KABANATA 11

17.9K 698 316
                                    

KABANATA 11:

THIRD PERSON'S POV

Priamos was left dumfounded. Hindi talaga siya lubos makapaniwalang iyon ang kailangan niyang gawin, kapalit nun ay para hindi siya mai-arrange marriage sa anak ng kumpare ng kanyang ama. Talaga nga namang sinusubukan ng Ate Galadriel niya ang kanyang pasensya.

Fuck! How can he fucking do that? How can he pretend to be Hannah's husband? At ang mas worst pa doon ay kailangan rin niyang magpanggap na isang bakla! And because Hannah is a man-hater that's why he has to pretend to be gay even if he's not. What the hell?! Iniisip pa nga lang niya na aakalain ni Hannah na isa siyang bakla ay nagngingitngit na siya sa matinding inis at galit.

"Fuck, fuck!" gigil niyang pagmumura bago niya tinungga ang natitirang alak sa kanyang baso.

Hindi lang siya frustrated ngayon, naiinis at galit na galit rin siya ngayon. Priamos has no choice, wala na siyang pagpipilian pang iba. Dahil once na tanggihan niya ang kondisyon ng Ate Galadriel niya ay paniguradong tuloy ang arrange marriage niya. Simple lang naman daw ang pinapagawa sa kanya, iyon ay mag-pretend bilang asawa ni Hannah at higit sa lahat ay magpanggap rin siyang bakla dahil nga sa allergic si Hannah sa mga lalaking kagaya niya.

Maganda naman ang magiging kapalit nun kay Priamos, una ay hindi na siya ipagkakasundong ipakasal ng Ate niya sa anak ng kumpare nang Daddy niya. Babalewalain na rin ang kasunduan na nangyari sa pagitan ng dalawang pamilya at higit sa lahat ay hindi na rin siya pakikialamanan ng Ate Galadriel niya sa lahat ng mga gagawin niya.

Pero sa dinami-rami ng pwedeng maging kondinsyon ng kanyang kapatid, bakit kasi yun pa? Sa katunayan nga niyan ay wala namang problema sa kanya kung magpapanggap siyang asawa ni Hannah. Kayang-kaya naman niya talagang magpanggap na may relasyon sila ni Hannah. Maganda at seksi ang dalaga, may chance na mapalapit siya kay Hannah pero ang magpanggap na isa siyang bakla? No way! He can't do that!

Pinanganak siyang pusong lalaki, na hindi kapwa lalaki ang gusto niya kundi babae. Ni hindi nga niya alam kung paano umarte o umakto na maging bakla! Bullshit! Hindi talaga niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng Ate niya. Bakit yun pa kasi ang kondisyon nito? Bakit pa dapat niyang mag-pretend na bakla kahit hindi naman niya kayang gawin?

"Priamos, panoorin mo na kasi itong tutorial sa youtube! Madali lang naman 'to eh!" rinig niyang wika ng kanyang Ate Galadriel.

Kanina pa siya pinipilit nito na manood ng tutorial sa youtube kung paano maging bakla. And he hates it! Lalo pa't narito rin ang mga kaibigan niya. Napasugod ang mga ito sa pamamahay nila nang sabihin niya ang kanyang problema. Pero imbes na tulungan siya ng mga ito ay pinagtatawanan pa siya.

"Come on, dude! Madali lang naman siguro magpanggap na bakla," natatawang turan ni Zeev sa kanya.

"Ganto gawin mo," ani Wyatt at kumembot-kembot pa ito habang naglalakad sa kanyang harapan. Ang mga kamay naman nito ay pumalantik pa tulad sa mga bakla.

Halos tumirik naman ang dalawang mata ni Priamos nang irapan niya ang kanyang mga kaibigan. Naririnig ba ni Zeev ang sinasabi nito? Madali lang magpanggap na bakla? Is he fucking serious? At idagdag pa itong si Wyatt na kulang na lang ay gusto na niya itong sipain.

"Edi kayo ang gumawa! Kayo ang magpanggap na bakla!" asik niya sa mga kaibigan niya kaya nagtawanan sila Thorn sa kanya.

Kanina pa namumula ang buong mukha niya dahil sa matinding galit. Nakayukom na nga ang kanyang kamao at kulang na lang ay umusok na ang dalawang butas ng kanyang ilong. Panoorin pa nga lang niya kung paano umaktong bakla sa tutorial ng youtube ay kinikilabutan na siya.

"Hoy, Priamos! Wag mong sabihin na nakalimutan mo na yung pinag-usapan natin! Isang pirma ko lang sa kasunduan na yun, tiyak na may asawa ka na at nakatali ka na dun sa anak nung kumpare ni Dad!" pananakot ng Ate Galadriel sa kanya.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon