KABANATA 35

17K 646 178
                                    

KABANATA 35:

HANNAH'S POV

Dumating sila lolo sa bahay ni Priamos kung saan saktong kakatapos lang kaming kuhanan ng picture nung photographer. Mabuti na lamang ay may printer si Priamos dito sa bahay niya kaya napa-print na namin agad yung mga pictures naming dalawa. Yung pinaka-malaking litrato ay nilagay lang namin sa picture frame bago namin ito isabit sa dingding para kung mabilis lang iyon makikita nila lolo at nila Kuya Amir. Ang ibang litrato naman ay mabilisan ko lang ding ipinaglalagay sa photo album na binili ng photographer bago siya magtungo dito sa bahay. Talagang pinaghandaan na nila Priamos ang lahat kaya naman hindi kami aligaga at nagmamadali sa pagkilos.

Malaki rin ang pasasalamat ko na hindi man lang naghinala o napansin nila Mommy na bagong print lang yung pictures namin ni Priamos na kanilang tinitignan kanina nung pagdating nila. Tuwang-tuwa pa nga sila nang makita nila ang mga litrato namin ni Priamos at akala nila ay iyon yung pictures namin nung araw ng kinasal kami sa huwes. Mukhang wala din silang alam na nagpapanggap lang kaming dalawa ni Priamos. Marahil ay hindi pa nakakapagsumbong si Randall sa kanila. Siguro ay hindi rin alam nung Randall na yun na pupunta sila lolo dito sa Maynila.

"Wow, bayaw! Ang sarap mo palang magluto!" nakangiting puri ni Kuya Miles sa nilutong kaldereta ni Priamos. Kamuntikan na nga yung masunog kanina, mabuti na lang ay agad kong napansin. Kasalukuyan din kaming lahat na narito sa hapag-kainan para kumain ng hapunan.

"Sakto sa lasa, hindi masyadong maalat." wika naman ni Kuya Amir na nakangiti rin. Sabagay ay Chef itong si Kuya at ayaw na ayaw niya sa pagkain na sobrang maalat.

"I'm glad na nagustuhan niyo ang luto ko. Muntik ko na ngang masunog yung kaldereta kung hindi lang napansin ni Hannah," natatawa namang turan ni Priamos kaya natawa ang mga kapatid ko.

"Ala eh mabuti nga ay marunong kang magluto. Para naman napagsisilbihan mo itong asawa mo. Hindi rin biro ang pagbubuntis ng mga babae kaya dapat todo alaga ka rito sa apo ko," ani lolo kaya sapilitan naman kami ni Priamos na ngumiti sa kanya.

"Okay lang ba kayong mag-asawa dito sa bahay? Hindi niyo naman ba kailangan ng katulong para may manilbihan sa inyo?" pagtatanong ni Dad.

Sabay naman kaming umiling-iling ni Priamos, "No need, Dad. Kaya naman po namin ni Priamos dito sa bahay. And besides, gusto ko rin naman pong magkilos-kilos kahit papaano." sagot ko.

"Aba eh dapat gumalaw-galaw ka rin iha pero huwag kang masyadong magpapakapagod para hindi kayo mapahamak ng baby mo. Kapag malapit na ang kabuwanan mo ay dapat kang maglakad-lakad para hindi ka mahirapan sa panganganak," sambit ni lola.

Ngiting tipid lang ang isinagot ko kay lola. Hindi na sila muling nagsalita pa at nagpatuloy na lang kaming kumain. Tanging ingay lang galing sa plato't kutsara ang aming naririnig. Nang matapos naming kumain ng hapunan ay sila Kuya Chester na ang nag-insist na magliligpit ng mga pinagkainan namin at si Kuya Miles naman ang maghuhugas ng mga pinggan. Tinangka pa naming tumanggi ni Priamos dahil bisita namin sila at hindi namin sila dapat hayaang kumilos dito sa bahay. Pero nagpumilit sila at sinabing hayaan na lang daw namin sila sa kagustuhan nila. Kaya ang ginawa ko ay sinamahan ko na lang sila Mommy sa sala para may kakuwentuhan sila. Si Priamos naman ay nagpaalam lang na maliligo muna siya para mapreskuhan siya. Sobrang alinsangan kasi ng panahon ngayon kaya mabilis kaming pagpawisan.

"Masaya ka naman ba sa asawa mo, anak?" biglang tanong ni Mom sa akin. Tinignan ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay.

"Of course, Mom. Masaya po ako, sobrang saya ko po kay Priamos. He loves me and he takes care of me," nakangiti kong sagot. Huminga siya ng malalim at matamis rin niya akong nginitian. Naramdaman ko pa ang mahina niyang pagpisil sa kamay ko at saglit din niyang hinalikan ang likuran ng palad ko.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon