KABANATA 27

16.3K 657 206
                                    

KABANATA 27:

HANNAH'S POV

"Aba'y bilisan niyong magsikilos! Ala eh ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang laro!" malakas na sigaw ni lolo sa amin kaya mas lalo naming binilisan ang kilos. Kahit na nandito pa kami sa second floor at nasa loob ng kwarto ay rinig na rinig pa rin namin ang pagsigaw ng lolo ko. Tinanghali na rin kasi ng gising itong mga kasama ko lalo na sila Carla dahil sa kung anong oras na silang nagsitulog kagabi. Anong oras na din kasing natapos yung party kagabi.

"Bilisan na natin, tayo na lang ang hinihintay nila Kuya Amir sa ibaba." utos ko sa mga kasama ko. Mabilisan namang nagsuklay sila Ate Galadriel, yung tatlo ko namang bakla na kahit nagmamadali ay nagawa pa nilang tapusin na lagyan ng drawing yung kanilang mga kilay.

Kailangan daw kasi nilang magpaganda dahil baka daw may makakita sila ng mga gwapong basketball player sa court mamaya. Nagsibabaan din naman kami agad nang matapos. Naabutan ko sila Priamos sa sala na kami na lang ang hinihintay nila.

"Mag-iingat kayo dun ah, manood lang ng liga at wag nang magpunta sa kung saan-saan. Lalo ka na Hannah, ala eh buntis ka pa naman din." paalala ni lola sa amin kaya ngumiti lang ako.

"Naku! Wag ho kayong mag-alala lola, hindi po namin pababayaan itong si Hannah roon. At saka kasama naman po niya ang asawa niya," paniniguro ni Harley sa lola ko.

"Ala eh mas mabuti kung ganun. Mas makakapante ako kung kasama nitong apo ko si Priamos, para sa gayun ay may magbabantay dito sa asawa niya. Buntis pa naman, dapat hindi napapagod ang buntis na kagaya niya. Ayoko namang may masamang mangyari sa apo ko sa tuhod," wika ni lola kaya napatingin sila Ate Galadriel sa akin.

Naipaliwanag ko na rin sa kanila kagabi na kinailangan kong magpanggap na buntis dahil nalagay sa alanganin yung buhay ni Priamos nung nalaman nila lolo na asawa ko siya. Kung hindi ko agad naisip na sabihing buntis ako kahit hindi naman ay paniguradong nabaril na ni lolo si Priamos. Kilala ko pa naman ang lolo ko, di bale nang mabahidan ng dugo ang kamay niya basta matuloy lang ang kagustuhan niyang ipakasal ako kay Randall. Kung meron nga lang divorce sa Pilipinas ay paniguradong pina-divorce na ako ni lolo kay Priamos para lamang matuloy ang kasunduan nila ni Mr. Cortez.

"Oh s'ya, aalis na kami. Madami pang pakulo na magaganap mamaya sa liga, for sure maaaliw sila Hannah." ani Kuya Chester kaya nagpaalam na kami kila Mommy.

"Take care, huwag kang masyadong magpapapagod doon." paalala ni Mommy sa akin.

"I will, Mom. Don't worry," nakangiti kong sagot sa kanya kahit na nako-konsensya na naman ako. Sobrang dami ko nang kasalanan at kasinungalingan sa kanila. Kinokonsensya talaga ako sa tuwing nakikita kong masaya sila dahil sa pagbubuntis ko at sa tuwing pinapaalala nila sa akin na mag-iingat ako dahil baka may masamang mangyari sa batang nasa sinapupunan ko.

"Huwag kayong magpaabot ng gabi sa liga, ala eh mahirap na kung maabutan kayo ng dilim sa kalsada." muling paalala ni lolo sa amin.

Ngiti lang ang ipinakita ko kay lolo bago kami nagsilabasan na. Hindi rin naman kami magpapagabi sa liga, tatapusin lang naming panoorin yung laro nila Kuya Amir at pagtapos nun ay uuwi na rin kami agad. At saka gusto rin naming panoorin yung pakulo nung Kapitan dito sa baryo namin. I heard na magkakaroon pa ng pageant kuno bago magsimula yung laro at ang mga muse ng mga basketball team ng bawat mga baryo o baranggay ang maglalaban-laban.

Nagsisakayan naman kami agad sa sasakyan. Mabuti na lang ay may dalang van sila Ate Galadriel kaya ito ang ginamit naming sasakyan papunta doon sa basketball court. Si Kuya Amir na mismo ang nagmaneho dahil siya ang nakakaalam kung saan ang court na yun. Si Kuya Eros naman ay naroon na sa court at doon na lang niya kami hihintayin. He was a Governor kaya dapat maaga palang ay naroon na siya dahil magkakaroon pa ng speech ang ilang mga government officials ng Batangas para manood din ng liga. Halos lahat kasi ng mga baranggay o baryo sa Batangas ay sumali sa liga dahil na rin sa tumataginting na gatimpala na matatanggap nung mananalo nung mga mananalo.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon