KABANATA 22:
HANNAH's POV
Pinakyaw na lang namin ni Priamos ang lahat ng mga paninda ni Aling Minda para sa gayun ay maaga siyang makakauwi sa kanila. Syempre tuwang-tuwa ang ginang dahil sa first time daw niyang may pumakyaw sa mga nilalako niyang mga kakanin. Hindi rin naman namin mauubos ni Priamos ang mga pagkain kaya ipinakain na lang namin ang mga yun sa mga farmers pati na rin ang ilang mga taong narito sa pananiman. Ang sasaya pa nga nila dahil nakalibre daw sila ng meryenda.
Pagtapos nun ay agad rin naman kaming bumalik sa Mansyon para maghanda sa pagdating ng mga Cortez family sa bahay. Kinakabahan tuloy ako sa kung ano ang magiging reaksyon nila lalo na si Randall once na malaman na nilang wala nang magaganap na kasalan.
Pinakiusapan ko na rin si Aling Minda na huwag na muna niyang ipagkakalat o ibalita ang tungkol sa amin ni Priamos. Mahirap na kung sa ibang tao pa malalaman nila Randall na may asawa na ako kaya mas mabuting kami ang magsasabi sa kanila ng tungkol sa amin ni Priamos. Minsan pa naman ay may pagka-madaldal si Aling Minda, kung kani-kanino na lang din siya nakikipag-tsismisan.
"Bakit kinakabahan ka yata?"
Nilingon ko si Priamos na s'yang nagsalita at kasalukuyan siyang nakaupo sa dulo ng kama habang nakatingin sa akin. Kanina pa talaga ako hindi mapakali dito sa kwarto namin. Ilang minuto na lang ay darating na ang mga Cortez kaya kung kabado si lolo, pwes mas kabado ako pero nandito na kami. Wala nang atrasan 'to. Alangan naman na pumayag na lang ako na magpakasal kay Randall, edi sira pa ang buhay at mga pangarap ko.
"Kinakabahan lang talaga ako. What if hindi pumayag si Randall? Paano kung magmatigas siya na magpakasal kaming dalawa? Paano kung magalit din ang mga Cortez sa amin?" kabado kong tanong sa kanya.
Hindi lang basta pupunta sila Randall dito sa bahay para makita ako, kundi para na rin mamanhikan. Kahit hindi naman sabihin sa akin nila lolo ay halata ko naman na yun ang dahilan ng mga Cortez kaya sila pupunta dito sa Mansyon ngayon.
"Wag ka ngang kabahan sis, nagmumukha ka na diyan na natatae na hindi makatae." biro niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Ang loko ay tinawanan lang ako bago siya tumayo at nilapitan ako. Kinuha niya ang dalawa kong kamay bago niya masuyong nilagyan ng maliit na halik ang likuran ng dalawa kong palad. Parang hindi man lang siya kinakabahan sa mangyayari mamaya.
Nung pagharap pa nga lang niya kina lolo at sa mga Kuya ko ay hindi ko man lang siya nakitaan ng takot o kaba. Parang hindi man lang din siya nababahala na baka may gawing masama sa kanya si lolo para lamang mapaghiwalay kami. Pero naniniwala naman ako na hindi iyon magagawa ni lolo. Ang iniisip ko lang ay ang mga Cortez especially si Randall.
"Don't worry, hinding-hindi ko hahayaan na maikasal ka kay Randall. Sinabi ko na sayo diba? Na hindi ko sila hahayaan na magawan ka nila ng masama. Hindi ka nila masasaktan, trust me." nakangiti at sinsero niyang sambit kaya napangiti ako.
"Bakit hindi ka man lang kinakabahan?" I asked.
Mahina siyang natawa, "Gaga, kinakabahan din naman ako 'no! Ayaw ko lang ipahalata para hindi ka masyadong kabahan. At saka sis,hindi rin naman ako papayag kung sakali mang may gawing masama yung Randall na yun sa akin. Ako pa ba? Magaling na nga ako sa suntiukan, marunong pa akong makipag-sabunutan. Nakikita mo ba 'tong muscle ko? Isang suntok ko lang kay Randall ay baka tumba na siya." mahaba niyang saad kaya mas lalo akong napangiti.
Natawa pa ako dahil talagang nag-flex pa siya ng muscle niya sa harapan ko, idagdag pa yung pang-beki niyang boses. Mabuti na lang talaga ay nandito si Priamos, hulog siya ng langit sa akin. Kung hindi ko lang siya nakilala sa resto bar na Idle Desire ay baka hanggang ngayon ay problemadong-problemado pa rin ako.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18