Warning: This story is not as perfect as you think and please, don't say offensive things and languages if you don't like this kind of story. Please excuse foul words in my story. Contains mature scenes. Not suitable for young and innocent readers. Please be warned.
• • •
KABANATA 7:
HANNAH'S POV
Mukhang napasubo ako ngayong gabi. Marami kasing inorder na alak si Ate Galadriel at syempre, panay naman ang tungga nitong tatlo kong baklang kaibigan dahil ngayon lang sila malilibre ng mamahaling alak kaya hindi sila nagtangkang tumanggi nang alukin kami ni Ate Galadriel na uminom ngayong gabi. Of course, pinilit din ako nitong si Ate Galadriel na uminom para naman makalimutan ko daw kahit papaano yung problemang dinadala ko.
Kaya wala tuloy akong choice at mas lalong wala rin akong kawala dito sa mga kaibigan ko. Sa kakapilit nila sa akin na uminom ng mga hard cocktail drinks ay napapayag tuloy nila ako. At saka birthday naman daw ni Kuya Topher kaya pagbigyan ko na sila kahit ngayong gabi lang.
Margarita ang pinili kong klaseng alak dito sa Idle Desire pero nakakailang ininom palang ako ng alak na 'to ay feeling ko umiikot na agad ang paningin ko. Hindi naman kasi malakas ang alcohol tolerance ko kaya mabilis akong tamaan ng alak. Jusko po! Sana naman ay makauwi kami ng ligtas sa dormitoryo namin.
Itong sila Harley ay walang humpay sa kakainom ng mga alak. Natamaan na rin sila ng mga iniinom nila dahil nagsisimula na silang maging madaldal. Napailing-iling pa ako nang hatakin ni Devina si Carla para sumayaw sila sa gitna ng dance floor. Hindi talaga sila magpapatigil, kahit na siksikan sa dance floor at maraming mga nagsasayawan na mga tao ay nagpunta pa rin sila doon. Kaya ayun, nakita ko na lang sila na sumasayaw na parang mga nakawala sila sa kanilang mga hawla.
Ang kanta pa namang Low by Flo Rida ft. T-Pain ang kasalukuyang pinapatugtog nung DJ na nasa itaas ng stage kaya mas lalong nagiging maingay ang paligid ko, idagdag pa ang malalakas na tilian at sigawan nung mga tao. Ang wa-wild talaga nila! Parang ngayon lang talaga sila nakawala sa mga lungga nila kaya sila ganito, pati mga kaibigan ko ay nahawa na.
Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim nang matanaw ko ang gawi nung mga bakla, dahil na rin siguro sa nainom na alak kaya nagsisimula nang mag-twerk ang mga magagaling kong mga kaibigan kaya yung mga taong nasa paligid nila ay nakigaya na rin sa kanila. Naghihiyawan pa nga sila na tila tuwang-tuwa sa mga sayaw nila. Bumaling ang tingin ko kina Ate Galadriel, sumasayaw na rin siya kasama si Kuya Topher.
To be honest, ako lang ang naiwang mag-isa dito sa table namin. Wala rin naman kasi akong hilig sumayaw. Tulad nga ng sabi ko, hindi ako party girl. Tapos para rin akong inaantok dahil sa nainom kong Margarita pero pasalamat na lang ako ay nagagawa ko pang makita ang mga tao kahit nanlalabo ang patingin ko.
Inubos ko na lang ang alak na natitira sa baso ko bago ako tumayo. Kamuntikan pa akong matumba nang makadama ako ng hilo, mabuti na lang nagawa ko pang tumayo ng maayos sa kabila ng hilong nararamdaman ko.
"Hannah, saan ka pupunta?"
Napunta ang atensyon ko sa nagsalita, si Ate Galadriel lang pala na mukhang kakatapos lang makipagsayawan. Parang linta namang nakayakap sa likod niya si Kuya Topher.
"Restroom lang muna ako," sabi ko.
Tumango naman siya, "Sige, bilisan mo ah? Tatawagin ko lang sila Harley para ihatid na namin kayo ni Topher sa dorm niyo," aniya kaya nakangiti lang akong tumango sa kanya.
Buti naman may balak pa silang umuwi, akala ko ay magdamag pa kaming mananatili dito sa rest house hanggang sa dito na rin kami tamaan ng antok at makatulog. Naglakad na ako papunta sa restroom ng mga babae. Pero shit! Bago nga lang pala ako dito sa Idle Desire kaya hindi ko alam ang pasikot-sikot sa lugar na 'to.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18