KABANATA 42

16.9K 619 176
                                    

KABANATA 42:

HANNAH'S POV

Masayang kasama at kakuwentuhan ang mga kamag-anak ni Priamos. Hindi rin nila ako hinayaan na ma-out of place. Pinakita at pinaramdam nila sa akin na welcome na welcome ako sa pamilya nila. Ang dami rin nilang ikuwento sa akin tungkol kay Priamos. Na kesyo na akala nila ay hindi na daw makakapag-asawa si Priamos dahil nga playboy ito at parang wala pang balak na mag-asawa. Talagang mga nagulat daw sila nang mabalitaan nilang may asawa na daw si Priamos.

Kahit na kasal na kami ni Priamos sa papel ay meron pa rin namang magaganap na wedding ceremony kaya excited na ang mga relatives ni Priamos sa magaganap na kasalan sa simbahan. Masaya din sila na dumating daw ako sa buhay ni Priamos. Nakita kasi daw nila mismo ang pagbabago ng asawa ko. Simula nang dumating ako sa buhay niya ay never na itong nambabae. Kahit nga si Ate Galadriel ay naging emosyonal pa dahil sa pagbabago ni Priamos. Sa wakas ay naging matino na daw ang kanyang kapatid. Mula sa pagiging playboy at fuckboy, naging ganap na siyang ama at alam kong magiging responsableng asawa at ama si Priamos.

Pagtapos naming makipag-bonding sa mga kamag-anak ni Priamos ay nagpasya na rin kaming dalawa na umuwi na habang baon namin ang matamis naming mga ngiti. Hawak-hawak pa nga ni Priamos ang kamay ko habang paulit-ulit niyang pinapaulanan ng maliliit na halik ang likod ng aking palad.

"Baka mabangga tayo nito kung isang kamay lang ang gamit mo sa manibela," natatawa kong sabi sa kanya. Pero infairness, ang hot niyang tignan kapag isang kamay lang ang ginagamit niya sa manibela habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko.

Mahina naman siyang tumawa at saglit lang akong tinignan, "Hindi tayo mababangga, trust me." paniniguro niya sa akin.

Ilang minuto ko pa siyang tinititigan at habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya ay mas lalo lang siyang gumagwapo sa paningin ko. Naka-side view siya sa akin kaya kitang-kita ko ang matangos niyang ilong. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Bahagya akong lumapit sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. Unti-unti namang lumapad ang pagkakangiti ni Priamos nang gawin ko yun habang ang buo niyang atensyon ay nasa pagmamaneho.

"Ang gwapo mo," walang kahiya-hiya kong sabi. Halos hindi na kami mapaghiwalay ni Priamos kaya naman habang tumatagal na magkasama kami ay mas nagiging komportable na ako sa kanya. Sa kanya lang ako naging komportable ng ganito. Hindi rin ako nahihiyang ipakita ang pagiging sweet ko sa kanya.

"At maganda ka naman," banat naman niya kaya ako naman ngayon ang malapad na ngumiti. Hindi ko rin napigilan na halikan ang kanyang leeg at amoy-amuyin siya. Napansin ko naman na parang naestatwa siya sa kanyang kinauupuan. Ewan, gustong-gusto ko talaga ang amoy ni Priamos. Parang gusto kong palaging nakadikit sa kanya at singhutin ang kanyang amoy.

"Ang bango mo pa," sambit ko pa habang hindi ako tumitigil na amuyin ang kanyang leeg pati na rin ang kanyang balikat at dibdib. Sobrang bango niya, nakakaadik amuyin.

"S-stop it, misis ko. Baka tuluyan tayong mabangga nito," suway niya sa akin pero nagbingi-bingihan ako. Hindi ako tumigil at mas lalo ko pa siyang inamoy-amoy.

"I can't stop myself, mister ko. Sobrang bango mo talaga," tila parang bata kong sabi sa kanya.

Ako ba ito? Kailan pa ako naging ganito? Hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko. Parang may dalang mahika itong si Priamos kaya hindi ko mapigilan na singhutin ang kanyang katawan. Itong mga nakaraang araw ay napapansin ko talaga na ginagawa ko ito kay Priamos. Palagi pa nga akong nakalingkis sa kanya na parang tuko.

"S-stop, nakikiliti ako." aniya kaya natawa ako. Kaya pala kada inaamoy ko ang leeg niya ay para siyang kiti-kiti na hindi makapali. Yun pala ay malakas ang kiliti niya sa leeg.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon