KABANATA 3

20.2K 697 197
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think and please, don't say offensive things and languages if you don't like this kind of story. Please excuse foul words in my story. Contains mature scenes. Not suitable for young and innocent readers. Please be warned.

• • •

This chapter is dedicated to: 2008MIKA

KABANATA 3:

HANNAH'S POV

"Class dismissed,"

Nang sabihin nung Professor namin iyon sa buong klase ay nakahinga ako ng maluwag. Ang iba sa mga kaklase ko ay narinig kong mga napa-yes. Yung tatlo ko pang kaibigan ay narinig ko pang napaka-thank you lord. Finally tapos na ang last subject namin ngayong araw kaya makakauwi na kami.

Nagmadali naman ako agad na iligpit ang mga gamit kong nakakalat sa aking lamesa at pinaglalagay iyon sa loob ng aking backpack para makauwi na rin ako. Kapag talaga last subject na namin ay inaantok ako. Ang boring kasi magturo nung Professor namin, matalino nga ngunit wala namang kagana-gana sa pagtuturo.

Napansin ko naman ang iba kong mga kaklaseng babae at mga binabae na nagmamadaling magsitayuan sa kani-kanilang mga upuan at parang mga asong sumunod dun sa Hellion Triplets palabas sa room. Meron pa ngang mga estudyante na nag-aabang sa labas ng room namin at nagsisunuran din sila sa likod nung tatlo.

Napailing-iling na lang tuloy ako ng ulo ko. Well, hindi ko naman masisisi ang tatlong magkakambal na yun. Hindi biro ang kasikatan nilang tatlo, talagang sikat na sikat sila maski kahit sa iba't-ibang school. Madalas ko pa ngang nakikita sa post nung mga Facebook friends ko ang mga stolen shot picture nila Lorcan maski yung dalawa pa niyang kakambal.

Kahit saang anggulo gwapo pa rin. Pero kahit na anak pa man sila ng mga greek gods o hindi kaya ay makikisig na mga nilalang ay playboy sila at mga fuckboys kaya isa silang malaking ekis sa akin. Ako nga lang yata ang hindi tinatablan sa alindog nung tatlong magkakambal na yun.

Marahil ay simula nang lokohin ako ng magaling at bwisit kong ex nang dalawang beses kaya lumaki ang galit ko sa mga lalaki. Nawala ang tiwala ko at doon rin nagsimula ang pagiging man-hater ko. Except nga lang sa mga Kuya ko, sa mga pinsan kong mga lalaki at sa mga bakla.

To be honest, mas malaki pa ang binibigay kong tiwala sa mga bakla kaysa sa mga lalaki. Mas masaya pa nga silang kasama. I also prefer to be with gays than boys. Gays are reliable, trustworthy, optimistic and will make you laugh while some boys are a big asshole, such a liars and dramatic. Suck life. No offense to the boys out there, I'm just telling the truth.

"Ano, tara na? Uwing-uwi na ako dito oh?" wika ni Carla sa amin at pagtingin ko sa kanya ay nakita kong suot na niya ang kanyang bag. Obvious na uwing-uwi na rin siya tulad ko.

Tumayo naman agad ako nang matapos kong ilagay lahat ng mga gamit ko sa aking bag. Halos kami na lang din ang naiwan dito sa room kasama ang ibang mga lalaki samantalang ang ibang mga girls ay nasa labas na at ang iba ay nag-uunahan pa.

"Let's go? Para maaga tayong makauwi ngayon sa dorm," aya ko kina Harley at Devina dahil sila na lang ang hinihintay namin.

Nagsitayuan na rin naman silang dalawa at agad na rin kaming lumabas sa room. Napansin naming apat na nagkakagulo ang mga girls sa hallway. At ang dahilan ng pagkakagulo nila? Well, sino pa nga ba?

"Grabe, sikat na sikat talaga ang Triplets na yan 'no?" turan ni Devina sa amin.

Tinignan ko ang ibang mga babae na nakikipagsiksikan para lamang makalapit dun sa Triplets. Hindi naman sila masyadong lumalapit o dumidikit dun sa tatlong magkakambal dahil alam siguro nilang ayaw na ayaw nung isa sa mga kambal na si Lucian na nasasagi siya o nagigitgit kahit pa malaki siyang lalaki.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon