KABANATA 30:
HANNAH'S POV
Naalimpungatan ako bigla at madilim na kwarto ang unang bumungad sa akin nang idilat ko ang dalawa kong mata. Sinindi ko ang lampshade at agad ko namang tinignan ang orasan na nakasabit lang sa dingding para alamin kung anong oras na ba, pasado alas dos palang pala ng madaling araw. Kaya pala madilim pa sa labas nang tumingin ako sa bintana. Ngayon ko lang ding napagtanto na ako lang ang mag-isa dito sa kwarto. Hindi pa ba nakakauwi sila Priamos?
Bumalik na kasi agad sila Ate Galadriel sa kani-kanilang mga kwarto matapos naming tapusin na panoorin yung horror film na Slither. Naka-tatlong movie rin kami pero dahil inantok na ang mga bakla ay agad din silang nagsipasukan sa mga kwarto nila para makatulog na.
Bumangon ako sa kama at chineck ang cellphone kong nakapatong sa side table. May text message akong natanggap galing kay Priamos kaya dali-dali ko naman itong binasa. Ang sabi niya ay male-late silang makakabalik dito sa resort pero three hours ago pa itong text niya. Hindi kaya ay naroon pa din sila sa hospital hanggang ngayon? Kamusta na kaya yung kalagayan nung kaibigan nila?
Nawaglit ang iniisip ko tungkol dun sa kaibigan nila Priamos nang nakaramdam ako bigla ng pagka-uhaw kaya nagpasya akong magtungo sa kusina para makainom ng tubig. Tahimik akong lumabas ng kwarto at mabilis na naglakad pababa sa hagdanan. Napakatahimik ang buong mala-bahay na cottage na ito, malamang ay tulog na ang mga kasama ko ngunit naririnig ko naman sa labas yung hampas ng dagat. Madilim din ang paligid ko pero ligtas naman akong nakarating sa kusina. Agad kong kinapa yung switch at sinindi ang ilaw bago ako lumapit sa refrigerator para kumuha ng tubig.
Nang matapos kong makainom ng tubig ay agad rin naman akong lumabas sa kusina at paakyat na sana ako sa hagdanan nang may marinig ako sa labas na nag-uusap. Ano yun? Tama ba yung narinig ko? Bakit parang may tao yata sa labas ng cottage na nag-uusap? Dahil sa mabilis akong atakihin ng kuryosidad ay dahan-dahan akong nagtungo sa terrace dahil doon ko naririnig yung may nag-uusap, imbes na dumiretso na ako sa kwarto.
Maingat ang bawat hakbang ko, baka kasi may nakapasok na magnanakaw dito at balak nilang loobin itong cottage para nakawan kami habang mahimbing na natutulog yung mga kasama ko. Mabuti na lang talaga ay nagising ako. Kailangan kong i-check kung sino yung naririnig kong mga mahinang nag-uusap para makasiguro ako kung magnanakaw ba yun o baka gising pa sila Kuya Amir.
Dahil gawa naman sa salamin yung slide door patungo sa terrace ay hindi ko na kailangang lumabas pa para tignan kung sino yung mga nag-uusap, medyo nakabukas rin naman yung slide door kaya sumilip na lang ako at mas naririnig ko na rin yung mga boses nilang napaka-pamilyar sa akin.
"Are you serious, dude?"
Pagsilip ko palang ay si Perseus na agad ang una kong nakita at siya rin ang aking narinig na nagsalita. Malinaw ko na ring naririnig yung mga boses nila kahit pa na nasa labas sila ng terrace. Isa-isa ko silang tinignan, sila Thorn yun at naroon din si Priamos. Nakabalik na pala silang lahat dito sa resort. Pero bakit mga gising pa sila?
Nasagot naman ang katanungan ko nang makita ko ang tig-iisa nilang bote ng alak na nakapatong sa pabilog na lamesa habang sila Priamos ay nakaupo sa silya na gawa sa bakal. Mukhang seryoso din ang pinag-uusapan nilang magkakaibigan base na rin sa mga itsura nila. Dahil ba kaya yun sa kaibigan nilang isinugod sa hospital?
"Are you really in love with Hannah? Hindi ka ba nagbibiro diyan, Priamos?"
Akma na sana akong aalis dahil masamang makinig ng patago sa pinag-uusapan ng ibang tao pero nahinto ako sa paghakbang paalis nang biglang binanggit ni Thorn yung pangalan ko sa pinag-uusapan nila. Muli akong sumilip sa labas at parang may tumutulak sa akin na makinig sa kung ano man ang pinag-uusapan nilang magkakaibigan. I'm glad na madilim dito sa pwesto ko kahit na walang kurtina itong slide door kaya kahit papaano ay hindi nila napapansin na nandito ako at palihim ko pa silang pinapakinggan.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
General Fiction6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18