KABANATA 40:
HANNAH'S POV
Nang malaman naming nagdadalang-tao na ako ay todo asikaso si Priamos sa akin. Ni hindi rin siya umaalis sa tabi ko at kahit na magpunta lang ako sa banyo para umihi ay nakabuntot pa siya sa akin. Ayaw niya kasing may masamang mangyari sa akin at sa magiging baby naming dalawa. Nakalabas na rin ako sa ospital at ngayon ay nakauwi na kami sa bahay. Nakabalik na rin kami ni Priamos sa Maynila at nangako naman sila Daddy sa akin na pupunta din sila dito sa Maynila para sa darating kong graduation dahil malapit-lapit na rin iyon.
Si Randall, napatawad ko naman siya nung personal siyang nag-sorry sa akin. Gulat na gulat pa nga ako nang makita ko ang itsura niya. Bugbog sarado siya at dahil iyon sa pangbubugbog sa kanya ni Kuya Amir. Tapos binugbog pa siya lalo ni Priamos. Ang dami tuloy niyang bangas sa mukha niya. Tadtad ng pasa ang buo niyang pagmumukha kaya halos hindi ko siya nakilala nung magpakita siya sa akin para humingi ng sorry.
Pinakiusapan ko na rin sila Kuya Eros na iurong na lang ang sinampa nilang kaso laban kay Randall. Alam ko na hindi niya iyon sinasadya at nadala lang siya sa matinding galit kaya niya ako nasaktan ng pisikal. Sa ngayon, wala daw siya sa Subic, Ilaya at ayon sa kwento nila Kuya Miles sa akin ay pinagbakasyon daw muna si Randall sa Davao para makalimot sa mga nangyari.
Mabuti na lang pumayag sila Kuya Eros sa kagustuhan kong huwag na lang magsampa ng kaso laban kay Randall kahit na ayaw pa ni Kuya Amir na iurong ang kaso. Pero sa isang kondisyon, hindi na siya sasampahan ng kaso nila Kuya Eros basta huwag na siyang magpapakita sa amin lalong-lalo na sa akin. Balang araw ay makakahanap rin si Randall ng babae para sa kanya, yung babaeng mamahalin siya ng buo.
Si lolo naman, humingi rin siya ng sorry sa akin at syempre pinatawad ko siya. Kahit na pinilit niya akong i-arrange marriage kay Randall ay tuwang-tuwang pa rin siya na magkakaroon na talaga siya ng apo sa tuhod. Isang totoong apo. Natanggap na rin niya si Priamos para sa akin, syempre wala na rin siyang magagawa kundi tanggapin na lang ang lahat. Basta huwag lang daw akong papabayaan ni Priamos. Si lola rin ay masaya sa pagbubuntis ko at kahit ilang araw palang akong buntis ay excited na sila agad sa paglabas ng magiging anak namin ni Priamos.
Katakot-takot pa na paalala ang natanggap ko kila Mommy bago kami umuwi ni Priamos sa Maynila. Kesyo mag-double ingat ako, na kumain ako sa tamang oras at higit sa lahat ay huwag akong magpapakapagod. Wag ko rin daw kakalimutang inumin yung vitamins na nireseta sa akin ni doktora. Syempre lahat ng paalala nila sa akin ay hindi ko iyon makakalimutan. Alam ko naman na gusto lang nila akong mag-ingat para walang masamang mangyari sa amin ni baby.
Kaya nga halos umaga at gabi ako nagdarasal na sana walang masamang mangyari sa magiging anak namin ni Priamos. Na sana maging mas malakas pa ang kapit niya hanggang sa dumating ang araw ng panganganak ko. Ayoko rin naman kasing mapahamak ang first baby naming dalawa ni Priamos.
"Are you sure na hindi ka nahihilo?" nabaling ang tingin ko kay Carla nang marinig ko ang kanyang tanong.
Oh crap! Muntikan ko nang makalimutan na nandito pala kami sa cafeteria para kumain ng lunch at kakatapos lang din ng practice naming mag-martsa para sa graduation namin. Alam na rin ng tatlo kong baklang kaibigan ang tungkol sa pagbubuntis ko. Kaya heto, masaya sila para sa amin ni Priamos. At todo alaga rin silang tatlo sa akin. Konting galaw ko nga lang ay nakaalalay pa sila sa akin. Hindi naman ako baldado para alalayan! Palibhasa kasi ay piagsabihan sila ni Priamos na bantayan ako dito sa school.
"Okay lang ako, hindi ako nahihilo." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Siguraduhin mo lang ah? Kapag may masama na sa pakiramdam mo, sabihin mo agad sa amin okay? Alam mo naman na ayaw naming madispatsya kami ni Priamos at magulat na lang kami, pina-salvage na niya kami dahil hindi ka namin nabantayan," ani Harley kaya napahalakhak ako ng mahina.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18