KABANATA 33

16.8K 612 235
                                    

KABANATA 33:

HANNAH'S POV

Galit. Iyon ang nakikita ko sa gwapong mukha ni Priamos. Galit na galit siya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kamao niyang mahigpit na nakayukom. Mabilis niya akong nilapitan at maingat na tinayo. Inayos pa niya ang buhok kong nagulo at nabuhaghag dahil sa pagsabunot sa akin nung lintek na mga babaeng yun. Kitang-kita ko rin sa mukha ni Priamos ang labis na pag-aalala habang mariin niya akong tinititigan.

"May masakit ba sayo?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

Marahan ko naman siyang tinanguan bago ko hawakan ang anit ko kung saan ang mas sumasakit sa akin. Para akong nakipagbugbugan nito sa mga adik sa kanto, sobrang nananakit pa ang buo kong katawan pati na rin yung magkabila kong pisngi na pinagsasampal at pinagkakalmot ng mga babaeng yun. Hinayaan ko lang din si Priamos nang ayusin niya ang uniform kong nadumihan at nalukot. May punit pa nga ng kaonti ang blouse ko kaya nakikita ang suot kong sando. Mabuti na lang nagsasando ako kapag nagsusuot ako ng uniporme para hindi makita ang kulay ng suot kong brassiere.

"Ano bang nangyari dito?" tanong ni Thorn nang makalapit sila sa amin. Ngayon ko lang din napansin na narito ang ilan sa mga kaibigan ni Priamos, pati na rin yung Hellion Triplets na bakas ang pagtataka kung bakit may nangyaring rambulan dito sa labas ng school nila. Paniguradong didiretso kami nito sa guidance office once na sa loob ng school kami nagsabunutan. Pero ano naman kayang ginagawa nila Priamos dito? Sa pagkakaalam ko ay hindi ko naman siya tinext para magpasundo sa kanila.

"Thanks," tipid ko lang na sabi kay Zeev nang ilagay niya sa balikat ko ang jacket niya para matakpan ko ang napunit kong blouse. Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Kahit pala may pagka-loko loko itong si Zeev ay gentleman din naman pala siya kahit papaano.

"Why did you hurt my girl?!" galit na tanong ni Priamos sa mga babaeng yun.

Tinignan ko ang tatlong bakla, magulo din ang mga buhok at uniform nila. May mga kalmot din sila sa kani-kanilang mga mukha pero sila Carla ay may dugo sa gilid ng labi nila, marahil ay iyon ang kagagawan nung tatlong lalaki. And speaking of tatlong lalaki na kasama ng mga bwisit na babaeng 'to, nakadapa sila ngayon sa lapag habang tapak-tapak nila Wyatt, Perseus at Lucian ang kanilang mga likod.

"K-kasi nilalandi niya ang Hellion Triplets!" walang kakwenta-kwentang dahilan nung babaeng maikli ang buhok.

"Really? Sinaktan niyo ako, sinabunutan, pinagkakalmot at halos patayin niyo na ako dahil sa akala niyo nilalandi ko ang Hellion Triplets? Eh mga putangina pala kayo eh!" nanggagalaiti kong sigaw dahil sa panggigigil ko sa kanila.

Jusko! Hindi man lang ako nakaganti sa mga pananakit nila sa akin! Kulang na nga lang ay tanggalan na nila ako ng buhok dahil sa lakas at higpit nilang manabunot!

"Eh totoo namang malandi ka eh! Tignan mo nga, sinasabi mo pang asawa mo si Priamos! Sinungaling ka!" asik naman sa akin nung alipores nung babaeng maikling buhok. Siya yung pumatong sa tiyan ko at pinagtulungan nila ako nung kasama niya.

"Anong sinungaling? She's my wife and she is not lying. You hurt my wife as well as her friends so you must pay for what you did," may diing turan ni Priamos sa kanila. Napansin kong natigilan silang lahat at tila naging kasing kulay na nila ang papel sa pamumutla nila.

"F-for real? M-mag-asawa k-kayo?" garalgal na tanong nung babaeng maikli ang buhok.

"Yeah, mag-asawa silang dalawa at hindi rin kami nilalandi ni Hannah. Why can she do that? Apart from the fact that they are husband and wife, we are loyal to our girl. We already found our girl," ani Lycus kaya naman rumehistro sa pagmumukha nung mga babaeng yun ang labis na gulat.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon