KABANATA 29

15.7K 578 178
                                    

KABANATA 29:

HANNAH'S POV

Gabi na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaahon sa dagat sila Harley. Nagtatampisaw pa rin sila ngayon at mukhang sinusulit na nila ang pagliligo sa dagat dahil paniguradong hindi na ito mauulit pa. Buti na lang pinagsabihan na sila nila lola na umahon na para hindi sila lamigin kaya agad naman silang sumunod. Naligo rin naman kami ni Priamos kanina, kaya nga busog na busog ang mata nung tatlong bakla dahil nakakita sila ng mga nagtitigasang pandesal mula kina Priamos at sa apat ko pang mga Kuya pero saglit lang kaming nakaligo.

Ngayon ay wala sila Priamos dahil bigla na lamang silang umalis ng mga kaibigan niya kanina at may pupuntahan lang daw sila. May tumawag kasi sa cellphone ni Thorn at emergency lang daw iyon. Sinabi na lang sa akin ni Priamos na isa sa mga kaibigan nila ang naisugod kagabi sa ospital pero ngayon lang nila nalaman kung hindi lang daw tumawag yung kaibigan nilang si Conan.

Syempre pinayagan ko naman si Priamos na puntahan ang kaibigan nila dahil muntikan nang maging kritikal ang buhay nito. I heard na isa sa hospital dito sa Batangas isinugod yung kaibigan nila kaya hindi na nila kinailangang lumabas papuntang Maynila. Sinamahan na lang sila nung driver ni Kuya Eros para hindi sila maligaw. Uuwi rin naman din daw sila agad kaya naging kampante ang kalooban ko. Ite-text na lang din ako ni Priamos para balitaan ako sa nangyari sa kaibigan nila.

"So, kailan niyo balak ni Priamos na sabihin sa pamilya mo yung totoo?"

Nahinto ako bigla sa ginagawa kong pagto-toothbrush nang marinig kong itanong ni Devina sa akin iyon. Nandito sila ngayon sa kwarto namin ni Priamos para magkwentuhan kaming lahat. Kakatapos lang din nilang makapag-banlaw ng katawan at magpalit ng damit.

"H-hindi ko pa alam," sagot ko at malalim na bumuntong-hininga.

"Hindi mo ba nakita kanina kung gaano kasaya yung  magulang at yung lola mo dahil akala talaga nilang nagdadalang-tao ka? Alagang-alaga ka nila, Hannah. You made them believe that there was a baby in your womb and that they were going to have a grandchild," this time ay si Carla naman ang nagtanong sa akin, "No offense, pero hindi ka ba nako-konsensya?" dagdag niya pa.

Muli akong bumuntong-hininga at agad tinapos ang ginagawa ko dito sa loob ng banyo bago ako lumabas. Naabutan ko naman silang nakaupo sa kama at kasalukuyan namang nakasalang sa TV yung pinapanood nilang horror movie. May popcorn pa nga silang kinakain na ibinigay ni Kuya Amir sa amin kanina dahil nalaman niyang balak nila Harley na mag-movie marathon.

"Of course, nako-konsensya din naman ako. I saw how happy they were that I was pregnant. I also made them believe that Priamos and I were married. Guys, I want to tell them the truth but what if lolo forces me to marry Randall once he finds out the truth? Syempre, masamang magsinungaling at ayoko rin namang magsinungaling sa kanila. P-pero wala akong choice, ayoko din namang mabura yung kasiyahan nila." mahaba kong sabi at sa pangatlong pagkakataon ay muli akong napabuntong-hininga nang malalim.

I'm stressed, I'm in trouble pero nakapag-desisyon na ako na pipilitin namin ni Priamos na paninindigan namin ito hanggang sa huli. Maghihintay na lang kaming dalawa ng tamang oras bago namin gawin yung naisip naming plano para matapos yung pagpapanggap naming dalawa. Para sa gayun ay matapos at maputol na rin ang pagsisinungaling ko sa buong pamilya ko. Ayokong habang tumatagal ay mas lalong nadadagdagan ang pagsisinungaling ko kina lolo.

"Hannah, alam kong mahirap ang sitwasyon mo. Pero hanggang kailan ba kayo magpapanggap ni Priamos?" tanong sa akin ni Ate Galadriel.

"She's right, for sure magagalit ang buong pamilya mo sayo dahil nagsinungaling ka sa kanila. To keep your situation from getting worse, you and Priamos need to stop pretending." turan naman ni Kuya Topher.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon