KABANATA 34:
HANNAH'S POV
Sobra-sobra ang kaba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko at mas lalo namang hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Randall yung totoo tungkol sa pagpapanggap naming dalawa ni Priamos. Natatakot ako na baka isumbong niya kami kila lolo at kapag nangyari yun, baka maisipan pa nila lolo na ipakasal ako dito kay Randall dahil hindi ko naman talaga totoong asawa ni Priamos.
"Hannah, totoo ba na hindi kayo mag-asawa ng lalaking 'to? Totoo ba na nagpapanggap lang kayong dalawa?" muling katanungan ni Randall sa akin.
"A-ahm, kasi ano.." sambit ko ngunit hindi ko magawang mabuo ang sasabihin ko. Sobrang lakas na nang kabog nitong puso ko dahil sa takot at kaba. Ayokong masira ang mga plano namin ni Priamos.
"Ano naman bang pakialam mo kung sakaling nagpapanggap kami ni Hannah o hindi?" nakakunot-noong tanong ni Priamos.
"So nagpapanggap nga lang kayong dalawa na mag-asawa. Bakit Hannah? Dahil ba sa ayaw mong maikasal sa akin, ganun ba?" ramdam ko sa bawat bigkas ng salita ni Randall ang matinding galit. Akma pa niya akong lalapitan na animo'y sasaktan, mabuti na lamang ay mabilis akong hinatak ni Priamos at itinago niya ako sa malapad niyang likuran.
"Go, Hannah. Mauna ka nang sumakay sa kotse," seryosong utos ni Priamos sa akin kaya agad akong tumalima. Kahit natatakot ako ay nagawa ko pa ring ihakbang ang dalawa kong paa papunta sa passenger seat. Pero bago pa ako makasakay sa kotse ni Priamos ay may pahabol pang sinabi sa akin si Randall.
"Magpakasaya muna kayo nitong lalaking 'to, Hannah. Sisiguraduhin ko na malalaman 'to nila lolo lalong-lalo ng pamilya mo na nagpapanggap lang kayong dalawa ng hayop na 'to! Sasabihin ko sa kanilang lahat yung totoo!" sigaw niya pero hindi ko siya pinakinggan kahit pa na dumoble ang takot ko nung magbanta siya.
Dali-dali akong sumakay at isinuot ang seatbelt. Agad rin namang sumakay si Priamos sa driver seat at pinaandar ang makina ng kotse niya. Pinasadahan ko lang ng tingin si Randall na nasa labas at masama ang kanyang mga tingin hanggang sa umalis na kami ni Priamos doon. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago ko tinignan si Priamos nang masuyo niyang hawakan ang aking kamay.
"Don't worry, hindi ko hahayaan na mapaghiwalay tayo ni Randall kahit pa na sabihin pa niya sa lolo mo ang totoo." aniya ngunit mas lalo lang akong nababahala.
"Pero paano kung malaman ni lolo na nagpapanggap lang tayong dalawa at ipagpilitan niyang magpakasal ako kay Randall?" nag-aalala kong tanong.
"Of course, I will not let that happen misis ko. Alam ng mga Cortez lalo na ang lolo ni Randall kung sino ako. May kalalagyan sila kung sakaling pumayag sila na ipagpilitan ng lolo mo na ipakasal ka kay Randall. Remember the day they found out who I was? Hindi ako tatangkain ng mga Cortez na banggain. They know that the Hiraya family is influential kaya paniguradong matatakot silang banggain ako. Takot silang maghirap at mawala lahat ng mga pinaghirapan nila," mahaba niyang sabi.
Ni parang hindi man lang nababakasan ng pagkabahala o takot si Priamos. Hindi man lang siya kinakabahan sa pwedeng mangyari once na magsumbong si Randall kila lolo at malaman ng buong pamilya ko na nagpapanggap lang kaming dalawa ni Priamos. Paniguradong magagalit silang lahat sa akin lalong-lalo na sila lola dahil nagawa kong magsinungaling sa kanila. I lied to them dahil ayokong maikasal kay Randall.
"Trust me, misis ko. Just trust me," tanging nasambit ni Priamos bago niya masuyong hinalikan ang likod ng aking palad kaya tumango na lang ako kahit na narito pa rin sa dibdib ko ang matinding kaba.
Maya-maya lang ay nakarating na din kami sa bahay niya. It's a two-storey house. Pansin ko rin agad kung gaano ito kalaki at sapat na para tumira dito ang isang malaking pamilya. Black and white naman ang exterior design, simple ngunit napaka-elegante kung titignan. Mayroon ding gate na hindi naman gaanong kalakihan at meron ding garahe. Hindi ito ang bahay nila Ate Galadriel, minsan na rin kasi akong nakapunta sa bahay nila at iyon yung panahon na hindi ko pa nakikilala si Priamos.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18