KABANATA 32:
HANNAH's POV
One week na ang nakakalipas mula nang malaman kong hindi pala totoong bakla si Priamos. Isa siyang lalaki, tunay na lalaki. Nung una ay nagalit ako at hindi naniwala sa mga paliwanag niya pero nung malaman ni Ate Galadriel na alam ko na ang sekreto ni Priamos ay agad siyang nagpunta sa dormitory namin para magpaliwanag sa akin, at syempre para humingi na rin ng sorry. Pinaliwanag niya sa akin lahat ng mga nangyari at kung bakit niya nagawa yun.
Ipinakita pa nga niya sa akin ang papel kung saan nakasulat roon ang kasunduan ng Daddy nila at ng kumpare nito na naglalahad na ipapakasal si Priamos sa ibang babae. Pero ayaw ni Priamos na magpakasal kaya naisipan na lang daw ni Ate Galadriel na magpanggap na asawa ko at mag-pretend ding bakla para daw matuto at magbago daw ang kanyang kapatid. Gusto rin daw ni Ate Galadriel na baguhin ang kanyang kapatid at maging matino dahil sa playboy at isa ring fuckboy si Priamos. Bukod sa pagiging man-hater ko, ayaw na ayaw ko rin sa mga playboys and fuckboys. Ayoko sa mga lalaking idadagdag at isasama lang ako sa mga toys collection niya. At nung sabihin lahat ni Ate Galadriel sa akin yun ay akala ko talaga ay pinaglaruan lang ako ng kapatid niya, na isa lang ako sa mga magiging collection niya.
Pero katulad nga ng sabi ni Priamos sa akin, binago ko daw siya. Nagbago siya dahil sa akin. Hindi na siya tulad ng dati at hindi niya ako toys collection. He really loves me and he proves that to me. Sa loob ng isang linggo ay pinatunayan sa akin ni Priamos na mahal niya talaga ako at seryoso siya sa akin. Nung araw na sinabi niya sa akin na liligawan niya ako, akala ko ay jino-joke time lang niya ako pero hindi pala. Nung nakabalik kami sa Maynila galing sa Subic, Ilaya at nakauwi kami sa dormitory, pagsapit nung gabing yun ay agad siyang umakyat ng ligaw sa akin.
He even brought my favorite flower and my favorite M&M's chocolate. Wala talaga akong hilig kumain ng mga iba't-ibang klaseng imported na tsokolate, mas gusto ko pa yung M&M's. Hindi ko rin alam kung paano nalaman ni Priamos na ang Sampaguita flowers ang paborito ko. Sampaguita bouquet kasi ang ibinigay niya sa akin nung gabing nagsimula siyang umakyat ng ligaw sa akin. Ang sabi niya ay inalam daw niya kina Kuya Amir ang mga paborito kong pagkain, maski yung mga gusto at ayaw ko.
Sa nakalipas na isang linggo, nakita ko talaga ang effort ni Priamos. Nakita ko rin na seryoso siya at desidido rin siyang makuha ang matamis kong oo. Naramdaman kong mahal talaga niya ako. Imbes tuloy na itigil ko ang nararamdaman ko para sa kanya ay mas lalo lang itong lumalalim. Yung pakiramdam na parang nalulunod ka na at kahit marunong ka pang lumangoy ay hindi mo magawang makaahon. Ganun ang nararamdaman ko, habang tumatagal ay palalim ng palalim itong pagtingin ko para kay Priamos. The heck! Kahit nga na sinusungitan ko siya ay palagi lang niya akong nginingitian.
"Aba't tulaley na naman ang ating bruha," rinig kong salita ni Carla sa tabi ko.
Tila natauhan naman ako at parang nawala na parang bula ang pagde-daydreaming ko. Agad kong nilingon ang tatlo kong baklang mga kaibigan na pare-parehas na nakatingin din sa akin. Takteng yan! Nandito nga pala kami sa loob ng room at hinihintay na dumating ang Teacher namin. Nagkaroon lang daw kasi na meeting yung mga Teacher, marahil ay pinag-uusapan nila ang nalalapit naming graduation at pati na rin yung final games ng mga basketball players namin. I heard na taga Lothaire University ang makakalaban nung mga pambato naming manlalaro. Dito rin sa school namin magaganap ang grand finals at dalawang araw na lang ay magsisimula na ang mainit na labanan.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa namin kinakausap pero parang wala kang naririnig." pagtatanong ni Harley sa akin.
"Kaya nga. Wag mo kasing masyadong isipin si Priamos, mahal ka nun." ani Devina at nginisian pa ako.
I just gave him a death glare kaya napahalakhak siya ng bahagya. Pero syempre, hindi ko sa kanila pinahalata na si Priamos nga ang laman nitong isip ko, baka mas lalo lang akong asarin nitong tatlo. Simula talaga nung malaman ko na hindi bakla si Priamos ay siya na ang palaging tumatakbo dito sa isipan ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwalang hindi siya bakla. I mean, ang galing kasi ni Priamos na magpanggap at umarteng bakla. He even called me sis! Tapos gayang-gaya niya pa yung kilos ng isang bakla.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18