Epilogue

22.5K 815 254
                                    

Epilogue

HANNAH'S POV

Marami ang nagmamahal at pumapasok sa isang relasyon na hindi nagtatagal. Ang iba naman ay naniniwala na nagbabago rin ang feelings ng isang tao, ang iba ay mabilis pang magsawa. Hindi rin naman kasi perpekto ang love na yan. Hindi ito tulad ng mga fairytale at mga romantikong istorya na nababasa lang natin sa libro. Naniniwala ako na hindi perpekto ang love at mas lalong hindi rin naman kasi madali na magmahal.

Kapag kasi nagmahal ka, marami ka pang challenges na kakaharapin. Dapat niyong lagpasan ang mga sumasagabal sa relasyon niyo, magkasamang harapin ang mga pagsubok at higit sa lahat may tiwala at kayang ipaglaban ang isa't-isa. Sabi nga nila, kung gusto may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.

It's easy to spell the word love, but not everyone has experienced being loved. Hindi rin naman umiikot ang love sa isang may jowa, umiikot rin ito sa pamilya, sa kaibigan at sa sarili mo. Naniniwala rin kasi ako na bago ka mahalin ng iba, dapat mahalin mo muna ang sarili mo. Iyon ang mga bagay na aking natutunan nung magmahal ako. Minahal ko muna ang sarili ko, ang buo kong pamilya, ang mga kaibigan ko bago ako nagmahal ng lalaking gusto ko na mahalin din ako.

Minsan na rin akong nabigo sa pag-ibig, nasaktan at pinagtaksilan ng kaibigan. Pero kung hindi ko pa naranasang mabigo sa pag-ibig, hindi ko pa mare-realize ang worth ko. Hindi ko pa mabibigyan ng halaga ang sarili ko. We also learn a lot from failures. Akala ko pa nga ay habambuhay na akong magiging man-hater dahil sa niloko at pinagtaksilan ako ng aking ex. Pati ang tinuring kong best friend ay inahas pa ako.

But he came.

Dumating si Priamos at pinaramdam niya sa akin ang tunay na halaga at pagmamahal. Pinaramdam mismo ni Priamos sa akin kung gaano ako ka-worth it na mahalin. At malaki ang pasasalamat ko na dumating siya sa buhay ko. Tama nga siguro ang sinabi niya, ipinanganak siya sa mundong ito para sa akin at para mahalin ako. He loves me at my best or even at my worst. He seen at my worst but Priamos still thinks I'm the best. Maraming mga babaeng mas higit pa sa akin. Mas maganda, mas matalino, mas sexy, mas mayaman pero mas pinili pa rin niya akong mahalin.

"Mom, are you sure na darating po si Daddy ngayon?"

Nawala naman ang malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang boses ng isang batang lalaki. Napangiti naman ako nang makita ko si Remus na nagmana sa angking kagwapuhan ni Priamos. Anim na taong gulang na siya at oo, siya na ang naging bunga ng pagmamahalan naming dalawa ni Priamos. Six years na kaming kasal at mag-asawa ni Priamos, sobrang laki ng pasasalamat naming dalawa sa Diyos dahil biniyayaan niya kami ng isang pogi, matalino at napakabait na anak.

Si Remus Hiraya, ang anak namin. Kasalukuyan kaming narito sa school niya para dumalo at kunin ang matatanggap niyang award at medal. Marahan ko naman inayos ang kanyang buhok at mahinang pinisil ang kanyang kaliwang pisngi.

"Don't worry, honey. Parating na ang Daddy mo," nakangiti kong paniniguro sa kanya.

Tumango-tango na lang siya at hindi na muling nagsalita. Hinihintay kasi namin na makarating dito si Priamos dahil nasa office pa rin siya para tapusin ang trabaho niya ngunit nangako naman siya sa anak namin na makakarating siya dito sa school. Isa nang kindergarten si Remus, at buong puso kong ipinagmamalaki na matalino ang anak ko. Well, kanino pa nga ba nagmana itong baby namin ni Priamos.

Nagulat na lamang ako nung isang araw nang biglaang tumawag ang homeroom teacher niya at ibinalita nito sa akin na may matatanggap na awards at medal ang anak kong si Remus. May magaganap daw na recognition sa school nila kaya inaanyayahan kaming mga magulang na manood sa eskwelahan. Naging Top 1 rin si Remus sa klase nila kaya naman nung ikuwento ko iyon kay Priamos ay tuwang-tuwa rin siya kagaya ko. Naalala ko pa nga kung paano niya ipagmalaki sa mga kaibigan niya ang tungkol doon kaya pati sila Zeev ay natuwa rin kay Remus.

IDLE DESIRE 6: GAY HUSBAND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon