KABANATA 14

16.6K 670 301
                                    

KABANATA 14:

HANNAH'S POV

"Sa wakas class dismissal na!" narinig kong bulalas ni Carla nang i-dismissed na ni ma'am ang klase niya.

Mabilis naman siyang tumayo at napainat-inat pa nang katawan habang ang mga kaklase namin ay kanya-kanya nang ayos ng mga gamit nila. As usual, nag-make up, nag-lipstick at nagpabango pa sila kaya nalalanghap ko na naman ang mamahalin, nakakahilo at matatapang nilang pabango.

Agad ko rin namang pinagliligpit ang mga gamit ko at ganun lang din ang ginawa nung tatlong bakla. Mabuti na lang talaga ay halos wala na kaming ginagawa ngayon dahil naghahanda na ang buong school namin sa nalalapit na competition nung mga basketball players namin. Dumarayo sila sa iba't-ibang school para lumaban, at once na nanalo sila sa semi-finals ay maglalaban-laban na sila sa championship at dito gaganapin sa school namin iyon kaya paniguradong maraming darayo dito sa Osiris na galing sa iba't-ibang school para manood.

Halos mapatalon naman ako sa matinding gulat nang marinig kong may malakas na nagtilian. Pagtingin ko ay ang mga schoolmates naming mga babae na naglulumpasay na naman sa sobrang kilig dahil sa Hellion Triplets kasama ang buo nilang basketball team. Oo nga pala, basketball player din pala ang tatlong sikat na magkakambal na yun.

Napailing-iling na lang ako ng ulo at hindi na lang sila pinagtuonan ng pansin. Kailangan kong magmadali dahil magkikita pa kami ni Priamos. Baka mamaya ay nasa parking lot na yun, sabi niya kasi ay susunduin niya ako para ituloy ang pinag-uusapan namin kagabi na naudlot dahil sa inantok na kaming dalawa.

"Bakit nagmamadali ka, sis? Atat lang umuwi?" natatawang tanong ni Harley sa akin at mukhang napansin niyang mala-flash akong kumilos. Hindi ko na nga rin tinangkang ayusin ang mga gamit ko dahil basta ko na lang ang mga ito pinagpapasok sa loob ng aking bag.

"Baka kasi naghihintay na si Priamos sa akin sa parking lot. Susunduin daw niya kasi ako," sabi ko sa kanila.

"Ayieee, may taga-hatid na nga, may taga-sundo pa! Aba'y ang haba naman yata ng buhok mo sis!" wika ni Devina sabay hampas sa aking balikat kaya natawa lang ako. Palibhasa kasi ay naka-libre lang sila ng pamasahe kaninang umaga dahil nag-insist si Priamos sa amin na ihatid kami.

"Magpa-practice na ba kayo kung paano mag-date? Mag-kiss ganun?" pag-uusisa ni Carla at binigyan pa ako ng isang ngiti na tila may ibig sabihin kaya nabatukan ko tuloy siya sa ulo niya pero mahina lang.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi 'no! Nakatulog na kasi kami kagabi kaya naudlot yung pinag-uusapan namin tungkol sa pagpapanggap naming dalawa kaya naisipan na lang namin na mag-usap ulit ngayon, baka kasi may makalimutan kami." paliwanag ko sa kanila pero ang tatlong bakla ay parang hindi naniwala sa akin.

Inilingan ko na lang sila ng ulo, bahala sila kung ayaw nilang maniwala sa akin o hindi. Hindi ko naman na problema yun. Mabilis akong tumayo at sinukbit sa aking balikat ang aking bag. Kami na lang ang natitirang nandito sa loob ng classroom, sanay na ako na kami palagi ang huling lumalabas ng room pag-dismissal na. Ang mga kaklase kasi namin ay palaging nagmamadali at nagsisiksikan na makalabas lalo na yung mga girls para mahabol nila ang mga sikat dito sa eskwelahan namin lalo na yung Hellion Triplets.

Hindi ko na pinansin pa ang mga kalalakihan na napapatingin sa gawi ko. Sanay na sanay na ako sa kanila lalo na kapag naglalakad lang ako sa gitna ng hallway. Hindi naman sa pagmamayabang pero sikat din ako dito sa Osiris Hellion Academy. Bakit? Dahil nga dun sa pag-nominate ni Ate Galadriel sa akin biglang First Year Representative. At ngayon ay Fourth Year Representative na ako dahil muli na naman akong na-nominate. Ang mga bakla ko namang mga kaibigan ay tuwang-tuwa dahil hindi lang sa akin napapatingin ang mga lalaki kundi pati na rin sa kanila.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon