KABANATA 21

16.7K 629 184
                                    

KABANATA 21:

HANNAH'S POV

Heto na naman ang kakaibang pakiramdam na tanging si Priamos lang ang nagpaparamdaman sa akin nito. Sobrang gaan talaga ng kanyang halik, ang sarap at napaka-banayad kaya feeling ko ay dinadala na naman niya ako sa alapaap. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Am I in love with him? Bakit ang bilis naman yata? At saka bakla siya! Pilit nagsusumigaw sa utak ko na isang bakla si Priamos, pero lintek na puso 'to! Bakit gusto ko yata na maging lalaki na lang siya?

"Kiss me back, wifey." paos niyang anas nang maghiwalay saglit ang mga labi namin.

"W-wifey?" nagtatakang kong tanong sa kanya.

Matamis niya akong nginitian habang magkalapit pa rin ang mukha naming dalawa sa isa't-isa. Patuloy pa rin sa paghaplos ang kamay niya sa aking leeg papunta sa batok ko. Hindi ko alam, para akong nadadarang kay Priamos at feeling ko ay mas lalong dumoble ang nararamdaman kong boltahe ng kuryente na dumadaloy sa kaibuturan ng aking katawan.

"Yes and from now on I will call you wifey because you are my wife." turan niya, "And you, I want you to call me hubby." dagdag niya pa bago niya ako muling siilin ng halik sa labi.

The heck! Bakit ganito si Priamos ngayon? Bakit parang ibang-iba siya? At saka bakit niya nadadala itong bugso ng damdamin ko? Kusa akong napapikit ng mata dahil sa sarap ng halik niya. Sobrang lambot talaga ng labi niya at ang bango pa ng kanyang hininga. Parang hindi man lang siya kumain ng isda kanina.

Akala ko ay simpleng halik lang ang ibibigay niya kahit na gulong-gulo na ang puso't-isipan ko dahil hinahayaan ko ang isang tulad ni Priamos na bakla na halikan ako. Suminghap ako nang mahina niyang kinagat ang aking ibabang labi. Dahil sa pagsinghap ko ay bahagyang bumuka ang aking bibig kaya naman malayang pumasok ang mapangahas niyang dila.

His tongue began to travel inside my mouth. Parang may kung ano siyang hinahanap sa loob ng bunganga ko hanggang sa natagpuan niya ang dila ko. I gasped as he sucked my tongue. First time ko ito, first time kong maranasan ang ganitong klaseng halik. Ang tanging alam ko lang ay nagugustuhan ko itong paraan ng halik niya kahit na hindi ako marunong humalik.

"You don't know how to kiss yet," wika niya nang muling maghiwalay ang mga labi namin kaya pinamulahan ako ng mukha, "Gayahin mo lang ako," dagdag niya pa.

Shit na yan! Bakit nagagawa niya akong mapasunod sa kanya? Parang wala akong lakas na itulak siya at pigilan itong ginagawa naming halikan ngunit bakit tila gustong-gusto ko pa? Parang may gusto pa akong maranasan at maramdaman, parang gusto ko ng higit pa sa halik. Tama pa ba ito? Nasa tamang pag-iisip pa ba ako?

Muli na naman akong napasinghap sa sunod niyang ginawa, ang kamay niya kasing nasa beywang ko lang ay bigla na lamang napunta sa pisngi ng pang-upo ko at bahagya niya itong pinisil na animo'y nanggigigil sa akin. Ewan, hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Dapat kanina ko pa siya pinigilan eh, pero bakit ako natutukso sa kanya? Bakit gustong-gusto ko pa talaga?

Malaki ang kamay ni Priamos kaya naman wala lang niyang kahirap-hirap na pinipisil at minamasahe ang kaliwang pisngi ng pang-upo ko. Kahit pa na naka-cycling shorts lang ako at simpleng dress ay ramdam ko ang mainit niyang palad na tumatagos ang init hanggang sa buto ko. Naghiwalay ang mga labi namin ni Priamos at sa pagdilat ko ay nakita ko ang napaka-pungay niyang mga mata. Akala ko ay titigil na siya pero nagkakamali ako.

Inilapit niya ang kanyang gwapong mukha sa leeg ko kaya ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko. Para akong nakikiliti pero ang kiliti na yun ay may dulot nang sarap. Parang may kasama itong sarap at ang kiliti na ito ay umaabot hanggang sa ibabang bahagi ng aking katawan.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon