KABANATA 31:
HANNAH'S POV
Lahat kami ay nakahanda na ngayon sa pagbalik namin sa Maynila. Ipinaglalagay naman agad nila Harley ang mga gamit nila sa Van nila Ate Galadriel dahil sa kanila sila sasabay pauwi ngayon. Anong oras na din ako ng nagising kanina dahil sa pag-iisip sa mga narinig kong mga pinag-uusapan nila Priamos at ng mga kaibigan niya kagabi. Hindi na kasi ako maayos na nakabalik sa pagtulog kagabi. Kaya naman akala tuloy nila Mommy ay kaya ako nalate ng gising ay dahil sa dulot ng pagbubuntis ko.
"Wala ka na bang nakalimutang gamit?" dinig kong tanong ni Priamos sa akin.
I just nodded my head at him. Alam kong kanina pa siya nagtataka kung bakit medyo iwas ako sa kanya ngayon. Mula talaga ng paggising ko kanina ay tipid na akong sumasagot sa kanya sa tuwing nagtatanong niya sa akin. Agad rin akong umiiwas sa kanya kapag magtatangka siyang humalik sa akin o kahit na yayapos lang siya sa akin. Napansin iyon nila Kuya Amir kaya akala nilang lahat ay nagtatampo ako kay Priamos dahil anong oras na itong nakauwi kuno kagabi. Pero ang hindi nila alam ay alam ko na ang pinakatinatagong lihim ni Priamos. Nagpapanggap lang siyang bakla at totoong lalaki siya.
Kaya una palang talaga ay hindi ako lubos makapaniwala nung sabihin ni Ate Galadriel sa akin na bakla si Priamos. Pero nung first encounter naming dalawa ni Priamos nung nasa Idle Desire kami ay halatang-halata na lalaki siya. Sa tindig palang ng pangangatawan niya maski ang kanyang aura ay nakikita ko nang lalaki siya. Pero naniwala pa rin ako sa mga kasinungalingan ni Ate Galadriel na bakla ang kanyang kapatid. I think kailangan kong kausapin si Priamos tungkol dito bago ko kausapin si Ate Galadriel. Sakto ay pauwi na kami sa Maynila kaya makakapag-usap kami nito ng maayos.
"Mag-iingat kayo sa biyahe ah? Kapag nagkaroon kami ng time ng Daddy mo ay agad namin kayong dadalawin ng asawa mo, okay?" paalala sa akin ni Mommy kaya marahan akong tumango sa kanya.
"Okay, Mom. Basta mag-iingat na lang po kayo nila Dad dito. Tumawag po kayo agad sa akin kapag nagkaroon kayo ng problema dito. And about po sa graduation ko," sambit ko sa kanya.
Malawak naman niya akong nginitian at bahagyang hinaplos ang aking braso. Ngiti din ang ipinakita nila Dad at Kuya Eros sa akin. Next month na ang graduation namin kaya pinapaalala ko iyon sa kanila. Syempre gusto kong makarating at makadalo sila sa araw ng graduation ko. Gusto ko na makita nila ako mismo na umakyat sa stage habang hawak-hawak ang aking diploma.
"Don't worry, iha. Hinding-hindi namin makakalimutan yung graduation mo. Pero huwag mong kalimutan yung sarili mo ah? Wag kang masyadong magpapapagod para hindi mapahamak ang baby niyong dalawa ni Priamos. Alam ko na mahirap ang stage ng pagbubuntis lalo na ang mga katulad mong first time Mom dahil naranasan ko na rin yan pero para na rin yan sa magiging anak niyong dalawa ng asawa mo kaya dapat kayanin mo at tiisin mo," aniya kaya saglit akong hindi agad nakasagot.
"Tama si Mom, bunso. Mag-iingat ka at ingatan mo din yung pamangkin ko na nasa sinapupunan mo," wika naman ni Kuya Chester sa akin. Sinundan ko naman ng tingin si Kuya Miles dahil lumapit pa siya sa tiyan ko na hindi naman kaliitan bago niya itapat ang kanyang kaliwang tenga roon.
"Hello, baby. Alam ko na hindi mo pa ako naririnig pero gusto ko lang malaman mo na ako ang pinakagwapong kapatid ng Mommy mo," ani Kuya Miles kaya nabatukan tuloy siya nila Kuya Amir samantalang ako ay natawa na lang ng mapait. Wala akong masabi, nako-konsensya na talaga ako. Halos hindi na nga rin ako mapatulog ng konsensya kong ito. I made them believe that my husband was Priamos and I was pregnant. Paniwalang-paniwala sila sa mga kasinungalingan ko.
"Huwag mong masyadong pahihirapan si Mommy mo ah? Kumapit ka lang din ng mahigpit para kapag iniluwal ka na ng Mommy mo sa mundong ito ay makikita mo na rin ang pinakagwapo mong Uncle. Mag-iingat kayo ni Mommy mo okay?" sambit pa ni Kuya Miles bago niya inalis ang pagkakatapat ng tenga niya sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18