KABANATA 8

18.1K 681 168
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think and please, don't say offensive things and languages if you don't like this kind of story. Please excuse foul words in my story. Contains mature scenes. Not suitable for young and innocent readers. Please be warned.

• • •

KABANATA 8:

HANNAH'S POV

Dapat ba akong magpasalamat dahil nandito si Priamos at tinutulungan ako na hindi ako makita ni Randall? Siguro oo nga, siguro dapat lang akong magpasalamat sa kanya. Tinulungan niya ako kanina na hindi mapasalampak sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabangga sa akin nung babae kanina. Bukod pa dun ay tinutulungan pa niya ako na hindi ako makita ni Randall ngayon dito.

Wala na rin akong pakialam kahit pa na halos dikit na dikit na ang katawan namin sa isa't-isa o kahit pa na parang nakayapos na si Priamos sa akin. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay makalayo kay Randall at hindi niya ako makita na nandito rin ako sa Idle Desire. Tiyak na malalagot ako nito na once malaman niyang narito ako at akalain pa niyang palagi akong suki dito sa resto bar.

"Hannah, wait! Alam ko na ikaw yan!" muli kong narinig na sigaw ni Randall kaya naman mas binilisan naming dalawa ni Priamos ang paglalakad.

"Yung lalaki bang yun na tumatawag sayong Hannah ang pinagtataguan mo?" rinig kong tanong ni Priamos sa akin. Nahihimigan ko sa kanyang boses ang pagiging kuryosidad niya.

"Yup. Naka-arrange marriage ako sa kanya pero ayokong magpakasal sa kanya. And I will not allow myself to marry someone like him," may diin kong sagot at hindi na siyang muling nagtanong pa. Talagang hinding-hindi ako papayag na maikasal ako kay Randall. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang punyemas na arrange marriage na yan.

Napansin kong pababa na kami ni Priamos sa hagdanan, naririnig ko pa na may mga babaeng panay na binabati itong si Priamos at paminsan-minsan ay ilang segundo pa kaming nahihinto sa paglalakad dahil may humaharang sa dinaraanan namin. I'm glad na ligtas kaming nakababa.

"Nakasunod pa rin sa atin yung lalaki," wika ni Priamos. Nakasunod pa rin sa amin si Randall? What the? Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya nakakasiguro na ako ito, si Hannah? Jusko! Kaya mahirap talaga na maka-krus ko ang landas nung lalaking yun!

"Hannah! I know it's you! Hannah Angeles!" narinig kong pagsisigaw ni Randall kaya naman napamura na lamang ako sa aking isipan.

Wala talaga siyang balak tumigil. Hindi na rin ako nakatiis pa kaya inalis ko na ang pagkakadukdok ng mukha ko sa matipuno at mabangong dibdib ni Priamos bago ko siya hinatak. Mas mapapabagal ang pag-alis na ko dito sa Idl Desire kung hindi ko bibilisan ang aking kilos.

"Hey, hey. Relax. Baka madapa ka niyan." ani Priamos na nakaalalay sa likod ko para hindi ako madapa o masagi nung mga tao pero hindi ko ako nakinig sa kanya.

Ang tanging kagustuhan ko lang ay makaalis dito at hindi ako maabutan nung lalaking ayaw na ayaw kong makita o makausap. Paniguradong papaulanin ako ng mga katanungan ni Randall once na maabutan niya ako. Lumingon ako sa likod ko para matignan kung wala na ba si Randall ngunit napansin kong nakasunod pa rin talaga siya sa amin kahit na nakikipagsiksikan na kami sa mga tao lalo na sa mga nakakasalubong namin.

"Hannah!" tawag ni Harley sa akin nang makasalubong ko sila nila Carla at Devina, "Bakit ang tagal mo? Kanina pa naghihintay sa atin si Ate Galadriel! Nasa parking lot na sila, hinihintay tayo." aniya bago napunta ang kanyang tingin sa taong nasa likuran ko which is Priamos.

Bahagya pa ngang umangat ang kanyang kilay at ganun din sila Carla na literal pang napa-wow. Sabagay, gwapo naman kasi talaga itong si Priamos. Matangkad at may magandanf pangangatawan kaya paniguradong papasa ang lalaking ito sa standards nung mga bakla kong mga kaibigan.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon