KABANATA 23

16.7K 671 222
                                    

KABANATA 23:

HANNAH'S POV

I was still shocked when I found out that Priamos is a business partner of the Cortez family. Tapos shareholder pa! Sinong hindi magugulat dun? Syempre gulat na gulat din ako dahil pagtapos na sabihin at aminin ni Priamos kung sino siya, hindi na pinagpilitan pa ni Mr. Cortez na ipagkasundo kaming ikasal ni Randall. Kahit nga si lolo ay gulat na gulat at hindi makapaniwala. Dahil imbes na magalit sa amin ang pamilyang Cortez dahil hindi na tuloy yung pinagkasunduan nila nung lolo ko ay sila pa mismo ang nag-sorry sa amin.

Matapos ang pag-uusap ay agad din namang nagpaalam ang mga Cortez na uuwi na dahil sa pasado alas-nuebe na nang gabi. Bago pa nga sila umalis ay hindi naman nakaligtas sa akin kung paano pukulan ni Randall ng masamang tingin si Priamos. For sure ay galit na galit yun dahil hindi na tuloy ang pagpapakasal naming dalawa. Syempre, sa kaloob-looban ko ay nagdiriwang na ako dahil nagtagumpay kami ni Priamos.

"Hindi man lang namin alam na isa palang CEO ang napangasawa mo, apo!" tuwang-tuwang turan ni lola sa akin.

"Hiraya Group, kilala ang kompanya na yun dito sa bansa maski na rin sa ibang bansa. Sikat yun dahil mayaman at bata pa ang nagmamay-ari ng company na yun. Hindi namin alam na ikaw pala ang CEO nun, Priamos." ani naman ni Dad habang si Mommy ay napatango-tango siya ng ulo niya.

Jusko po! Kahit ako ay wala rin kaalam-alam, ang tanging alam ko lang ay isang CEO si Priamos. Hindi ko naman expected na ubod pala siya ng yaman! Tapos ang hinahawakan pa niyang kompanya ay Hiraya Group na talagang kilalang-kilala dito sa bansa namin!

"Ang mas mabuti pa, mag-celebrate tayo. Tara, brother-in-law! Inuman tayo," aya ni Kuya Chester kay Priamos. Nagsitanguan naman ang tatlo ko pang mga Kuya na tila sumasang-ayon.

"At para saan naman ang celebrate na yan eh?" nakasimangot na tanong ni lolo sa kanila.

"Celebrate na hindi na ikakasal itong si bunso kay Randall," nakangising sagot ni Kuya Miles at halatang inaasar-asar pa niya si lolo. Mas lalo namang sumimangot ang pagmumukha ni lolo. Tumayo na siya at mabilis na pumanhik sa kwarto nila ni lola.

"Don't mind your lolo, iha. Ganyan talaga yan, palibhasa kasi tumatanda na." saad ni lola sabay tawa ng mahina. Kahit kami ay natawa rin. Gagawa na lang ako ng paraan para magustuhan ni lolo si Priamos at magkasundo silang dalawa. Alam ko na mahirap pa sa kanya ngayon na tanggapin dahil una palang ay nagkasundo na silang dalawa ni Mr. Cortez at nakahanda na lahat-lahat.

"Ano, bunso? Pwede ba itong uminom 'tong asawa mo? Promise, hindi namin siya lalasingin." paalam ni Kuya Chester sa akin.

Tinignan ko naman si Priamos, "Basta huwag niyo lang siyang lalasingin," tanging nasabi ko kaya napa-yes naman sila Kuya Chester. At saka wala naman ako sa tamang posisyon para pagbawalan si Priamos sa kung ano ang gusto niyang gawin. Meron din siyang desisyon na para sa sarili niya.

"Dahan-dahan lang sa pag-inom at maaga ang gising natin bukas dahil marami tayong gagawin. Wag din kayo masyadong maingay para hindi kayo makabulabog," paalala ni Mommy kina Kuya kaya napatango-tango naman sila. Si Kuya Miles nga at si Kuya Chester ay agad silang nagtungo sa kusina para kumuha na ng maiinom nilang alak. Paniguradong magiging madaldal ang mga kapatid ko once na mga natamaan na sila ng alak.

"Let's go, sa pool area na lang tayo mag-inuman." aya ni Kuya Eros at nauna na siyang nagpunta sa pool area na meron kami dito sa Mansyon.

"Saktong-sakto, wala akong pasok bukas!" excited namang sabi ni Kuya Amir bago siya sumunod kay Kuya Eros. Napailing-iling naman sila Mommy at nagpaalam na silang papanhik na sa mga kwarto nila para makapagpahinga na. Pati si lola ay umakyat na rin sa itaas at para na rin daw lambingin niya si lolo.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon