KABANATA 38:
THIRD PERSON'S POV
Nanggagalaiting napayukom ng kamao si Priamos habang galit na lang siyang nakatanaw sa Van kung saan isinakay si Hannah. Kahit na hinabol niya ito ay hindi pa rin siya nagtagumpay na maabutan ito. He clenched his fist tightly as his teeth greet with rage. Nakita mismo ng dalawa niyang mata na si Randall iyon, ang walanghiyang lalaking yun ang kumuha kay Hannah at sinakay sa Van!
May duda na siya kung saan maaaring dalhin nung lalaking yun ang babaeng mahal niya. Sa Batangas, malakas ang kutob niya na dadalhin ni Randall si Hannah sa Subic, Ilaya. Marahil ay nasabi na nito sa buong pamilya ng dalaga ang tungkol sa narinig nito nung nakaraang araw. Hindi naman papayag si Priamos na ilayo sa kanya ang babaeng bumihag sa puso niya. Hinding-hindi niya hahayaan na ilayo sa kanya si Hannah.
"Where are you going?" tanong ni Thorn sa kanya nang tumalikod siya at malalaking hakbang ang kanyang ginawa.
"Sa Subic, Ilaya. Nakakasiguro ako na doon dadalhin si Hannah." seryoso niyang sambit. Inabot naman sa kanya ni Harley ang cellphone niyang nabitawan niya kanina kaya kinuha lang niya ito at agad sumakay sa kanyang kotse. Kailangan niyang pumunta roon at kunin si Hannah. Malakas rin naman ang loob niya dahil may pinaghahawakan siya para hindi maikasal si Hannah kay Randall o kahit sino pang lalaki.
She is his wife. Asawa niya si Hannah at may bisa ang kanilang marriage contract. Yes, maybe he's crazy dahil hindi pekeng kontrata ang pinirmahan ni Hannah. He also signed the marriage contract at gumawa siya ng paraan para maging legal ang kasal nila. He has money, he also has a connection kaya hindi siya nahirapan na iparehistro ang kasal nila ni Hannah kahit pa na walang naganap na seremonya ng kasal sa simbahan o kahit man lang sa huwes. Pero nangako siya sa kanyang sarili na papakasalan niya si Hannah sa simbahan at may magaganap na seremonya ng kasal. Of course, gusto rin niyang maranasan na maikasal sa babaeng mahal niya sa loob ng simbahan.
Huminga ng malalim si Priamos at agad pinaandar ang makina ng kanyang sasakyan. He will do everything para sa kanya mapunta si Hannah. He really loves her. Walang halong pagpapanggap at pagsisinungaling. Totoo ang nararamdaman niya para sa dalaga. Bago pa siya makaalis ay bumukas ang pintuan sa passenger seat pati na rin sa backseat bago nagsisakayan sa kotse niya ang tatlo niyang kaibigan. Si Thorn ang nasa passenger seat habang si Zeev at Perseus ang mga nakaupo sa backseat. Napansin pa niya na nagsisakayan sila Conan, Wyatt at Nyx sa kabilang sasakyan.
"Bakit kayo sumakay? I'm going to Subic, Ilaya para kunin si Hannah." aniya sa tatlo.
"Exactly, dude. Kaya kami sumakay dito sa kotse mo para samahan ka namin papunta sa Batangas dahil alam namin ang ugali mo. We know you, Priamos. You are not a troublemaker but your behavior is deadly. You will do what you want kahit pa na mabahiran ng dugo ang dalawa mong kamay," ani Thorn sa kanya.
"He's right, mas malala ka pa ngang magwala kaysa kay Nyx eh." komento naman ni Zeev sa backseat kaya nagtawanan sila. Talagang magwawala siya kapag hindi sa kanya napunta si Hannah.
"Ang sabihin mo iba ring magalit itong si Priamos. Katulad lang siya nila Palermo," ani Perseus kaya lalong nagtawanan ang mga kaibigan niya.
"Let's go, susundan na lang nila Conan yung kotse mo. Baka mahuli pa tayo ng dating at maikasal pa yung misis mo dun sa Randall na tinutukoy mo," wika naman ni Thorn. Alam ng mga kaibigan niya kung sino si Randall dahil minsan na niyang naikuwento ang lalaki sa mga kaibigan niya.
"No, hindi maikakasal si Hannah kay Randall. Matalino ang misis ko, gagamitin niya ang marriage contract namin para hindi siya maikasal sa gagong yun." aniya bago niya paandarin ang kotse niya paalis sa lugar na yun.
"Eh paano kung malaman nung lolo ni Hannah na peke yung marriage contract niyo?" Zeev asked.
Napangisi naman si Priamos, "Sino ba kasing nagsabi na peke yung marriage contract namin ni Hannah?"
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRE
Ficção Geral6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has to pretend to be gay? Will he succeed? Or not? ➤ ERO-ROMANCE ➤ MATURE CONTENT ➤ R-18