KABANATA 4

19.1K 670 164
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think and please, don't say offensive things and languages if you don't like this kind of story. Please excuse foul words in my story. Contains mature scenes. Not suitable for young and innocent readers. Please be warned.

• • •

This chapter is dedicated to: Marie_wpghorl014

KABANATA 4:

HANNAH'S POV

Kinakabahan ako. Halos naririnig ko na rin ang malakas na pagtibok nitong puso ko, kulang na lang din ay tumalon na ito palabas sa aking rib cage. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit biglang napatawag si Mommy sa akin ngayon.

Alam kong nagte-text na muna siya sa akin para tanungin ako kung pwede ba siyang tumawag sa akin. Pero ngayon? Biglaan na lang siyang tumawag na labis kong ipinagtataka ngayon.

"Mom? Bakit po kayo napatawag? Ano po ba yung sasabihin niyo sa akin?" tanong ko muli nang hindi ko siya narinig na nagsalita ulit.

Mukhang nagda-dalawang isip pa yata siya kung sasabihin ba niya sa akin ang dahilan kung bakit siya biglang napatawag sa akin. Siya na rin mismo ang nagsabi sa akin na mayroon siyang importanteng sasabihin sa akin.

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga, "May pasok ka ba sa darating na araw? Gusto kasi ng lolo mo na umuwi ka muna dito sa Subic, Ilaya nang ilang araw. Inutusan niya ako na sabihin ko sayo 'to kaya ako napatawag sayo anak." mahaba at mahinahon niyang sabi kaya mas lalo naman akong napaisip at nagtaka.

"Ahm, meron po akong tatlong araw na walang pasok. Pwede po akong pumunta diyan, sabagay natapos ko na po lahat ng mga schoolworks at mga projects na kailangan kong gawin at ipasa." sambit ko.

Tatlong araw lang naman ang wala akong pasok sa school. Isa sa sabado, linggo at lunes. At saka wala na rin kaming masyadong ginagawa sa iba naming subject, ang iba kasi naming mga Professor ay naghahanda na para sa nalalapit naming graduation.

Buti na nga lang ay tapos ko na lahat ng mga dapat kong tapusin dahil paniguradong magiging abala naman kami sa darating naming final exam pati ang pagpa-practice namin para sa graduation.

"Bakit po, mom? Bakit po gusto akong pauwiin ni lolo diyan sa baryo natin?" kinakabahan ko pang tanong.

Lahat ng pamilya at kamag-anak ko na kapwa mga nakatira na sa Batangas ay alam nilang dito ako sa Maynila nag-aaral ng college. Alam din nilang nakipagsapalaran na ako dito noon palang, disi-siyete ang edad ko nung unang beses kong makarating at makatapak dito sa Maynila.

Kaya naman alam na alam nilang madalang lang akong pwedeng bumisita sa baryo namin dahil busy ako palagi sa school. Pero nagtataka ako kung bakit gusto akong pauwiin ng lolo ko sa Subic, Ilaya. Ano naman kayang dahilan?

"Hannah, wag ka sanang mabibigla okay? Meron kang dapat malaman, anak." saad ni Mommy sa kabilang linya at nahihimigan ko sa boses niya ang lungkot.

"B-bakit po?" tanong ko kahit na bigla na lang akong kinabahan.

Hinintay ko siya na sabihin kung ano man yung dapat kong malaman na tinutukoy niya. May masama kayang nangyari kay lolo? May hindi ba magandang nangyari sa isa sa mga kamag-anak namin sa Batangas?

Jusko! Iniisiip ko palang ang mga bagay na yun ay mas lalo lang akong kinakabahan. Para na rin akong maiiyak once na malaman kong may napahamak sa pamilya o kamag-anak namin.

"You're getting married, Hannah." diretsong sabi ni Mom at tila nag-loading pa sa utak ko yung sinabi niya, "Naka-arrange marriage ka na sa apo na lalaki nung bestfriend ng lolo mo kaya gusto niya na umuwi ka muna dito sa baryo natin para sa engagement party niyo." dagdag pa niya.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon