KABANATA 25:
HANNAH'S POV
Nagising ako kinabukasan na nakayapos at nakapulupot pa sa akin ang malaking braso ni Priamos sa aking beywang. Nakasubsob pa ang gwapo niyang mukha sa leeg ko at halos gawin na niya akong unan. Putek! Buti na lang ay hindi mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin at mas lalong hindi rin niya ako dinaganan dahil paniguradong pisat ako nito 'pag nagkataon. Malaking tao pa naman itong si Priamos.
Chineck ko ang sarili ko, tanging makapal na kumot lang ang nagtatakip sa hubad kong katawan. Mabuti pa 'tong si Priamos, wala lang siyang suot na damit pang-itaas kaya naman kay aga-aga ay nabusog na agad ang mga mata ko dahil nagtitigasan niyang pandesal. Sumagi naman sa isipan ko yung mga nangyari kaninang madaling-araw. The way he kissed me, touch me and gave me too much pleasure.
Uminit ang buo kong mukha nang maalala ko din kung paano niya kainin ang aking kaselan. Bawat detalye ng mga nangyari kaninang ala-una ay halos tandang-tanda ko pa. Kung paano niya isubsob ang kanyang gwapong mukha sa perlas kong silangan para paligayahin ito. Nag-flashback pa sa akin yung mukha niya kung gaano siya sarap na sarap habang hinahalikan at dinidinilaan ang aking hiwa. Hindi ko alam kung bakit siya sarap na sarap sa pagtikim sa kaselan ko na parang kumakain lang siya nang napakasarap na putahe ng pagkain.
Napailing-iling ako at pilit kong burahin ang mga ginawa ni Priamos dahil nag-iinit lang ang buo kong mukha pati na rin ang aking katawan. Iyon na yata ang pinakamaganda at pinakamasarap na karanasan ko. At isa pang baklang si Priamos ang nagparanas sa akin ng ganun. Sighed.
Tinignan ko ang orasan, alas-diyes na nang umaga. Anong oras na at malapit nang magtanghalian. Paniguradong busy na ang lahat ng mga tao dito sa Mansyon dahil magkakaroon ng welcome party para sa amin ni Priamos imbes na engagement party namin ni Randall ang magaganap. Nawa'y patawarin ako nito ni Randall at ng buong pamilya niya dahil hindi na tuloy ang pagpapakasal namin. Sana mapatawad din nila si lolo at hindi sila magkaroon ng galit sa pamilya namin.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago ko maingat at dahan-dahang tinanggal ang braso ni Priamos na nasa beywang ko. Tagumpay naman ako at hindi ko siya nagising. Jusko, pati ba naman hanggang sa pagtulog ay gwapo pa rin siya? Naalala ko tuloy yung mga sinabi niya sa akin kagabi.
Na inlove na daw siya sa akin at hayaan ko lang siya na maipakita at mapatunayan niya sa akin na totoo ang nararamdaman niya para sa akin. Para tuloy akong tangang nakangiti ngayon dahil kinikilig ako. I'm glad na tulog pa si Priamos dahil kung hindi at nakita niyang nakangiti ako ng ganito ay baka isipin pa niyang nababaliw na ako dahil ngumingiti akong mag-isa.
Bumangon na ako sa kama at saka ko pinagpupulot yung mga damit kong nagkalat sa sahig malapit sa kama. Pinulot ko na rin yung t-shirt ni Priamos na nakasabit sa flower vase at inilagay lang yun sa silya na meron ako dito para mas mabilis niyang makita. Ang mga damit ko naman ay pinaglalagay ko lang sa basket na puro labahan bago ako kumuha ng panibagong damit sa walking closet at pumasok sa loob ng banyo para makaligo na.
It took me a few minutes to shower bago ako natapos. Nagbihis lang ako agad at paglabas ko sa banyo ay masarap pa rin ang tulog ni Priamos. Nakadapa siya sa kama at yakap-yakap ang malambot kong unan kaya naman malaya kong nakikita ang maganda at malapad niyang likod. Grabe! Pwedeng-pwede nang gawing tabla yung likod niya.
Hindi ko na lang siya tinangkang gisingin kaya nag-ayos na lang ako ng sarili ko para naman matulungan ko sila Mommy at lola sa pagluluto nung mga putaheng lulutuin nila. Narito pa naman kami sa probinsya, halos lahat ng mga tao rito ay palaging invited tuwing may nangyayaring okasyon dito sa Mansyon nila lolo kahit na simpleng handaan lang ay marami nang dumadalo especially yung mga bata. Kaya nakakasiguro ako na maraming tao mamaya dito sa Mansyon at marami-rami rin ang lulutuin nila lola na iba't-ibang klaseng putahe ng pagkain.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18