KABANATA 18:
HANNAH'S POV
Tinignan ko sandali si Kuya Amir na seryosong nagmamaneho ng sasakyan at si Kuya Miles naman ay tahimik lang na nakaupo sa passenger seat. Magka-hawak kamay naman kami ni Priamos na nakaupo sa backseat habang nakasunod sa likod ang towing trunk na hatak-hatak ang kotse ni Priamos. Kasalukuyan na kaming papunta ngayon sa Mansyon nila lolo.
"Kuya Amir," tawag ko kay Kuya at napansin ko naman na napatingin siya sa akin gamit ang rear-view mirror na nasa harapan niya.
"Kung magtatangka kang magpaliwanag, Hannah pwes mamaya na lang. Mas mabuti kung nasa Mansyon na tayo at kaharap sila Kuya Eros," aniya kaya natahimik naman ako.
Naramdaman ko naman ang mahinang pagpisil ni Priamos sa kamay kong hawak niya kaya tipid lang akong ngumiti. Mas mabuti na nga rin siguro yun, ipaliwanag sa mga Kuya ko na magkakasama sila para hindi ako mahirapan sa pagpapaliwanag. Mahirap na at baka ratratin nila ako bigla ng sandamakmak na mga tananungan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay napansin ko sa labas ng bintana na pamilyar na sa akin ang tinatahak naming daan. I think ay nasa baryo na kami ng Subic, Ilaya. Nadaanan pa nga namin yung dati kong school nung highschool ako kaya nandito na nga kami talaga sa baryo namin. At dahil madaling araw na ay tahimik at sarado pa rin ang ilang mga kabahayan. Ang mga nakatayong bahay rito ay gawa sa mga kahoy, ang iba ay sementado. Para lamang din ito sa mga bahay sa probinsya, kubo-kubo at minsan ay gawa pa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy.
Hindi rin naman kasi makapagtayo ng sariling bahay ang mga tao rito dahil ang mga lupa dito ay pagmamay-ari ng gobyerno, abg iba naman ay hindi kayang makabili ng sarili nilang lupa kaya nakikitirik lamang sila sa mga maliliit na lupa. Mabuti na nga lang ay naging gobernador si Kuya Eros at meron siya ngayong proyekto na para sa mga taga-rito. Isang proyekto kung saan magtatayo sila ng pabahay para sa mga mahihirap na wala pa ring sariling bahay. Pero syempre, ang proyekto na yun ay para lang sa mga taga-Batangas lalo na dito sa baryo namin.
"Ang creepy naman dito sa baryo niyo," mahinang bulong ni Priamos sa aking tenga.
Tama siya, ang creepy nga talaga dito sa baryo namin. Bukod sa madaling araw palang, madilim at tahimik ay wala rin kaming halos nakikitang mga taong gumagala. Sasakyan nga lang namin ang umaandar sa gitna ng kalsada. Ganito talaga rito sa baryo namin, pagsapit pa nga lang ng alas-sais ng gabi ay nasa loob na nang bahay ang mga tao. Wala na ring lumalabas kahit pa alas-siyete palang ng gabi, wala na ring mga batang naglalaro maski ang mga kabataan na pagala-gala.
"Ganito talaga dito sa amin, maaga ring natutulog ang mga tao dito." mahina ko namang sambit kay Priamos kaya napatango-tango lang siya.
Pero kahit na ganun, tahimik at walang nangyayaring gulo dito sa baryo namin. Masasayang kausap at ka-bonding ang mga tao dito. Kapag sumikat na ang araw at lumiwanag na sa labas, paniguradong marami-raming mga tao na ang nasa kalsada at ang mga batang naglalaro. Talagang tahimik at wala nang pagala-gala dito kapag gabi na. Nakagawian na rin namin yun noon palang, na alas-sais palang ng gabi ay nasa loob na kami ng sari-sarili naming bahay.
"Ayan na ba ang Mansyon niyo?" mahinang tanong ni Priamos sa akin, sapat na para kaming dalawa lang ang nagkakarinigan.
Tinignan ko naman yung nginuso niya, nakarating na pala kami sa Mansyon nila lolo. Tinanguan ko lang si Priamos bilang sagot. Ang Mansyon nila lolo dito sa baryo ay hindi naman ganun kalaki o kalawak pero matatawag pa rin naman itong Mansyon dahil sa hugis o istilo nitong napakaganda. Marami ding mga kwarto sa loob, mga kasambahay o katiwala na doon na rin sa Mansyon naninirahan.
Ang Mansyon nila lolo ay gawa sa matitibay na kahoy, naitayo daw kasi ito nung panahon pa ng kastila kung saan nakatira ang mga lolo ng lolo ng lolo ko at hanggang sa ngayon ay matibay pa rin ang Mansyon na 'to kaya pwedeng-pwedeng pang matirahan. That's why sila lolo na ang naninirahan sa Mansyon kasama sila Dad at balang araw daw ay ang magulang ko rin naman daw ang magmamana nun.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18