang tirik ng araw ngayon ay mahangin pa rin naman kahit papaano.

"I want you to meet my wife, Hannah." saad pa ni Priamos at tipid na ngumiti, "Isn't she beautiful? That's one of the reasons why she caught my heart and I fell in love with her. I truly, madly, deeply in love with her and I don't want to let her go." he added.

Rumehistro ang matamis kong ngiti sa aking labi. Nakatitig ako sa gwapong mukha niya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Marahan pa muna niyang pinisil ang kamay kong hawak niya bago siya tumingin sa akin.

"The first time I saw her and laid my eyes on her, there was something in my heart that I could not understand. Seems like I want to get to know her. That's why I dared myself to approach her even though I was shy at first. I walked closer to her, with every step that I took, my heart was beating faster and faster with excitement and nervousness. The music was loud that time but I could hear my heart beating because of her. I just said to myself, God why is she so beautiful?" mahaba niyang sabi habang titig na titig siya sa aking mukha.

"Many men look at her from head to toe and I can't blame them because she's really beautiful! They couldn't take their eyes off her and I still remember how they looked at her with full of amusement on their faces. Pero ang mas hindi ko makakalimutan ay yung nagtanong siya sa akin kung alam ko ba kung nasaan ang banyo," wika niya pa at natawa ako sa huli niyang sinabi.

Kahit ako ay hinding-hindi ko rin makakalimutan yung araw na yun. Nung nasa Idle Desire kami at hindi ko talaga mahanap-hanap yung banyo. Nabangga pa nga ako nung babae, mabuti na lang nasalo agad ako ni Priamos nung araw na yun bago pa ako sumalampak sa sahig at mapahiya sa harapan ng maraming tao. Tinulungan pa niya ako na makalayo ako kay Randall at hinatid pa niya ako sa dormitoryo namin kahit na estranghero pa rin ang turing ko sa kanya nung araw na yun.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon