KABANATA 9

17.5K 642 168
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think and please, don't say offensive things and languages if you don't like this kind of story. Please excuse foul words in my story. Contains mature scenes. Not suitable for young and innocent readers. Please be warned.

• • •

KABANATA 9:

HANNAH'S POV

Tumupad naman si Priamos sa kanyang sinabi sa akin. Diretso niya akong inuwi sa dormitoryo ko at nung gisingin niya ako ay ligtas naman ako. Kumpleto pa rin naman ang damit ko, walang labis at mas lalong walang kulang. Walang masamang ginawa si Priamos sa akin tulad nung sinabi niya kaya ligtas akong nakauwi.

"Salamat," nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Inihatid pa talaga niya ako hanggang sa pintuan ng dorm ko.

"No problem," aniya at matamis rin niya akong nginitian, "Nice to meet you again, Hannah." he added kaya this time ay ako naman ngayon ang ubod na tamis na ngumiti sa kanya.

What the hell is wrong with me? Hindi ba't man-hater ako? Allergic nga ako sa mga lalaki eh. Dapat nagsusungit ako sa kanya at hindi ko rin siya dapat nginingitian ng ganito. Hindi rin siya dapat tinatrato ng ganito ngunit bakit ganito? Bakit napakagaan talaga ng kalooban ko sa kanya? Bakit ako komportable sa kanya?

"Nice to meet you din. Salamat sa tulong mo at sa paghatid sa akin," sinsero kong pasasalamat sa kanya. Walang halong kaplastikan iyon, talagang totoo akong nagpapasalamat sa kanya. Isang gabi lang kami nagkakilala pero ang dami na niyang nagawang mabuti sa akin.

Napatango-tango siya, "Wala yun. It's my pleasure to help you," nakangiti niyang sambit kaya mas lalo akong napangiti. Kulang na lang ay mapunit na ang labi naming dalawa dahil sa lawak ng pagkakangiti namin sa isa't-isa.

Damn! Ang gwapo talaga niya, amoy mayaman pa. Nakailang girlfriend na kaya itong si Priamos? Imposible rin namang wala siyang girlfriend. Sa gwapo at kakisigan niya? Mapapa-no way talaga ako kapag nagkataong wala siyang girlfriend.

"S-salamat pala ulit sa paghatid sa akin," pag-ulit kong pasasalamat sa kanya.

Nautal pa talaga ako dahil sa paraan ng pagtitig ni Priamos sa akin. Mariin talaga siyang nakatitig sa akin, diretso ang kanyang tingin at tila may kung ano siyang hinahalukay sa loob ng katawan ko. Yung tipong pakiramdam ko ay nakikita na rin niya pati sarili kong kaluluwa.

He really looks like an intimidating person. Nakakatakot at nakakatindig balahibo ang kanyang mabigat na awra. Nagsusumigaw kung gaano siya nakakatakot na lalaki pero nawawala yun dahil sa matamis niyang ngiti. Kung gwapo siya kahit na seryoso ang mukha niya, mas gwapo naman siya kapag nakangiti.

"Ahm, hindi ka pa ba uuwi? Masyado nang malalim ang gabi," naiilang kong sambit dahil parang wala pa siyang balak na umalis.

Nakangiti lang siya at nakatitig pero agad din siyang natauhan kung hindi ko lang yun sinabi. Natawa pa siya at bahagyang napakamot sa kanyang ulo. Buti na lang tulog na ang mga kapitbahay namin, may pagka-tsismoso pa naman ang mga tao rito.

"Ahm, kasi ano.." sambit niya at tila may gusto pa siyang sasabihin pero obvious naman na nagda-dalawang isip siyang sabihin iyon o hindi.

"Kasi ano?" tanong ko at punong-puno ng katanungan ko siyang tinignan.

Hindi nakaligtas sa akin kung paano siya napalunok ng laway niya kaya nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adams apple. Pati pa naman paglunok niya ay kailangan gwapo pa rin? Saan kaya pinaglihi itong si Priamos? Ang gwapo eh, bonus na makisig pang nilalang.

"Can I h-have your cellphone n-number?" nauutal niyang tanong sabay kamot sa kanyang batok.

Pinigilan ko naman ang sarili ko na huwag matawa o ngumiti man lang dahil halatang nahihiya si Priamos matapos niyang sabihin iyon, tapos namumula pa ang kanyang mukha pati na rin ang tenga't leeg niya. Ni halos hindi nga rin siya makatingin ng diretso sa akin.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon