KABANATA 39:
HANNAH'S POV
Puting kisame ang agad bumungad sa akin nang idilat ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan at medyo nahihilo pa ako. Naririnig ko rin na may mahihinang boses na nag-uusap kaya inikot ko ang aking tingin sa kwartong kinaroroonan ko hanggang sa nakita ko sila Priamos na seryosong kinakausap sila Daddy. Lahat sila ay seryoso, ganun din si lolo na tila may malalim pang iniisip.
Nandito rin sila Kuya na kahit seryoso ang kanilang mga mukha ay bakas naman ang labis nilang pag-aalala. Pare-parehas namang nakatayo sa isang gilid ang mga kaibigan ni Priamos na sila Thorn. Doon ko lang din napagtantong may nakakabit na dextrose sa kaliwa kong kamay. Saka ko lang narealize na nasa hospital ako dahil sa mga kagamitan na nakikita ko. Ano bang nangyari? Anong ginagawa ko dito sa hospital?
"A-anong nangyari?" naguguluhan kong tanong sa kanila at nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat. Mabilis naman silang nagsilapitan sa akin. Sila Kuya Eros na nakaupo sa sofa ay mabilis na tumayo at lumapit din sa akin.
Masuyong hinawakan ni Priamos ang kamay ko at hinalikad ito, "Thanks, God! You are finally awake! Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" tanong ni Priamos at parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang makita niyang gising na ako.
"B-bakit? Ano bang nangyari? Bakit ako nasa hospital?" tanong ko sa kanila.
"Hindi mo ba natatandaan ang mga nangyari, apo? Dinugo ka at pagtapos ay nawalan ka ng malay kaya sinugod ka namin agad dito sa ospital," ani lola.
Bigla namang sumagi sa isipan ko yung nangyari sa Mansyon. Naalala ko yung ginawang pagsampal ni Randall sa akin at sinikmuraan din niya ako. Iyon kaya ang naging dahilan kung bakit ako dinugo? Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako dinugo.
"Anong sabi ng doktor? Anong dahilan kung bakit ako dinugo?" tanong ko sa kanila.
"Wala pa kaming balita, pero maya-maya lang ay darating na rin si Doc para sabihin yung resulta kung bakit ka dinugo. Sa ngayon, kailangan mo lang muna magpahinga at huwag ka rin munang masyadong kumilos," ani Priamos kaya bumuntong-hininga ako.
"S-si Randall pala?" I asked nang maalala ko ang lalaking yun. Ano kayang nangyari sa kanya? Sa pagkakaalala ko ay halos patayin na siya ni Kuya Amir sa suntok dahil sa ginawa niya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang mapagbubuhatan niya ako ng kamay. Ramdam ko pa ang paglapat ng kamay niya sa pisngi ko.
"Huwag mo ng isipin ang gagong lalaking yun, bunso. Hinding-hindi na siya makakalapit sayo. He's crazy! Nagawa ka niyang sampalin at sikmuraan!" galit na asik ni Kuya Amir.
"Don't worry, I filed a lawsuit against him. I filed a physical assault on him for what he did to you, bunso. Ang lakas ng loob niya na pagbuhatan ka ng kamay sa loob ng pamamahay natin," ani Kuya Eros na halatang galit na galit pa rin.
"Yeah yeah, tama kayo diyan. Dapat talagang makulong ang lalaking yun! Yes, playboy ako pero hindi pa rin tama na pisikal na saktan ang isang babae. Mabuti na lang din sumama kami dito kay Priamos. Dahil kung hindi, baka hindi na namin siya naawat." sabat ni Zeev na ikinakunot ng noo ko. Para kasing may kahulugan ang sinabi niya.
"What do you mean?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Muntik nang mapatay ni Priamos si Randall. Nang malaman kasi niya na pinagbuhatan ka ng kamay nung lalaking yun, ayun! Tinadtad niya ng maraming suntok si Randall. Kung hindi pa kami umawat, paniguradong pinaglalamayan na ang gagong yun ngayon." pagkukwento ni Zeev kaya mabilis na bumaling ang tingin ko kay Priamos na seryoso pa din ang mukha.
"Of course he deserves to be punched! He fucking hurt my wife kaya nararapat lang sa kanya na bugbugin ko siya," nanggigigil na turan ni Priamos. Masuyo ko namang hinawakan ang kamay niyang nanginginig pa sa sobrang galit. Doon ko din nakita ang dalawa niyang kamao na may sugat at namumula pa, siguro ay dahil sa pagsuntok niya kay Randall.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18