KABANATA 43:
HANNAH'S POV
Dumating ang araw ng graduation namin at halos lahat kaming mga estudyante ay sobrang saya dahil dumating na ang araw na pinaka-hinihintay naming lahat. Kahit nga ang mga magulang namin ay bakas sa mga mukha nila ang labis na kasiyahan. Ang iba ay naging emosyonal pa at nagsimula na ring umiyak. Tears of joy kumbaga. Malamang ay masaya sila dahil halos karamihan sa mga magulang ang nagpakahirap na magtrabaho para mapag-aral lang nila ang kanilang mga anak.
Malaki naman ang paghanga ko sa ibang mga estudyante na kahit problemado sila sa financial ay gumawa pa rin sila ng paraan para makapag-aral. Lalo na yung mga scholarship na kagaya ko. Sa wakas ay nagkaroon na rin ng bunga yung katas na pinaghirapan namin sa loob ng apat na taon dito sa Osiris Hellion Academy. Sobrang hirap din ang mga pinagdaanan naming mga estudyante dahil bukod sa ang daming school works na pinapagawa, mga projects na may maikling deadline, sa mga lectures na nakakadugo ng ilong at mga exam na dapat na ipasa ay masyado pang mahigpit ang mga Professor namin especially yung mga terror Teacher.
At ang masasabi ko lang? Mas the best pa rin talaga ang high school life ko. Mas marami akong naging magagandang memories nung hayskul palang ako kumpara nung nag-college ako. Akala ko nga nung una ay madali lang na maging isang college student, hindi pala. Pero kahit mahirap, ang dami ko namang natutunan sa loob ng apat na taon kong nag-aral dito sa Osiris. Blessing in disguise nga siguro na makapasa ako dito at maging isa sa mga nagkaroon ng scholarship ng Osiris. Dahil kung hindi ako nakapag-aral dito, hindi ko makikilala ang tatlo kong baklang mga kaibigan. Hindi ko rin makikilala sila Ate Galadriel at si Kuya Topher.
Kung hindi ako nag-aral dito at hindi ako tinangkang ipagkasundong ipakasal ni lolo kay Randall ay hindi ko pa makikilala si Priamos. Hindi ko sana siya nakilala at wala sana siya sa tabi ko ngayon. Pero naniniwala pa rin ako na tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mag-krus ang landas naming dalawa. Masaya ako na nakilala ko siya, na asawa ko na siya ngayon at siya ang ama ng magiging anak namin. At wala rin akong kahit na anong bahid na pagsisisi sa lahat ng mga ginawa ko. Kung may pinagsisisihan man ako? Iyon ay yung nagawa kong magsinungaling sa buong pamilya ko.
Nang makaakyat kaming lahat sa stage at inabot na sa amin ang aming diploma ay matiwasay namang natapos ang graduation ceremony namin. Kanya-kanya namang kuha ng pictures ang mga bawat estudyante kasama ang kanilang magulang, ang iba naman ay masayang binabati ang isa't-isa. Nakangiti naman akong lumapit sa gawi nila Mommy na ngayon ay lumuluhang nakatingin sa akin.
"I'm so proud of you, anak!" emosyonal na sambit ni Mommy at pinunasan pa niya ang kanyang mga luha gamit ang hawak niyang panyo. Niyakap ko siya at ganun din ang ginawa ko kay Daddy. Pati yung apat kong Kuya ay nagsisimula na ring maging emosyonal, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa labis na kasiyahan.
"Ito na po ang ipinangako ko sa inyo. Sabi ko naman po kasi sa inyo eh, makakapagtapos din po ako ng college." proud kong sabi sa kanila habang nakapaskil sa aking labi ang matamis kong ngiti.
Masaya namang hinaplos ni lola ang magkabila kong pisngi at bakas rin sa kanya ang labis na kasiyahan, "Salamat apo, sa wakas ay nakita na rin kitang umakyat sa stage habang inaabot sayo ang diploma mo." sambit niya at nahihimigan ko sa boses ni lola ang matinding pagka-proud sa akin.
"Ala eh, apo natin yan! Alam nating makakapagtapos ng pag-aaral si Hannah! Hindi rin siya nakalimot sa mga ipinangako niya sa atin. Eh saan pa ba nagmana yan sa katalinuhan kundi sa lolo niya, diba?" pagyayabang ni lolo.
"Anong nagmana sayo? Hindi 'no! Sa akin nagmana itong apo natin!" asik ni lola. Hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob niya kay lolo at hindi pa rin niya nakakalimutan yung mga nangyari. May kaonti pa rin siyang galit kay lolo dahil nga sa ipinagkasundo ako nitong ipakasal kay Randall.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18