KABANATA 20:
HANNAH'S POV
Lahat sila ay tahimik lang na nakaupo sa sofa, kasalukuyan kaming narito sa sala para pag-usapan namin yung tungkol sa amin ni Priamos. Syempre, kahit papaano ay huminahon na si lolo at binitawan na rin niya ang kanyang baril. Iyon nga lang ay madramang umiiyak si lolo habang si lola naman ay tuwang-tuwa nang malaman niyang may apo na siya kahit hindi naman talaga totoo ang pagbubuntis ko.
"Ala eh, masaya ako para sa inyong dalawa apo. Ewan ko ba kasi dito sa lolo mo, naisipan ka pa niyang ipagkasundo dun sa apo ni Mr. Cortez! Tignan mo nga oh, napakagwapo nitong asawa mong si Priamos! Paniguradong magiging maganda at gwapo itong magiging apo ko!" masayang sambit ni lola habang wala siyang tigil sa paghimas dito sa tiyan kong maliit pa.
Nako-konsensya tuloy ako dahil kitang-kita ko talaga sa mga mata ni lola ang labis na kasiyahan dahil sa pag-aakala niyang may magiging apo na siya kahit wala naman. Tatanggapin ko na talaga na mapupunta ako nito sa impyerno dahil sa pagsisinungaling ko sa buong pamilya ko lalo na sa mga sarili kong mga magulang at mga kapatid.
"Sabihin niyo nga sa akin, totoo na talaga na dalawang buwan na kayong kasal?" pagtatanong ni Kuya Eros sa amin. Nakaupo sila sa kabilang sofa na kaharap lang naming dalawa ni Priamos.
"Yes, kasal na kami. Gusto niyo ba na may maipakita kami sa inyo ni Hannah ng proof? Our marriage certificate?" sagot ni Priamos sa kanya.
Agad namang napailing-iling ng ulo si Kuya Eros sa kanya, "No need. May tiwala naman ako dito sa bunso naming kapatid kaya naniniwala ako na mag-asawa na kayong dalawa." aniya kaya mas lalong dumoble ang nararamdaman kong konsensya. Talaga nga namang mabilis umatake ang konsensya, huwag lang sana akong karmahin sa pagsisinungaling kong ito sa kanila.
Hindi ko naman kasi gagawin ito kung hindi lang sana ako ipinagkasundo ni lolo na ipakasal sa apo ni Mr. Cortez na si Randall. Sana balang araw, kung sakali man na malaman nila ang katotohanan ay sana maintindihan nila kung bakit ko ito ginawa at sana mapatawad nila ako lalong-lalo na sila lolo.
Alam kong mali ang magsinungaling pero kailangan ko lang 'tong gawin para hindi ako matali sa bwisit na Randall na yun. Nawala ang malalim kong pag-iisip dahil sa narinig ko ang pag-iyak ni lolo na parang isang bata. Inaalo naman siya nila Mommy para mapatahan siya.
"Ala eh, ano na lang ang sasabihin ko nito kina Mr. Cortez? Paano ako magpapaliwanag sa kanila ngayon, gayung kasal at buntis na pala itong apo kong si Hannah?" tila madramang sambit ni lolo kahit na wala naman akong nakikitang luha sa kanya. Umaakto lang siyang umiiyak at nag-kunwari pa siyang nagpunas ng mata.
"Syempre naman Vandolf, sabihin mo agad sa pamilyang Cortez ang totoo. Alangan naman na ipanganak nitong apo nating si Hannah ang anak niya na hindi man lang nakikita ang tunay niyang ama? Honey naman, huwag na lang nating ipilit na ipakasal si Hannah kay Randall. Kasal na ang apo natin, magkakaapo na rin tayo sa tuhod. Hindi ka ba masaya?" mahabang turan ni lola sa kanya.
Huminto si lolo sa pag-iiyak kuno at masama niyang tinignan itong si Priamos. Kulang na lang ay patayin na niya si Priamos sa paraan ng masama niyang tingin. Ang mga Kuya ko nga ay nawala na ang masasama nilang tingin dito kay Priamos nang malaman nilang buntis ako kahit hindi naman totoo. Pero si lolo naman ang pumalit sa kanya.
"Ala eh, kasalanan mo 'to lalaki! Kung hindi mo lang sana pinakasalan at binuntis ang apo ko, hindi sana mangyayari 'to!" paninisi ni lolo kay Priamos.
"Of course sir, mabubuntis ko po talaga ang apo niyo. She is already my wife, sir. May family planning na rin po kami kaya nasa plano naming dalawa ang magkaroon po ng anak," magalang na sagot ni Priamos pero nahihimigan ko na may pagka-sarcastic siya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
قصص عامة6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18