KABANATA 41

17.1K 565 176
                                    

KABANATA 41:

HANNAH'S POV

Matapos ang mga kakornihan moments namin ni Priamos sa loob ng kotse niya ay nagtungo na rin kami sa Hacienda ng Tito Guillermo niya dahil doon ko kikitain ang ibang mga relatives nila na gusto akong makita at makilala. Kinakabahan pa ako at sobrang bilis ng tibok nitong puso ko dahil first time kong mame-meet ang mga kamag-anak nila Priamos na narito pa sa Pilipinas. Ang sabi niya ay naka-migrate na ang iba nilang mga kamag-anak sa Amerika pero alam na rin nila ang tungkol sa amin ni Priamos.

Ayon din kay Priamos ay lahat sa mga relatives nila na nasa Amerika ay uuwi dito sa Pilipinas para dumalo at masaksihan ang kasal namin sa simbahan. Napag-isipan kasi naming dalawa ni Priamos na pagtapos ng graduation ko ay saka na namin aasikasuhin yung pagpapakasal naming dalawa. Nakakuha na nga siya ng wedding planner at ilang mga wedding organizer para wala na kaming masyadong iisipin.

Ilang minuto lang ang biniyahe namin ni Priamos hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang malaking gate na may nagbabantay na dalawang security guard. Sa itaas ng gate ay may nakasulat pang Hacienda de la familia Hiraya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin sa nakasulat na yun meron obvious naman na iba ang lenggwahe nito.

Mukhang ito na rin yata ang tinutukoy ni Priamos na Hacienda nung Tito Guillermo niya. Nang makita naman nung dalawang security guard si Priamos ay pinapasok din nila kami. May tinahak pa kaming mahabang daan kung saan napapalibutan lang ng nagtataasang mga puno. Tumagal pa ng ilang minuto hanggang sa nakita ko na lang kung gaano kaganda at kalawak sa loob.

Natanaw ko na rin ang malaking bahay na may dalawang palapag. At parang may pagka-spanish style ang bahay na yun. Feeling ko nga ay parang ginawa ang bahay na ito nung panahon pa ng Kastila. The house is obviously old but very classy to look at. Hindi lang yung bahay na yun ang nakaagaw sa atensyon ko. Mula sa di-kalayuan ay meron din pala silang malawak na lupain kung saan merong mga kabayo.

Natanaw ko pa nga yung isang lalaki na nakasakay sa kulay brown na kabayo at medyo may kabilisan rin ang takbo nung kabayo ngunit hindi man lang siya nahulog. Halatang sanay na sanay na siyang sumakay sa mga kabayo. Bukod pa dun ay nakita ko rin na may mga nagkalat na mga bodyguards sa buong lugar na ito. Mga nakasuot kasi sila ng black suit, parang Men in Black lang ang datingan. Pero napapa-wow na lang ako dahil ang ganda ng lugar na ito! Hindi ko alam na may ganito palang lugar dito sa Maynila. Akala ko ay sa mga probinsya lang may ganitong klaseng lugar.

"Let's go," rinig kong aya ni Priamos sa akin.

Doon ko lang napagtantong nakahinto na pala ang sasakyan, ni hindi ko man lang din namalayan na nasa labas na pala si Priamos at pinagbuksan pa ako ng pinto. Masyado yata akong naka-focus sa kakatingin sa paligid ko kaya hindi ko napansin na nakababa na pala si Priamos sa sasakyan. Bumaba rin naman agad ako habang nakaalalay sa akin si Priamos. Napaka-presko ng hangin dito, medyo may kalakasan din ang hangin kaya malayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok.

"Priamos!"

Agad na bumaling ang atensyon ko sa tumawag sa pangalan ni Priamos. Isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-40's na ang edad ang s'yang lumabas sa malaking bahay. Malaki ang kanyang pagkakangiti habang papalapit siya sa gawi namin ni Priamos. Nakangiti namang sinalubong ni Priamos yung lalaki at masaya silang nagyakapan. Sa tingin ko ay siya na yata ang Tito Guillermo ni Priamos. Mukha ring nakakatakot tignan yung lalaki dahil medyo masyadong mabigat at matapang ang kanyang awra. Parang ang hirap niyang lapitan at halatang ay pagka-strikto siya.

"Siya na ba si Hannah? Ang asawa mo?" nakangiting tanong ng matanda nang sa wakas ay napansin na rin niya ang presensya ko. Lumapit naman si Priamos sa akin at pumulupot at malaki niyang braso sa aking beywang.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon