KABANATA 13

18.1K 717 228
                                    

KABANATA 13:

HANNAH'S POV

Hindi ko alam na joker din pala itong si Priamos. Well, mayaman nga pala itong kapatid ni Ate Galadriel kaya marahil ay hindi niya alam kung anong ulam ang dinuguan na baboy. Natatawa talaga ako nung akalain niyang aswang kami. He's cute. Hindi ko makalimutan yung itsura niyang gulat na gulat nung itanong niya kung ano ang dinuguan na baboy at kung may lahi ba kaming aswang.

"Tara na nga sa kusina, kumakalam na ang mga alaga ko sa tiyan dahil sa gutom." aya ni Carla sa amin kaya nagsipasukan na kaming lahat sa kusina namin na hindi naman malaki at mas lalong hindi rin naman kaliitan. Sakto dahil lima ang meron kaming silya dito kaya makakaupo rin si Priamos.

"Ito ang dinuguan na baboy," wika ko kay Priamos nang lagyan ni Harley ng ulam yung mangkok bago ito ilapag sa hapag-kainan.

Tinignan naman ni Priamos yung dinuguan na ulam at napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Siguro ay first time lang niyang makakita ng ganitong klaseng ulam. Isa pa naman sa pinaka-paborito kong putahe ng pagkain ay ang dinuguan na baboy. Madalas ay iyon ang niluluto ni lola nung nasa Subic, Ilaya pa ako. Namimiss ko na tuloy yung lutong ulam nila lola.

"Bakit kulay itim? Hindi ba't pula ang kulay ng dugo nung baboy?" tanong ni Priamos kaya muntikan na naman akong bumalanghit ng tawa. Bakit ba ang inosenteng tignan ang gwapong nilalang na 'to? Isang bakla na gwapo.

"Don't worry, masarap 'to. Promise. At saka malinis itong pagkakaluto ni Harley." paniniguro ko sa kanya bago ko siya hatakin para makaupo na siya sa tabi ko. Nagsiupuan na rin kami para masimulan na naming makakain ng hapunan.

Nakangiti ko pang pinagsandukan ng pagkain si Priamos sa plato niya habang siya ay titig na titig doon sa dinuguan na baboy. Saglit namang nawala ang atensyon ko sa paglalagay ng kanin sa plato ni Priamos nang maramdaman ko ang pagsiko ni Devina sa akin kaya napunta sa kanya ang aking atensyon.

"Wow, bongga. Todo asikaso ka ah? Feel na feel mo ang pagiging asawa kay Priamos." aniya kaya pagak lang akong natawa.

"Syempre dapat mag-practice na kami para hindi kami magkakaroon ng problema once na nakaharap na namin sila lolo." sagot ko pero ang mga bakla kong kaibigan ay binigyan lang ako ng mapanuksong tingin.

Hindi ko na lang sila pinansin at binalik ko na lang ang atensyon ko kay Priamos. Nananatili pa rin siyang nakatitig doon sa ulam na animo'y para siyang nakakita ng pagkain na hindi kanais-nais.

"Sige na, subukan mong tikman. Promise, masarap yan." turan ko sa kanya.

Nung una ay pansin kong nagda-dalawang isip pa siyang tikman yung dinuguan na baboy. Para mapaniwala ko siyang masarap at pwedeng-pwedeng kainin yung ulam namin ay sumubo ako ng isang kutsara. Bahagya pang napanganga si Priamos habang pinapanood niya akong ngumunguya. Pati sila Harley ay nagsimula na ring kumain.

"Does that really taste so good?" Priamos asked.

Nakangiti naman akong tumango-tango sa kaya bago ako muling sumubo ng kanin na may dinuguan na baboy para ipakita kay Priamos na masarap ang ulam at wala itong halong lason. Kalaunan ay tinikman din niya ito nung makita niya kaming kumakain na. Hinintay ko kung ano ang magiging reaksyon niya, may halo pang pandidiri hanggang sa napansin kong nasarapan din siya sa pagkain.

"Wow, masarap nga." aniya kaya parang nabunutan kami ng tinik sa dibdib.

"Buti naman at nagustuhan mo yung niluto ko!" natutuwang sambit ni Harley at pasimple pa siyang hinampas yung malaki-laking biceps ni Priamos.

Pinandilatan ko naman siya ng mata dahil halata namang gustong maka-tsansing ang bakla kong kaibigan kay Priamos. Baka nakakalimutan niyang kalahi niya itong si Priamos, parehas silang pusong babae. I'm glad na hindi rin maarte itong si Priamos kaya napakain namin siya nung dinuguan na baboy na mismong si Harley ang nagluto. Nagkuwentuhan na rin kami ng ilang bagay habang kumakain.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon