KABANATA 16

16.1K 716 243
                                    

KABANATA 16:

HANNAH'S POV

Badtrip! Dahil sa malakas ang buhos ng ulan ay medyo nagkakaroon na nang baha yung tinatahak naming kalsada. Nakikita ko pa sa mga taong malalakas ang loob na lumulusong sa baha na umaabot na hanggang sa tuhod nila yung tubig-ulan. Idagdag pa na naipit na kami ni Priamos sa matinding traffic. Kakahiling ko lang kanina na sana huwag kaming ma-stuck sa traffic, pero sadya nga namang mapaglaro itong tadhana sa amin. Heto tuloy kaming dalawa, hinihintay namin na umusad ang mga sasakyan na nasa unahan namin.

Chineck ko naman agad kung anong oras na ba, pasado alas-onse na pala nang gabi. Umalis kami ng alas-nuebe sa dormitory pero wala pa rin kami sa Batangas dahil nga sa naipit kami sa punyemas na traffic na 'to. Ni hindi pa nga kami nakakarating sa expressway ng STAR Tollway.

"Fuck, ngayon pa talaga nagka-traffic!" inis na turan ni Priamos sabay hampas sa manibela.

"Relax, makakausad din tayo sa traffic." kalmado kong sabi sa kanya habang kumakain ng binili niyang snacks na Piattos.

"I'm getting bored," pag-amin niya bago siya marahas na bumuntong-hininga. Mahina naman akong natawa, kahit ako rin naman ay inaatake na rin ng boredom. Wala naman kasi kaming magawa dito sa loob ng kotse. Hindi rin naman kami pwedeng lumabas ng sasakyan dahil nga umuulan ng malakas.

"Me too, pero wala tayong choice. Alangan naman na maligo tayo sa ulan dito sa kalagitnaan ng traffic," natatawa kong sabi sa kanya dahilan para matawa rin siya. Saglit akong tumingin sa labas ng bintana, malakas pa rin talaga ang buhos ng ulan. Lumalakas na rin ang paghampas ng hangin kaya yung mga taong naglalakad ay tinatangay ang mga payong nila.

"What if mag-practice tayo ngayon? Alam mo na, kapag may tinanong ang buong pamilya mo sa atin lalo na yung lolo mo tungkol sa relasyon natin." suhestiyon niya at mukhang maganda naman ang naisip niya kaysa mamatay kami sa bored dito.

"Okay, sige. Mabuti pa nga, para at least alam natin kung ano ang isasagot natin kina lolo." pagpayag ko.

"Paano kung tanungin nila tayo kung saan tayo unang nagkakilala? Anong sasabihin natin?" he asked.

Sandali akong napaisip dun, "Well, sabihin na lang natin na nagkakilala tayo sa school." sagot ko sa kanya.

"Hindi naman ako nag-aral sa pinapasukan mong school kaya baka magtaka sila once na ipa-background check nila ako at malaman nila kung saan ako grumaduate." aniya kaya muli akong napaisip.

"Then let's say, nagkakilala tayo sa birthday party ni Kuya Topher." tanging nasabi ko kaya napatango-tango naman siya at mukhang nagustuhan niya yun.

"Ano namang isasagot natin kapag tinanong nila tayo kung ilang taon na tayong mag-asawa?" muli niyang tanong.

Jusko po! Baka nga itanong nila lolo sa amin yun. Or worst ay baka mismo kay Priamos nila itanong yun tapos hindi alam nitong si Priamos ang isasagot niya. Paano kung magtanong sila sa amin ng mga ganung klaseng bagay tapos hindi kami magkasama ni Priamos? Edi nahuli na nila kami.

"Ahm, sabihin nating bagong kasal lang tayo. Nakalagay naman sa pekeng marriage certificate natin yung date ng pagpapakasal natin diba? Tapos sabihin nating mga almost four years na tayong magkarelasyon. Sabihin natin sa pamilya ko na nagkakilala tayo nung first year college ako," mahaba kong saad.

I really have no intention of lying to my whole family but I really have no other choice. Binigla nila ako nung ipaalam ni Mom sa akin na naka-arrange marriage na ako. Pinagkasundo ako ni lolo sa lalaking hindi ko naman mahal. At kilala ko ang sarili kong lolo, may katigasan rin ang ulo nun at hindi siya nakikinig kaya paniguradong itutuloy pa rin niya akong ipakasal sa apo nung matalik niyang kaibigan. At iyon ang kailangan kong pigilan. Hindi ko dapat hayaan na mangyari yun. Sighed.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon