KABANATA 6

18K 693 192
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think and please, don't say offensive things and languages if you don't like this kind of story. Please excuse foul words in my story. Contains mature scenes. Not suitable for young and innocent readers. Please be warned.

• • •

This chapter is dedicated to: asahinaukyo18

KABANATA 6:

THIRD PERSON'S POV

Hindi maipinta ang mukha ni Priamos at wala rin siya sa mood. Mula talaga nang malaman niyang balak siyang ipakasal ng Ate Galadriel niya sa babaeng hindi niya mahal ay lagi na siyang nakakunot ang noo. Hindi siya makapaniwala na may kakayahang pumirma ang ate niya sa kasunduan na iniwan nung Daddy nila noon bago ito masangkot sa aksidente kasama ang kanilang ina hanggang sa bawian sila ng buhay.

'Fuck!' galit na mura niya sa kanyang isipan. Wala siyang magawa kundi magmura na lang sa kanyang isipan.

Palagi na lang siyang pinapakialamanan ng kapatid niya. Malaki na siya at hindi na rin siya bata para mangialam ang Ate niya sa lahat ng mga gusto niyang gawin. Ngayon ay hindi tuloy niya alam ang kanyang gagawin once na pumirma ito sa kasunduan para ipakasal siya sa anak na babae nung kumpare ng Daddy nila. At iyon ang pinaka-ayaw niyang mangyari!

"Anong nangyari sayo, Priamos? Kanina ka pa nakakunot-noo diyan, hindi rin halos maipinta ang pagmumukha mo?" rinig niyang tanong ng kaibigan niyang si Jaeger.

Kasalukuyan silang nakatambay sa Idle Desire at nagpapakalunod sa alak. Matapos kasi nilang tulungan ang kaibigan nilang si Alessandro ay nag-usap usap silang magkakaibigan na magkita-kita sa resto bar para mag-inuman.

"Well, talagang hindi maipipinta ang mukha niya dahil anytime ay pwede siyang maikasal sa babaeng hindi niya mahal." sagot ni Zeev at tumawa pa ito ng nakakaloko para mas lalo siyang asarin.

Napailing-iling na lang siya bago niya nilagok ang natitirang alak sa bote niya. Gusto niyang magpakalunod sa alak ngayon hanggang sa malasing siya. Para kahit papaano ay mawala ang inis niya sa kanyang kapatid.

Hindi naman siya tanga kaya alam niyang binablack-mail siya ng Ate Galadriel niya. Once na hindi siya tumino at malaman na naman nito na may babae na naman siyang niloko at kinama, paniguradong hindi magdadalawang isip ang ate niya na pumirma sa kasunduan hanggang sa tuluyan na siyang maikasal.

"Are you getting married? Aba, uunahan mo pa yata ako, Priamos!" natatawang turan ni Jaeger sa kanya dahilan para magtawanan ang mga kaibigan niya.

Kulang silang magkakaibigan ngayon, ang iba kasi ay nasa out of town para asikasuhin ang kani-kanilang mga trabaho kaya naman iilan lang silang magkakasama ngayon dito sa Idle Desire.

"Have you found your girl yet? Hindi ba't may pinapahanap kang babae sa private investigator? I just heard that from Zeev," tanong niya sa kaibigan.

Nabalitaan kasi ni Priamos na may hinahanap na babae ang kaibigan nilang si Jaeger at naikuwento lang sa kanya iyon ni Zeev. Nalaman din niyang first love ito ni Jaeger.

"Yup, I found her. Nasa Cebu siya pero hindi ko pa siya napupuntahan. Nakiusap kasi sa akin si Ciara na bigyan ko daw muna sila ng time ni Summer. Pero nahanap na ng private investigator ko kung saan siya nakatira." mahabang sagot ni Jaeger kaya napatango-tango siya.

Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman kung ano ang nangyayari sa buhay nilang mga magkakaibigan. Tulad na lamang nitong si Jaeger, sa katunayan nga niyan ay nakilala lang nila si Jaeger sa main resto bar ng Idle Desire which is si Jaeger rin ang nagmamay-ari. Ito ang nagse-served sa kanila ng inoorder nilang alak, suki rin sila sa Idle Desire hanggang sa nabuo ang pagkakaibigan nila.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon