KABANATA 12

16.9K 690 257
                                    

KABANATA 12:

THIRD PERSON'S POV

Gustong maduwal o masuka si Priamos dahil sa mga pinagsasabi niya. Hindi siya makapaniwalang magagawa niyang magpanggap na bakla sa harapan ni Hannah pati na rin sa tatlo nitong baklang kaibigan! Hindi rin siya lubos makapaniwalang magagawa niyang mag-boses bakla para hindi siya mahalata ni Hannah. Paulit-ulit na rin siyang nagmumura ng malutong sa kanyang isipan. Parang gusto na rin niyang takasan ang reyalidad na ito.

Siya? Si Priamos Hiraya na ubod ng gwapo at kakisigan? Isang playboy at fuckboy na marami nang babaeng naikama ay nagpapanggap na bakla? What the fuck! Kung hindi lang talaga siya naiipit sa sitwasyon niya ay hindi niya sana ito gagawin. Kasalanan 'to lahat ng Ate Galadriel niya! Pasalamat na lang talaga si Priamos na wala rito ang mga kaibigan niya dahil kapag nagkataon na kasama niya ang mga ito at narinig ng mga kaibigan niya lalo na si Zeev na nag-boses bakla siya ay baka mamatay na sila sa kakatawa. Baka ay makasuntok pa siya dahil sa labis na inis.

"So, ano palang beki name mo?" narinig ni Priamos na tanong sa kanya ni Hannah.

He looked at her, damn! She's really insanely beautiful! Sinisigaw talaga ng utak niya kung gaano kaganda si Hannah sa kanyang paningin. Nakaupo siya ngayon sa kama ng dalaga at kasalukuyan silang nasa kwarto nito kung saan silang dalawa lang ang magkasama. Hindi naman ganun kalaki ang kwarto ng dalaga, sakto lang ito. Malinis, mabango at maayos ang kwarto nito na kanya naman nagustuhan. Gusto talaga ni Priamos sa babae ay ang masinop at hindi burara.

"Beki name?" nagtataka niyang tanong kay Hannah dahil hindi niya ito naintindihan. Anong beki name? Ngayon lang niya narinig ang ganung klaseng salita.

"Beki name. Ahm, tulad nung kay Harley. Ang totoo niyang pangalan ay Harold pero Harley ang beki name niya. Eh ikaw? Ano ba yung sayo?" anito at saglit pang tumigil si Hannah sa ginagawa nitong pagkalkal sa walking closet para maghanap ng damit pantulog.

"I d-don't know. Wala naman kasi akong beki name," pag-amin niya sabay iwas ng tingin sa dalaga. Totoo naman kasi iyon, wala talaga siyang beki name dahil hindi naman talaga siya bakla.

"Bakit naman wala?" curious na tanong ni Hannah.

Anong isasagot niya? Anong idadahilan niya sa dalaga kung bakit wala siyang beki name? Fuck! Hindi siya agad nakasagot sa tanong nito. Ilang minuto pa siyang nag-isip kung ako ang idadahilan niya, mabuti na lang may naisip siyang palusot.

"Dahil ayaw kong may makaalam na bakla ako kaya wala akong beki name. Alam mo na, maraming judgemental." sagot niya gamit ang pang-baklang boses. He wanted to be cursed in his mind! Pati siya ay nandidiri sa kanyang sarili. Hindi talaga siya makapaniwalang magagawa niya ito.

"Hmm, sabagay. Naikuwento nga sa akin ng Ate mo na ayaw mong may ibang tao na makaalam na bakla ka kasi ayaw mong masira yung pangalan ng pamilya mo. Well, naiintindihan kita. Pero dahil Priamos ang pangalan mo. Ano kayang pwedeng itawag ko sa'yo?" ani Hannah na tila nag-iisip pa kung ano ang itatawag sa kanya.

Hindi akalain ni Priamos na may pagka-madaldal ang dalaga. Para pa ngang may kung anong kasiyahan siyang nararamdaman kapag kausap si Hannah. Lihim pa siyang napangiti. Talagang nag-isip pa ito na pwedeng itawag sa kanya. Mas okay naman sa kanya kung tatawagin siya sa pangalan niyang Priamos, wala namang problema sa kanya yun.

"Aha! Alam ko na, Ria na lang ang itatawag ko sayo. Gusto mo ba yun?" wika ni Hannah bago ito lumapit sa kanyang gawi bitbit ang isang pamalit na damit.

Nangunot naman ang noo ni Priamos, "Ria?" di-makapaniwala niyang sambit sa pangalan na yun kaya tumango ang dalaga sa kanya.

It's a girl's name! At ayaw niya na tinatawag siya sa pang-babae na pangalan. Mas okay pa sa kanya na tawagin siya sa tunay niyang pangalan kaysa sa Ria na yan. Mabilis namang napailing-iling ng ulo si Priamos para iparating kay Hannah na ayaw niyang ipantawag sa kanya yun.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon