KABANATA 5

18.6K 637 173
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think and please, don't say offensive things and languages if you don't like this kind of story. Please excuse foul words in my story. Contains mature scenes. Not suitable for young and innocent readers. Please be warned.

• • •

This chapter is dedicated to: MelodyAbigan

KABANATA 5:

HANNAH'S POV

Dumating ang sabado at ngayong araw na ang kaarawan ni Kuya Topher. Katulad nga nang sinabi ni Harley na niyaya daw kami ni Kuya Topher na pumunta sa resto bar na Idle Desire para i-celebrate yung birthday niya ay pumunta naman kami.

Syempre sumama na rin ako dahil nakatanggap ako ng text message na galing kay Ate Galadriel para i-invite ako sa birthday party nung boyfriend niya. Wala naman akong nagawa kundi pumayag na lang.

Kahit ayoko at tinatamad ako ay pumunta pa rin ako sa birthday party ni Kuya Topher para sila hindi magtampo sa akin lalong-lalo na si Ate Galadriel. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwalang ikakasal na ako, na naka-arrange marriage ako sa lalaking hindi ko naman mahal.

Sa totoo lang ay nagtatampo ako kay lolo at pati na rin sa magulang ko dahil sa bwisit na kasunduan na yan. Malalaman ko na lang na ikakasal na ako at dapat akong umuwi sa baryo namin para sa punyemas na engagement party na yan. Pero anong magagawa ko? Nangyari na, pinagkasundo na ako ni lolo dun sa apo nung matalik niyang kaibigan.

Ang kailangan ko na lang isipin ngayon ay kung paano ko makukubinsi si lolo na huwag na niya akong ipagkasundong ipakasal kay Randall. Pero malakas ang kutob ko na hindi siya papayag dahil ayaw niyang mapahiya kay Mr. Cortez kaya dapat gumawa ako ng plano para hindi matuloy ang pagpapakasal ko.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo, besty!" rinig kong salita ni Carla.

Tila nabalik naman ako sa reyalidad dahil sa malakas na boses ng kaibigan ko at mabilis akong napatingin sa kanya. Nakatingin lang din si Carla sa akin na katabi ko lang sa backseat at ngayon ko lang napagtanto na nakasakay kami sa taxi. Papunta na pala kaming apat ngayon sa resto bar kung saan gaganapin yung birthday party ni Kuya Topher.

"Pasensya na," tanging nasabi ko sa mga kaibigan ko.

Dahil sa kasunduan ni lolo at ni Mr. Cortez na ipakasal ako kay Randall ay kung saan-saan na lumilipad ang isipan ko. Ang laki tuloy ng problema ko ngayon dahil sa bwisit na arrange marriage na yan.

"Ang mabuti pa girl, magpakasaya na muna tayo mamaya pagdating natin sa Idle Desire, okay? Maii-stress ka lang kung iisipin mo pa yan." ani Devina.

"Don't worry, Hannah. Tutulungan ka namin para hindi matuloy yung pagpapakasal mo dun kay Randall." sabat naman ni Harley na nakaupo sa front seat katabi yung taxi driver.

Nginitian ko naman itong mga kaibigan ko. Pasalamat na lang ako na nandiyan silang tatlo para sa akin, kaya kahit papaano ay nababawasan ng kaonti ang pag-aalala ko sa arrange marriage na yan. At saka may naisip na rin akong plano para hindi ako maikasal kay Randall, may problema nga lang ako. Isang napakalaking problema. Sighed.

Pagdating namin sa resto bar ay agad kaming nagbayad kay manong driver bago bumaba sa taxi. Kapansin-pansin ko agad yung mga maraming tao na nagsisipasukan sa loob ng resto bar na yun. Mukhang dinarayo ang lugar na 'to dahil sa dami nung mga tao. Sa parking lot pa nga lang ay pansin ko na agad, paano pa kaya kung nakapasok na kami sa loob?

"It's your first time here, isn't it?" tanong ni Harley sa akin.

Tinanguan ko naman siya, first time ko nga ditong magpunta. Actually, ito ang kauna-unahang beses na makakapasok ako sa isang resto bar. Sa bar nga ay hindi ko nagagawang pumasok dahil na rin sa busy ako sa pag-aaral ko, paano pa kaya sa resto bar?

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon